CHAPTER 3
CHAPTER 38
475 Bonus
Sandali siyang natigilan… Napalingon siya kay Xavier na walang pakialam na sinubo ang orange sa bibig
nito.
Sa tabi nito, nakatingin sina Ysabel at Andra na halatang nagulat pero hindi pinansin ni Xavier ang reaksyon ng dalawa.
Maging siya ay nagulat din pero agad na binalik ang composure niya. Kung noon ito nangyari, baka iisipin niyang may pagtingin si Xavier sa kanya. Pero pagkatapos ng maraming taon, at napakaraming ebidensya na wala talaga itong pagmamahal sa kanya, wala nang dahilan para bigyan pa ng kahulugan ang maliliit na kilos nito.
Pinunasan niya ang kamay gamit ang wet napkin at tumingin sa oras. Malapit na rin siyang umalis.
Pero bago pa siya makapagpaalam kay Grandma, inunahan na siya nitong magsalita.
“Mayumi, iha, bakit hindi mo na lang ako ihatid pauwi?”
Tumango siya. Alam niyang sa ganitong kilos ng matanda ay may sasabihin ito sa kanya. Nasa loob lang ng malapad na compound na iyon din ang bahay ni Grandma.
Paglabas nila ng dining room, iniisip pa lang niya kung paano sisimulan ang usapan nang marinig ang malungkot na boses ni Grandma…
“Iha… napagdesisyunan mo na ba talaga?”
Nag-atubili siya sandali… napabuntong-hininga si Grandma.
“Kung dati ito nangyari, pipigilan pa sana kita, baka hindi pa huli ang lahat, baka may pag-asa pa…. Pero alam ko… kahit pilitin ko, lalo ka lang masasaktan. Sa mga taon na lumipas, nakikita ko kung paano ka nahirapan. Patawarin mo ako, Mayumi… itong matandang ito, hindi ka natulungan nang sapat.”
Doon niya lubos na naunawaan. Alam na ni Grandma ang nasa isip niya, at alam na nitong nagdesisyon na siyang ipa-annul ang kasal. Hindi na rin iyon nakagugulat, kahit anong pagtatago niya, palagi nababasa ni Grandma ang isip niya.
Naalala niya noon, ilang taon na ang lumipas, habang lumalago nang mabilis ang negosyo ng pamilyang Valerio, lumaki rin ang reputasyon ni Xavier sa business world, dahilan para kainggitan at gantihan ng ilang kakompetensya sa negosyo.
Isang beses, mag-isa siya sa bahay nang biglang may pumasok ang apat o limang hindi kilalang lalaki. Sa takot, mabilis siyang umakyat at nagkulong sa kwarto para tawagan si Xavier.
Pero noong araw na iyon, kaka-balik lang ni Ysabel sa bansa, at kasama ito ni Xavier. Pagkasagot på lang ng tawag, sinigawan agad siya ni Xavier, hindi pa man niya naipapaliwanag ang nangyayari. Sinabi nitong ayusin na lang niya mag-isa at huwag siyang istorbohin.
Nanlamig ang pakiramdam niya, pero nagmadali pa rin siyang ipaliwanag ang sitwasyon. Nang marinig nito ang sinabi niya mabilis itong umuwi.
Pero sa ikinagulat niya, ang mga lalaking may dalang kutsilyo at pamalo ay nagbanta lang at pagkatapos ay umalis.
CHAPTER
+25 Bonus
Hindi man lang nagbasag ang mga ito ng gamit o nagnakaw. Sa katunayan, inayos pa ang gulong nagawa nila bago umalis.
Nabigla siya. Kung hindi dahil sa ukang iniwan sa pinto na sinira ng mga ito, baka inakala niyang imahinasyon lang lahat.
Pero hindi siya pinaniwalaan ni Xavier. Galit na galit ito nang umuwi at sinabing nagsisinungaling lang daw
siya.
Sinubukan niyang patunayan ang totoo, pero noong araw na iyon, nag-malfunction ang lahat ng CCTV sa paligid ng bahay, na para bang sinadya para magmukhang imbento ang kwento niya.
Hindi siya nakapagsalita. Ang pinakamasakit pa, pagbalik na pagbalik ni Xavier sa bahay nila, si Ysabel naman ang inatake at ninakawan at muntik nang masaktan. May tumulong lang kay Ysabel kaya nakatakas ito sa mga masasamang tao.
Galit na galit si Xavier, kung hindi daw siya gumawa ng kwento para pauwiin ay hindi sana nasaktan si Ysabel.
Sa sobrang galit nito ay kinulong siya ni Xavier sa kwarto ng tatlong araw at pinilit siyang humingi ng tawad kay Ysabel kahit wala naman siyang kasalanan
‘Yon ang unang beses na seryoso niyang naisip na makipag-divorce na.
Nang malaman iyon ni Grandma ay nagalit din ito kay Xavier, bakit daw hindi pinaniwalaan ang sariling asawa. Nagpa-imbestiga si Grandma para mapatunayan na nagsasabi siya ng totoo dahil naniniwala ito sa kanya.
Pero sa kalaunan ay siya rin ang nagpatigil sa imbestigasyon. Wala naman iyong saysay dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya paniniwalaan ni Xavier.
“Grandma, napakalaki na po ng naitulong n’yo sa akin. May mga bagay… na hindi n’yo na talaga kayang kontrolin.”
Mahigpit na hinawakan ni Grandma ang kamay niya, kumikislap ang luha sa mga mata nito.
“Mayumi, tandaan mo ito… ano man ang napagdesisyunan mo, apo kita. At kapag kailangan mo ako, palagi akong nasa likod mo.”
Ngumiti siya nang may pasasalamat.
“Salamat po, Grandma.”
Pagdating nila sa pinto para maghiwalay, iniabot niya ang regalo na inihanda niya para kay Grandma.
“Kahit anong mangyari grandma, lola kita. Sana ay alagaan n’yo ang sarili n’yo at mabuhay ka pa ng mahaba at malusog.” naluluhang sabi niya sa matanda. Simula nang mawala ang nanay niya, si Grandma lang ang nagparamdam na may nagmamahal pa sa kanya.
“Salamat, iha…” Nagyakap silang dalawa. Pakiramdam niya ay iyon na ang huli nilang pagkikita.
alt
CHAPTER 30
Lucia Morh is a passionate storyteller who brings emotions to life through her words. When she’s not writing, she finds peace nurturing her garden.

Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME