“WHAT’S the matter?”
Nag-aalalang inalalayan si Clarice ni Alano. Napatitig siya sa katabing binata na para bang hindi malaman kung ano ang gagawin. Muling nangilid ang mga luha niya. How could life be so cruel to both of them?
Sa nanlalabong paningin dala ng pagluha ay ibinalik ni Clarice ang pansin kay Benedict. Bumalik na sa pagkain nito ang matanda. Hawak ng nanginginig na mga kamay nito ang isang sandwich. Bahagyang kumalat sa mga labi ng matanda ang palaman ng kinakain pero wala itong pakialam. Ang blangkong mga mata nito ay nanatili sa pagtanaw sa swimming pool. The old man looked so lost. His expression was exactly how she felt at that moment.
How can I fight someone like that?
Sumunod na tiningnan ni Clarice ang ina ni Alano. Nakatakip ang kamay sa bibig nito na para bang gulat na gulat habang ang mga mata ay puno ng recognition na nakatitig din sa kanya. Walang buhay na napangiti siya. Nagkita na sila minsan ng ginang sa eleksiyon, noong panahon na nangangampanya si Benedict. Natatandaan niyang umuwi ng bansa ang ginang pero hindi kasama ang tatlong anak nito. Siguro ay natakot itong malaman ng mga anak ang tungkol sa bulok na pagkatao ng asawa kaya ginusto nitong protektahan ang mga iyon at ilayo mismo kay Benedict.
“Clarice, ano ba’ng nangyayari?”
Hindi na nagsalita si Clarice. Tahimik na inalis niya ang mga braso ni Alano na nakasuporta sa kanyang baywang. Itinulak niya ito. Kahit nanghihina pa ang mga tuhod ay pinilit niyang tumayo. Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa tatlo. Malapit na siya sa front door nang maramdaman ang pamilyar na kamay ni Alano na pumigil sa kanyang braso. Napahinto siya sa paglalakad. Hinila siya ng binata paharap dito.
Bakas ang pinaghalong pagtataka at pag-aalala sa anyo ni Alano. “Bakit ka nagkakaganito?” naguguluhang tanong nito. “Ano ba talaga ang nangyayari sa `yo? Make me understand, baby, please.”
“I just feel so tired,” mahinang sagot ni Clarice. Sa nakalipas na mga taon na halos hindi siya nagpahinga sa pagtatrabaho, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng katulad ng matinding kapaguran na nadarama niya nang mga sandaling iyon. The sole purpose of avenging gave her strength. Hindi siya huminto hangga’t hindi niya nararating ang rurok ng tagumpay. Dahil gusto niya na sa muling paghaharap nila ni Benedict, may magagawa na siya hindi tulad noon. Pero wala nang silbi iyon ngayon. Ni hindi niya nga masumbatan ang matanda. Ang katotohanang iyon ang lalong nagpapahina at nagbibigay ng labis na kapaguran sa kanya. “Please just let me go. I want to be alone desperately.”
Inalis ni Clarice ang kamay ni Alano sa braso niya at muling lumapit sa pinto. Nang mabuksan iyon ay dere-deretso na siyang lumabas. A guard escorted her through the gate. Ito rin ang tumawag ng taxi para sa kanya. Nang sa wakas ay may huminto sa tapat nila ay nagmamadaling pumasok na siya roon. Nang makalayo na ang taxi ay saka niya hinayaan ang sariling humagulgol. Tinakpan niya ng mga kamay ang bibig at impit na napasigaw. She didn’t mind the driver who curiously eyed on her.
Her heart was too broken to care about anything or anyone at the moment.
“NASAAN ka?” naninikip ang dibdib na tanong ni Alano nang sa wakas ay sagutin ni Clarice ang tawag niya. Wala ang dalaga sa apartment nito nang puntahan niya may isang oras na ang nakararaan.
“I’ve been to a bar,” namamaos na sagot ni Clarice. “Bakit gano’n? Ang sabi nila, kapag naglasing ka, makakalimutan mo daw ang lahat ng problema mo. Pero hindi pa rin ako makalimot. Ni hindi ako malasing-lasing.” Natawa ito sa kabilang linya. “Does it mean that my problems are stronger than the alcohol?”
“Stop that.” Marahas na napabuga ng hangin si Alano. Sandali siyang tumigil sa pagmamaneho. “Sabihin mo sa ‘kin ang totoo,” nakikiusap nang sabi niya. “Nasaan ka? Pupuntahan kita. It’s not safe for you to be alone right now.”
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng tunog na para bang lagaslas ng tubig. Muli siyang inatake ng kaba. “Clarice, tell me the damn truth. Where the hell are you—”
“Does it matter where I am?” Humikbi ang dalaga. “I feel like dying right now.”
“Please don’t do anything crazy.” Alano breathed painfully. Muli niyang iminaniobra ang sasakyan habang hawak pa rin ang cell phone sa kabilang kamay. Malikot ang mga mata niya habang nagmamaneho, nagbabaka-sakaling makikita si Clarice. Dumiin ang pagkakahawak niya sa manibela nang marinig ang paghagulgol ng dalaga. “Clarice, mahal kita. Sabihin mo naman sa akin kung nasaan ka. Darating ako agad. Let me at least be with you, I’m begging you.”
Ilang minuto ang lumipas bago sa wakas ay sumagot ang dalaga.
“Apartment,” mahinang sagot nito bago nawala na sa kabilang linya. Binilisan ni Alano ang pagmamaneho pabalik sa tinutuluyan ni Clarice habang patuloy pa rin sa malakas na pagkabog ang dibdib niya.
Nang makarating na roon ay nagmamadaling ipinarada ni Alano ang kotse. Binuksan niya ang gate at halos takbuhin ang pinto. Sunod-sunod na kumatok siya roon pero walang sumasagot mula sa loob. Damn it. Muli siyang bumalik sa kanyang kotse at kinuha sa dashboard ang susi ng bahay na ipina-duplicate niya noon. Ginamit niya iyon nang minsang sorpresahin si Clarice noong first monthsary nila. Pagkagising ng dalaga noon ay nakahanda na ang mga paborito nitong pagkain.
Mapait siyang napangiti sa naalala bago tuluyang binuksan ang pinto.
“Clarice!” Madilim na kabahayan ang sumalubong kay Alano. Lumapit siya sa naaalalang kinaroroonan ng main switch. Nang makapa iyon ay binuksan niya ang mga ilaw. Pero wala sa sala dalaga. Tinakbo niya ang hagdan papunta sa kwarto nito. Nang makarating doon ay nakarinig siya uli ng paglagaslas ng tubig na sigurado siyang mula sa shower. Dumeretso siya sa banyo. Binuksan niya ang pinto niyon. Maliwanag kahit paano roon dahil bukas ang ilaw. And there lies his Clarice... On the floor.
Nakasalampak ito sa sahig. Suot pa rin nito ang lahat ng damit nang magpunta sila sa Olongapo. Patuloy pa rin ang pagragasa ng tubig sa buong katawan ng dalaga na nagmumula sa shower kasabay niyon ay ang malakas na paghagulgol nito. His heart wept at the sight.
Pumasok siya sa banyo. Pinatay niya ang shower. Lumuhod siya sa harap nang nagulat na si Clarice at buong higpit na niyakap ang basang-basang katawan ng dalaga. “Gusto mong makapaghiganti, `di ba? Ako na lang, Clarice. Ako na lang ang gawin mong kabayaran.”
Sa hindi na mabilang na pagkakataon sa araw na iyon ay muling naalala ni Alano ang mga ipinagtapat ng ina. Nag-ulap ang kanyang mga mata.
“LET HER go, Alano,” nakikiusap na sinabi ni Alexandra nang akmang susundan ni Alano ang kanyang fiancée. “Mag-usap na muna tayo.”
“Sa susunod na, `Ma.” Binuksan niya ang pinto. “With Clarice’s current state of mind, I don’t think she can go home safely and—”
“Carla was the name of the woman your father had ever loved through the years, son. She was one beautiful woman. Schoolmate siya noon ng ama mo sa college. Pero si Carla, iba ang lalaking gusto. Si Roman.”
“For crying out loud, ‘Ma! This is not the right time to talk about Dad’s puppy love!” Hindi na napigilan ni Alano ang bahagyang pagtataas ng boses. Naihilamos niya ang palad sa mukha. Gulong-gulo na ang isip niya. Napabuga siya ng hangin at pilit na kinalma ang sarili bago humihingi ng pang-unawang tumingin sa kanyang ina. Pain was all over his mother’s eyes. “I’m sorry, ‘Ma. I didn’t mean to shout at you. Babalik ako. Kung sa pagbabalik ko at gusto mo pa ring pag-usapan ang bagay na ito, makikinig na ako, pangako. But right now, I need to talk to my—”
“Nagpakasal sina Carla at Roman. Nagkaroon sila ng isang anak. It was a girl. And they named her Clarice. Clarice Anne Alvero.”
Natigilan si Alano. Gulat na bumalik ang tingin niya sa ina.
“I’ve already met Clarice fifteen years ago, son. At hinding-hindi ko malilimutan ang malaanghel na mukha niya.” Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi ng ina. “Dahil kamukhang-kamukha siya ng nag-iisang babaeng pinag-alayan ng papa mo ng puso niya.”
“Ma—”
“Ni minsan ba ay hindi ka nagtaka kung nasaan ang mga magulang ni Clarice?”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan