Login via

Respectfully Yours novel Chapter 57

Anikka

Just gonna stand there and watch me burn

But that's alright because I like the way it hurts,

Just gonna stand there and hear me cry

But that's alright because I love the way you lie

I love the way you lie

Agad kong pinatay yung radio. Tingin ko kasi parang ako yung nasa ksnta

Nais ko muna siya mawala sa isipan ko pero bakit hanggang saan ako mapunta siya naiisip ko. Kahit sa pagpikit ko ng aking mga mata, siya ang nakikita. Ano bang balak niyang gawin sa akin? Patayin ako sa sakit? Hindi ba sapat na niloko na niya ako? Kailangan ko pa danasin ang sakit ng paulit-ulit . Hindi pa pwede na isang araw lang itong sakit na ito?

Hindi na ako masyadong conscious kung saan ako dinadala ng sasakyan ko,gusto ko lang naman na kumawala sa pag-iisip sa kanya, sa pag-iyak sa kanya. Sa sobra ko yatang kakaisip

Nakakainis! Inis na inis ako sa sarili ko, dahil kahit niloko niya ako ay mahal na mahal ko pa rin yung hinayupak na iyon.

Huminto na lamang yung sasakyan ko sa Starbucks. Naisipan ko na makigala kila Nicole. Mahirap kasi na mag-isa, wala akong magawa, naiisip ko siya lalo.

Mas maganda na, gugulin ko yung ilang oras ko sa iba, sa mga kaibigan ko. Mas worth it pa, kaysa mag-aksaya lang ako ng luha sa pag-iyak ko sa kanya, sa pagmumukmok. Baka sakali na malimutan ko siya.

Gustong gusto ko siyang makalimutan agad. I want to consider him as a nightmare, dahil hindi naman totoo ang lahat ng pinapakita niya sa akin

Gusto kong mawala na siya sa isipan ko, I want to bring my normal life back, yung wala siya. Kahit na manang ako, walang nananakit sa akin, walang nanloloko.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong nila Nicole, nakatitig lamang siya sa akin

"Girl anong nangyari sayo? Lumaki yang eyebags mo, tapos ang tamlay tamlay mo pa." Alalang-alalang tanong nila.

"Kulang lang ako sa tulog." Tanging sagot ko na lang, ayokong malaman nila na sinaktan niya ako, na ganito ako kamiserable. Mag-aalala lang sila, gusto kong maging masaya ang gabing ito. Ayoko na ng puro lungkot at iyak. Nakakapagod.

"Hay nako girl alalang-alala na kami sayo, mabuti at lumabas ka."

"Nakakasawa na kasi sa kwarto ko." Pero sa totoo lang ayoko na doon, maalala ko lang ang walanghiyang iyon.

Binigay na sa amin ang isang bote na alak, agad ko itong kinuha. Ito ang dahilan kung bakit ako nandito. Gusto kong makalimot. Gusto ko siyang kalimutan..Gusto kong kalimutan ang mga kawalanghiyaan nila sa akin.

"Hinay hinay lang girl! Di tayo mauubusan ng alak." Hindi ko na lang sila pinansin at nilagok ang huli konh shot ng alak. Ramdam na ramdam ko ang pait ng lasa na gumuguhit sa aking lalamunan. Walang kasing pait yung ginawa niya sa akin. Wala akong pakialam dito, hindi ko inaalintana. Gusto ko lang naman siya kalimutan e, kahit saglit lang. Ang sakit sakit na e.

"Anikka, please stop!" Ani nila sabay agaw nila sa akin ng bagong bukas na alak.

"Anikka you're wasted. Ano ba talaga ang nangyayari sayo?!" Hindi ko sila pinansin, pilit kong iniaabot yung bote, pero patuloy nila pa rin itong nilalayo. Please, I need to forget this pain.

"Anikka stop!" Napatigil ako ng makaramdam ako ng sampal mula kay Yen. Hindi niyo kasi ako naiintindihan, paano nga ba nila ako maiintindihan kung di ko sasabihin.

Tumayo ako at dali dali akong umalis palayo sa kanila. Ayokong makita nila ako na ganito kahina dahil sa lalaking iyon, na nasasaktan ako dahil sa kanya.

Chapter 57 1

Chapter 57 2

Chapter 57 3

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours