Login via

Respectfully Yours novel Chapter 50

Anikka

"Lukas, ano yang ginagawa mo?" Sabi ko sa kanya. Kanina pa siya flip ng flip ng pan habang nagigisa, may pasayaw sayaw pa, parang si chef boy logro. Pero hindi e, parang mas malapit siya kay the fat kid inside. Maraming mga damoves na ginagawa. Hindi ko akalain na ganito siya magluto. Hindi ko maiwasan na mangiti. Pero hindi ko pinapahalata kay Lukas, mamaya kung ano ang isipin ng hinayupak na yun.

Ang sarap palang maging audience niya. Pwede na siyang maghost ng isang cooking show. Paano kaya pag topless siyang nagluluto?

Napailing ako ng ulo. Hay nako Anikka kung ano ano ang naiisip mo.

Lumingon si Lukas sa akin.

"Bilib ka no."

"Susme Lukas!"Sigaw ko dahil sa gulat, may bumulusok kasi ni apoy doon sa pan na niluluto ni Lukas. Napatingin ako sa hinayupak na yun, tawa siya ng tawa.

Dahil glass yung lamesa ni Lukas kitang kita ko yung reflection ko. I was so red, nakakahiya! Tila gusto kong magtago pero paano naman? Nakita na rin niya.

Pinabayan ko na lang siya magtatatawa dun, kakarmahin din siya

"Oh fuck!" Napatingin ako kay Lukas. Kay bilis talaga ng karma

"Bakit.! Sabi ko habang nilalapitan siya.

"Wala tayong soup." Malungkot niyang sabi, habang nakatitig siya sa ref niya.

"Lukas pwede naman na walang soup." Sabi ko habang sinasara yung pintuan ng ref, kanina pa kasi nakabukas sayang sa kuryente, though may pambayad siya, dapat pa rin magtipid para kay mother earth.

"No, dinner natin ito, hindi pwedeng magkulang. Dapat laging special."

Magsasalita pa sana ako ng hilahin ni Lukas ang kamay ko palabas ng kanyang condo. Napatingin ako sa kanya, nais ko lang naman sabihin sa kanya na nakalimutan niyang patayin yung stove.

"Dont worry Anikka pinatay ko na yun." Aniya ng makarating kami sa montero niya. Nakahinga naman na ako ng maluwag.

Habang nagmamaneho siya, nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo gwapo niya talaga kahit saang angulo. Mas gusto ko itong naka-sideview siya, dahil kitang kita ko yung makurba niyang pilikmata. Ewan ko ba pero gandang ganda ako sa pilikmata niya. Sana lagi na lang siya nakasideview. Minsan naiingit ako sa kanya, kasi naman itong pilikmata ko bagsak na bagsak.

"Walang ordinaryong araw sa akin kapag kasama kita. Laging special."

Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa inaisip. Bukod sa pamilya ko, ipinaranas niya sa akin na special ako sa kanya. Lagi lagi niyang pinaparamdam iyon sa akin. Ang dating womanizer ay naging certified loverboy na. Hay nako kinikilig na naman ako.

Pagpasok namin sa grocery ay agad kumuha si Lukas ng push cart. Teka? Akala ko ba pangsoup lang yung bibilihin niya. Mukhang sandamukal yata ang bibilhin niya, dahil ngayon pa lang ay dumudukot na si Lukas ng mga kung ano ano.

Naisipan ko din na tulungan siya para mapabilis.

"Tignan mo sila o, bagay na bagay, parang tayo lang noon. Ani nung babaeng matanda.

"Oo nga, saka yung lalaki ganoon din ako kagwapo noon, naalala kong yung mga panahong naglalaway ka sa akin." Ani nung lalaking matanda at inakbayan ang asawa.

"Hoy Narciso! Mahiya ka sa balat mo. Ikaw kaya itong habol sa akin noon."

Napatigil sila ng makita nila akong nakatingin sa kanila, nginitian naman nila ako at gumanti rin ako ng ngiti sa kanila.

"May forever kayo iha." Ani ng matandang babae, sana nga talagang may forever kami, dahil si Lukas ang nakikita kong mamahalin ko forever.

Napahagikgik naman yung matandang babae ng kayakapin ako ni Lukas mula sa likuran.

Humiwalay si Lukas sa akin ng lumapit yung matandang lalaki sa amin, lumapit siya kay Lukas at may binulong dito.

Pagkatapos ng pagbulong ng matanda ay ngising ngisi si Lukas habang nakatitig sa akin. Anong meron? Wala naman akong dumi a?

"Anong sinabi sayo?"

"Secret." Aniya at ngising ngisi pa rin. Alam ko yang pangisi-ngisi niya na iyan, may binabalak na ewan. hay nako...

"Constancia, halika na, hinihintay na tayo ng mga apo natin."

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours