Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 7

Dumilim ang mga mata ni Xavier. Naalala niya ang binanggit ni Mayumi

kol sa pakikipagdiborsyo sa kanya.

That marriage will end, but now is not the time.mariin niyang sagot kay Ysabel.

Hindi niya hahayaang si Mayumi ang magdedesisyon. Bukod pa roon, mangangahas ba talaga itong makipaghiwalay sa kanya? Nakakatawa!

Maliban na lang kung nabagok ang ulo nito sa isang aksidente, imposibleng magpasya ito ng ganoon!

The thought made him smile, but suddenly stopped….

Napaisip siyahabang kausap niya si Mayumi kanina, iba ang pakikitungo nito sa kanya, parang hindi na ito ang asawa niyang sunodsunuran sa kanya. Posible bang malubha ang naging pinsala nito at naapektuhan ang ulo?

Bigla siyang kinabahan at dalidaling lumabas sa kwarto ni Ysabel. Diretso siyang umakyat at hinanap ang silid ng ospital na binanggit ni Mayumi sa telepono kanina.

Ngunit pagdating niya roon ay walang laman ang silid. Dalawang nurse lamang ang nagliligpit.

Nasaan ang pasyente?tanong niya.

Nagkatinginan ang mga ito at nagtatakang sumagot. Mukhang nadischarge na po siya.

Nadischarge? Ibig sabihin, hindi naman pala seryoso ang mga pinsala niya, naisip niya.

Muli na naman siyang nainis sa sarili sa agad na pagpunta kay Mayumi, mukhang naloko na naman siya ng asawa. Patalikod na sana siya nang muling nagsalita ang isang nurse. Marami pong pinagdaanan ang pasyenteng iyon. Naaksidente siya sa sasakyan at nakunan, muntik nang mamatay, pero napilitang umalis ng ospital.

Natigil siya sa paghakbang. Tumalim ang titig ng kanyang madidilim na mata sa nurse.

Ano ang sinabi mo?Nakunan?

Magsasalita pa sana ang nurse nang agad namang dumating si Doc Patrick at nagsalita.

Isang buntis lang iyon mula sa ward sa itaas, bro. Pinaalis siya mula sa dati niyang ospital. Don’t listen to them. Sa kakachismis nila yan at kung anoanong kwento na ang mga sinasabi nila.dagdag pa ni Patrick.

Napahinga siya nang malalim. Ang akala nya ay si Mayumi ang tinutukoy ng mga ito. Pero malabong mangyari iyon, palagi naman silang nagiingat pagdating sa sex, kaya imposible itong mabubuntis at magkakaroon ng anak.

Kumusta si Mayumi? Narinig kong andito rin siya sa ospital,tanong niya kay Patrick

Umiwas ng tingin si Patrick, halatang hindi komportable.

Ah, siya ba… wala naman siyang serious injury, kaunting galos lang. Siguro papanggap lang na nasaktan para

gumawa ng eksena nang marinig niyang inaasikaso mo si Ysabel, di ba?dagdag pa ni Patrick habang palihim na sumulyap kay Xavier.

****

Lihim na nakahinga ng maluwag si Patrick nang tumalikod at umalis si Xavier. Saka niya binalingan ang dalawang

+30 Bonus

nurse.

No one is allowed to talk about the patients in this ward!galit na sabi niya sa dalawa.

Ngayong nagkaayos na si Xavier at Ysabel, hindi niya hahayaang maghiwalay muli ang dalawa. Kahit alam niyang hindi naman gusto ni Xavier si Mayumi, hindi malayong maaawa pa rin ito sa babae sakaling malaman nitong may anak sila.

Hindi ko papayagang magtagumpay si Mayumi kay Xavier habang nabubuhay akoMatigas niyang sabi sa sarili.

Pagkatapos magpahinga ni Mayumi ng dalawang araw matapos siyang madischarge sa ospital na pinaglipatan niya, ay bumili siya ng memorial lot para sa kanyang anak. Hindi niya inaasahan na mabubuntis siya kaya wala siyang naihandang damit o laruan. Pumunta siya sa mall para bilhan ng gamit ang kanyang anak.

Ma’am, mabilis lang lumaki ang baby. Hindi mo kailangang bumili ng ganito karaming damitbaka masayang lang.magalang na sabi ng saleslady.

Ngumiti siya nang mapaithindi na nya sinabi sa babae na hindi na lalaki ang anak niya dahil wala na ito. Its okayBibilhin ko pa din lahat ng yan.Sabi nya.

Nang naibalot na iyong lahat ay pumunta na cya sa memorial park kung saan ibuburol ang kanyang anak.

No matter how prepared she thought she was, watching her child being laid to rest in the grave broke her… hindi pa rin niya mapigilang umiyak.

Marahil ay magiging isang napakacute na sanggol ang anak nyapilyo tulad niya noong siya’y bata pa, o matalino tulad ni Xavier.

Maaaring mahilig ito sa pagkanta, maaaring sa pagsasayaw, o marahil, tulad ng ama nitong si Xavier, maging isang henyo sa negosyo.

Matagal niyang inisip kung ano ang magiging reaksyon ni Xavier sakaling malaman nito ang tungkol sa anak nila. Ngunit hindi niya kailanman naisip na bago pa man nito malaman, ipinagkait na sa kanyang anak ang pagkakataong maisilang.

They were fated to meet but separated by destiny. Pinili siya ng bata bilang ina nang buong puso, ngunit wala siyang kakayahang iligtas kahit ang buhay nito.

Malungkot niyang pinapanood habang nilalagay ang lahat ng gamit na pinamili nya kasama sa kabaong ng anak.

Ma’am, anong pangalan po ang ilalagay sa lapida?mahinang tanong ng isang staff.

Bigla siyang natigilanwala man lang pangalan ang anak niya.

Sandali siyang nagisip, saka mapait na sinabi, Cindy Tala Santillan.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME