Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 26

CHAPTER 26

ALDEN’S POV:

Nagkatingin lang siya sa kanyang boss pero doon niya lubos na naintindihan kung bakit mainit ang ulo nito ngayon. Mukhang nagkaroon na naman ng hindi pagkakaintindihan si Sir Xavier at ng asawa nitong si Madam Mayumi. Pero sa tagal niyang pagtatrabaho bilang executive assistant ni Sir Xavier ay sanay na siya doon.

Mula nang magkaroon ng isyu tungkol sa kasal ng dalawa, may kinikimkim ng sama ng loob si Sir Xavier at hindi talaga naging maganda ang pakikitungo nito kay Ma’am Mayumi.

Gayunpaman, kahit gaano kasama ang pakikitungo nito sa asawa, kailanman ay hindi nawalan ng pasensiya si Ma’am Mayumi. Tahimik lang ito at sinasarili ang lahat. Hindi niya alam kung katangahan iyon o sobrang mahal lang talaga ni Ma’am Mayumi ang boss niya. Hindi naman kaila sa buong siyudad ang ganitong usapin.

Kaya alam niya na kahit magtalo pa ang mga asawa, kinabukasan ay parang normal lang ulit ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Parang nasanay na lang din ang dalawa na mag-aaway at magbabati din sa kalaunan dahil nga mabait ang asawa ni Sir Xavier na si Ma’am Mayumi.

Sa kabila ng mga haka-haka at pagdududa ng mga tao, may hindi maipaliwanag sa kanyang isip na magtatagal talaga ang kasal ni Sir Xavier at Ma’am Mayumi. Kilala niya kasi nang husto ang ugali ng kanyang boss. Kung ayaw talaga nito ng kasal na iyon, malamang matagal na iyong natapos.

“Kamusta na ang paghahanap ng bagong bahay para kay Ysabel?” pukaw ni Sir Xavier sa malalim niyang pag-iisip.

“We’ve found a suitable house according to Ms. Ysabel’s taste, and the property has already been purchased and transferred under her name,” sagot niya.

“Hm.”

Tanging tango lang ang sagot ng kanyarig boss.

Maya-maya ay bigla siyang may naalala… “Ahm, boss… tungkol sa bagong apartment na tinutuluyan ngayon ni Ma’am Mayumi, gusto niyo din po bang makita?” Akmang iaabot na niya ang litrato at impormasyon nang bigla itong nagsalita.

“Huwag mo nang ipakita. Alisin mo na ‘yan.” Mabilis nitong sabi nang hindi man lang tiningnan ang litrato. Tahimik nivang binalik ang mga dokumento sa folder. Sanay na siya sa pabagu-bagong mood ni Sir Xavier pagdating kay Mayumi kaya hindi na siya nagulat.

“Boss, kung wala na po kayong ibang ipag-uutos, lalabas na ako,” magalang niyang paalam.

Nang tumango si Sir Xavier ay agad siyang umalis. Paglabas ng opisina ay nakita niya ang secretary ni Sir Xavier na si Chantal, nakatayo sa may pinto, tila hindi alam kung papasok ba o hindi.

“What’s going on?” tanong niya.

Nakahinga ito ng maluwag nang makita siya, mabilis itong lumapit sa kanya at inabot ang hawak na mga dokumento

“Thank God, Alden, you’re here. Pwede bang ikaw na ang mag abot ng dokumentong ito kay boss?”

Hindi niya maintindihan kung bakit halos kinakabahan ito nang husto “Anong klaseng dokumento ba ‘yan? May project bang nalugi?”

Umiling ang sekretarya. “Hindi”

“Eh ano naman?”

“Ito malamang ang ikabagsak ng mga Valerio Kung hindi man ngayon ay baka sa mga susunod na panahon kung mali na naman ang magiging desisyon ni Sir Xavier ”

Lalo siyang nalito kaya kinuha ang dokumento at binuksan. Isa pala itong investment proposal mula sa pamilyang Santillan

1

+25 Bonus

Nagulat siya sa malaking halagang hinihingi ng mga Santillan. Parang kalabisan na iyon at alam naman ng lahat na ilulugi lang din iyon ni Johnny Santillan.

Muli na namang napabuntong-hininga ang sekretarya. “Kapag inapprove ito ni boss ay magsasayang na naman siya ng pera sa mga Santillan. Natatakot akong ibigay ito sa kanya dahil siguradong magagalit siya. Pero kung hindi ko naman ibibigay ay problema rin.” sabi ni Chantal

Napabuntong-hininga siya. Maging siya ay naguguluhan din. Hindi maganda ang pakikitungo ni Sir Xavier kay Ma’am Mayumi pero kapag may hinihingi ang pamilya nito ay agad namang binibigay ng kanyang boss kahit pa paulit-ulit lang itong nalulugi.

Pero bakit noong nagkaroon ng isa na namang pagtatalo ang mag-asawa at pinutol ni Sir Xavier ang allowance ni Ma’am Mayumi ay hindi man lang nito binalik kalaunan? Alam niya ang lahat ng iyon dahil siya mismo ang personal na nagbibigay noon kay Ma’am Mayumi. Minsan nakakaawa na din ang asawa ni Sir Xavier pero patuloy lang ito sa pagkukubli at tinatanggap lang ang lahat ng desisyon ng boss niya.

“A-Alden… natatakot akong lumapit kay sir… masama ang mood niya ngayon at baka ako ang mapagbuntungan ng galit…” Hindi naman sumisigaw at nagmumura si Sir Xavier, pero kapag nanenermon ito, ramdam talaga ang galit nito sa kaibuturan mo. Walang empleyadong hindi natatakot sa kanilang boss. Kaya iyon siguro ang kinakatakutan ng sekretarya.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME