+30 Bonus
CHAPTER 6
“WHAT???”
Sandaling natigilan si Xavier. Iniisip kung tama ang kanyang narinig.
“You heard me, Xavier. I want a divorce.”
“Mayumi, what game are you trying to play now?”
“I’m serious!”
“Xavier, pinapalaya na kita na makasama si Ysabel nang tuluyan. Nakikipag–usap na ako sa abogado. Andito ako sa ospital room sa itaas. Pumunta ka dito at pag–usapan natin ang tungkol sa diborsyo.”
Pero bago pa siya makapagsalita ay pinutol siya ni Xavier. “Wala akong oras!” mabilis nitong sabi saka pinatay ang telepono.
Nanlisik ang mga mata ni Xavier nang ibaba ang telepono. “Ito pala ang pinagkakaabalahan mo, ha?” inis na sambit niya.
Dati pa ay pinipilit niyang maghiwalay na sila ni Mayumi, pero ayaw nito kahit sinabi niyang ibibigay ang kalahati ng kanyang mga ari–arian.
At dahil hindi niya ito mapapayag, gumawa siya ng kung anu–anong kalokohan. He tried provoking her by flirting with other women in front of her. Pero wala pa ring plano itong hiwalayan siya.
Naisip niya tuloy na baka kulang pa ang alok niyang kalahati ng kanyang mana? O baka mas higit pa ang gusto ni Mayumi?
Hanggang sa kalaunan, napagtanto niya kung ano talaga ang gusto ni Mayumi… siya mismo!
Napangisi siya sa mga naiisip… He could give her everything, except himself. That was the one thing he would
never offer.
Muli niyang kinuha ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Mayumi….
“Ysabel and I don’t wish to see you. Know your place!”
Matapos ipadala ang mensaheng iyon, muling binalik ang cellphone sa bulsa at umakyat sa kwarto kung nasaan si Ysabel. Umaasa siyang matauhan na si Mayumi sa kabaliwan nito. Kung hindi… hindi siya mag–aatubiling ipahiya at itaboy ito palabas ng ospital.
Binasa ni Mayumi ang message na natanggap mula kay Xavier. Pilit siyang ngumiti nang mapait. Kahit desidido na siyang makipaghiwalay sa lalaki, bakit tila nasasaktan pa rin siya sa kawalan ng tiwala nito sa kanya?
Five years of marriage… an absolute failure.
Ngunit nakapagtataka, hindi niya naramdaman ang dati niyang lungkot o sakit. Instead, she felt calm.
Marahil, nagising na siya sa kanyang kahibangan.
Sa loob lamang ng ilang minuto, mahinahon niyang tinanggap ang katotohanang ayaw siyang makita ni Xavier, at nagpasya siyang magpahinga at alagaan ang sariling katawan.
Pagsapit ng hapon, nilapitan siya ng isang nurse at magalang na hiniling na ilipat siya ng ospital.
+30 Bonus
“Sabi po ni Dr. Patrick, kailangan ninyo ng sapat na pahinga. May inayos na po siyang ibang ospital para sa inyo. Nabanggit din po niya na kung may pagtutol kayo, maaari ninyo siyang kausapin nang direkta.”
Pagkarinig sa pangalan ni Patrick, agad niyang naunawaan. Ang direktor ng ospital na ito ay ang ama ni Patrick. Kahit intern pa lamang ito, walang sinumang mangangahas na balewalain ang utos ni Patrick.
Isang malinaw at hayagang utos iyon… na umalis siya.
Ayaw na niyang makadagdag pa ng abala sa mga nurse, kaya tumango siya bilang pagsang–ayon.
Ibinigay sa kanya ang isang garapon kung saan nakalagay ang hindi pa niya isinisilang na anak. Dahan–dahan siyang tumayo mula sa kama.
Nakita niyang naawa sa kanya ang nurse. “Puwede naman po kayong hindi pumayag sa gusto ni Doc Patrick, ma’am. Kung gusto n’yo pong maghain ng reklamo, may hotline po ang ospital…”
“Huwag na,” pilit niyang ngumiti. Alam niyang mabuti ang intensyon ng mga nurse, ngunit mas alam niya ang katotohanan. Si Patrick ang nagtutulak sa kanya palabas. At kung walang pahintulot ni Xavier, hindi ito mangangahas.
Kahit magreklamo pa siya, wala ring saysay. Kung ayaw siyang makita ni Xavier, maraming paraan para paalisin siya.
Matapos magpasalamat sa mga nurse, hindi na siya nagtagal. Paika–ika siyang lumabas ng ospital.
Kasalukuyang nasa kwarto ni Ysabel si Xavier at nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan ang mga naglalakad sa ibaba.
“Xav, what are you thinking?” tanong ni Ysabel. “Mula pagbalik mo ay tahimik ka na at malalim ang iniisip.” “Wala,” sagot niya, saka tila nahimasmasan. Naglakad siya papunta sa kama ni Ysabel.
(At sa sandaling lumipat ang kanyang tingin, hindi niya nakita ang babaeng hirap maglakad palabas ng ospital.) Lumapit siya sa tabi ng kama ni Ysabel at inayos ang kumot nito.
Lihim na napangiti si Ysabel nang maramdaman ang malambot na kumot na inilagay ni Xavier sa kanya. Pinabili iyon ni Xavier para talaga sa kanya upang maging komportable siya habang naroon sa ospital. Nagpakabit pa ito ng TV para hindi siya ma–bored.
Lihim siyang kinilig sa atensyong ibinibigay ni Xavier sa kanya, samantalang naalala niya ang imahe ni Mayumi kaninang sumisilip sa pintuan ng kanyang kwarto… maputla at hinang–hina.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME