Login via

Respectfully Yours novel Chapter 42

Anikka

May nakalatag na papel sa lamesa, para saan ang mga iyon? Magdo-drawing ba kami?

Lumapit ako sa mga papel, iniharap ko ito, laking gulat ko ng malaman ko kung ano ang nilalaman ng papel.

Yung kontrata.

Hindi ako maaring magkamali, ito yung pinabasa sa akin noon, dito nagsimula ang lahat, dahil dito kung bakit kami umabot sa ganito.

Pero para saan ang mga ito? Bakit nandito ito sa harapan namin? Magko-contract signing uli? Para saan pa?

Pag-angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na si Lukas, hawak hawak ang isang kontrata.

Nakatitig lang siya sa akin, ang mga titig na nakakatakot, parang may mangyayari, kinakabahan ako.

Napasinghap ako nang pinunit niya ang isang kontrata, mabilis niyang dinapot ang isa at pinunit muli. Pinupunit niya ang mga ito ng hindi naiaalis ang tingin sa akin.

"Since wala na yung contrata, wala na ring bisa ito."

"It's over."

Dalawang salita lang iyon para napakatindi ng epekto sa akin. Para akong sinasaksak ng punyal ng ilang beses.

Ibig sabihin, di na kami magfiancee? Wala na kami, wala na. Pero bakit niya ginagawa ito. I want to ask him, pero tila pa nawalan na ako ng boses.

Pero para saan pa kung magsalita ako, kung hindi ko rin naman kakayanin ang magiging sagot niya. Tiyak na labis akong masasaktan doon. Pero hindi pa maialis ang mga tanong sa isipan ko. Bakit? Anong nangyari Lukas? May ginawa ba ako?

Naramdaman ko na lang ang nangingilid na mga luha ko. Naisip ko tuloy, mahal niya ba talaga ako, totoo ba lahat ng ipinakita niya sa akin o pinaglalaruan niya ako, tulad ng mga naging babae niya.

Tumalikod ako sa kanya, napapikit. Hindi ko na kaya, nagiging negatibo na ang pag-iisip ko, ganoon naman talaga diba? Obvious sa pinakita niya sa akin ngayon. Baka nga pinaglalaruan niya ako. Hindi ko kaya na sa bibig niya pa mismo manggaling iyon, mas mabuti na umalis na lang ako.

"Anikka." Tawag niya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin at nagdiretso na lamang sa pintuan. Para saan pa? Tinapos na niya diba?

"Anikka, baby." Tila wala akong narinig at nagpatuloy pa rin.

"Baby, please dont let go." Napatigil ako, anong don't let go na sinsabi niya? Pinakawalan na niya ako diba? Pinunit niya yung dahilan ng pag-uugnay namin.

"Anikka, I still want to marry you." Napatigil ako at humarap muli sa kanya. Ha? Anong ibig niyang sabihin? Pinawalang bisa na niya ang kontrata diba? Tinapos na niya ang lahat sa amin.Wala ng kami.

Tapos sasabihin niya na gusto niya pa rin akong pakasalan. Hanggang ngayon ba naman gusto niya pa rin akong lokohin.

" I want to start a new one, Anikka, gusto kitang pakasalanan hindi dahil sa kontrata, I will marry you because I love you so much baby.

Napadilat ako ng mata, ang sakit na nararamdaman ko ay bigla na lang naglaho at agad napalitan ng saya. Agad kong pinunasan ang luha ko at humarap sa kanya.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours