Anikka
Awwww shemay! Ang sakit sakit ng ulo ko parang binibiyak. Hinihilot ko na yung sentido ko para ang sakit pa rin grabe! Ano bang ginawa ko kagabi.
Makabangon na nga lang!
Hmmm wait lang, kelan ba naging grey ang white ang kulay ng kwarto ko? Bakit iba ang itsura ng higaan ko? Saka kailan pa naging black ang kumot ko..
Nasaan ako?
Teka parang wala akong suot?? Sinilip ko ang sarili ko sa kumot.
Pusha! Wala akong damit?
Anong nangyari sa akin?
"Waaaaaaaaaaaaaah!"
Nonono! Hindi ko ginawa yun.. Pero nakahubad ako? Wahhh bakit kasi di ko matandaan yung nangyari sa akin. Ano ba yan nakakasakit ng ulo lalo. Arghhhh!
Agad akong napabalinkwas ng may narinig akong pagbukas ng pinto. Gusto ko ko siyang tignan pero di ko kaya at mas lalo akong kinabahan ng maramdaman kong may kamay na nakapatong sa balikat ko, tapos maya maya hinihimas na niya ito.
"Nagugustuhan mo ba Anikka?"
Hindi ako maaring magkamali sa boses na narinig ko. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko.
Hindi ako nga ako nagkamali.
"HINAYUPAK KANG LUKAS KA! ANONG GINAWA MO SA AKIN??" Sabay tulak ko sa kanya. Ang sama sama niya! Sinamantala niya ang pagkalasing ko
Kung may nangyari man sa amin di ko matatangap. Tapos ngumisi pa siya na para bang may gagawing di maganda, kaya ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Kaya umatras ako palayo sa kanya at siya naman lumalapit pa sa akin at bitbit pa rin niya ang mala-demonyong ngisi.
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours