Login via

The Fall of Thorns 1: Alano McClennan novel Chapter 13

“KUNG gusto mo palang umalis, sana sinabi mo sa akin. Ihahatid kita hindi lang sa airport kundi sa Nevada pa mismo. I will try to keep you safe. Hindi tulad nang ganito. Clarice naman.” Naihilamos ni Alano ang palad sa mukha habang pinagmamasdan ang natutulog pa ring anyo ni Clarice.

May bandage sa ulo ang dalaga dahil sa pagtama ng ulo nito sa dashboard. May ilan din itong galos sa katawan sanhi ng mga tumalsik na bubog sa nabasag na salamin ng kotseng sinakyan nito. Katulad ng sinapit ni Clarice ang kasama nitong babae na napag-alaman ni Alano na Radha ang pangalan. Ang pagkakaiba lang ay sa manibela humampas ang ulo niyon. Muling bumigat ang dibdib niya sa naisip.

Halos mabaliw si Alano sa pag-aalala nang tawagan siya ng pulis at ini-report ang nangyaring aksidente kay Clarice. Siya lang daw ang nasa speed dial ng dalaga kaya siya ang tinawagan nito. Sa Pampanga nangyari ang aksidente kaya ilang oras pa ang inabot bago siya nakarating sa ospital kung saan isinugod ang dalaga. Ayon sa nauna nang nagkamalay na si Radha nang tanungin niya ay hindi na umano nito nagawang iwasan ang humahagibis na kotse sa pagliko nito sa kalsada. Nagkataon pang lasing ang driver ng nakabanggang kotse.

Nagtagis ang mga bagang ni Alano. He swore he would do every thing in his power to make sure that the man would no longer be able to drive any car again.

Kung hindi lang napigilan si Alano ng kapatid niyang si Austin na sumama sa kanya mula pa sa Manila, siguradong nasuntok niya na ang driver bago pa ito ipasok sa kulungan. Mabuti na lang at walang malalang pinsalang tinamo si Clarice ayon na rin sa sumuring doktor kung hindi ay baka hindi niya na alam ang gagawin nang mga sandaling iyon.

“Sabi ko naman sa `yo, wala kang gagawin na hindi ko maiintindihan. If you want to leave me, then leave. But you should have at least, informed me. I wouldn’t have stopped you from leaving. I know I have no right to do that.” Inabot ni Alano ang kamay ni Clarice at masuyong hinalikan iyon.

Pumatak ang luha niya. Naiintindihan niya ang gagawing pag-alis ng dalaga apat na araw bago ang kanilang kasal. It was still about her revenge, after all.

Noong una, habang inaasikaso niya ang kasal nila ni Clarice, kahit paano ay umasa pa siya na posibleng sa dulo ng lahat ng iyon ay may kahahantungan din sila ng dalaga. Personal niyang inayos ang lahat. Binalewala niya ang mga tanong ng ilan kung bakit wala ang kanyang fiancée o kung nasaan ito. There were rumors circulating that only Alano was happy about the wedding, that he was just forcing the supermodel to get her to marry him out of his obsession with her. His mother was worried because it was ruining his name but he didn’t mind at all. Those people don’t know the truth, they would never understand.

He just wanted their wedding to be perfect. He took a leave from the office and helped the wedding coordinator with all the preparations.

Pero naglaho ang katiting na pag-asa sa puso ni Alano sa araw na iyon nang alamin niya kay Radha kung saan papunta ang dalawa kung hindi nangyari ang aksidente. Ihahatid pala dapat ng huli ang dalaga sa airport pabalik sa Nevada.

Nabigo siyang patunayan na posibleng isalba ng pagmamahalan nila ni Clarice ang sakit na dulot ng mga nangyari sa nakaraan.

Naramdaman ni Alano na minahal din siya ni Clarice. Pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para manatili sa tabi niya ang dalaga. Sabagay ay masisisi niya ba ito sa laki ng kasalanan ng ama niya rito?

“Magpagaling ka. Ako mismo ang maghahatid sa `yo pabalik, pangako.” Damn, just saying those words is already enough to break him inside. Muling pumatak ang luha ni Alano. Nasisiguro niyang kung makikita lang siya ng mga kapatid ay pagtatawanan siya ng mga ito. He had strings of women in the past. He was even regarded a player.

Pero heto siya ngayon. Nang tamaan siya kay Clarice ay saka lang nauso ang pagluha sa kanya.

“Makukuntento na akong pagmasdan ka mula sa malayo. And if after a few years, a divine intervention happened and you magically forgot everything, I promise I would still be here. Baka sakaling sa panahon na ‘yon, pwede na tayong dalawa. Sapat na sa aking naramdaman ko kahit paano na minahal mo ako. Because during those times that you were with me, I knew it was not just a show, Clarice. I knew you were being real to me. I knew you were being... You.”

Kinuha ni Alano ang rosary sa bulsa ng kanyang pantalon na bigay ng kanilang ina noong bata pa sila ng mga kapatid. Inilagay niya iyon sa kamay ni Clarice. “I love you so much. Please be well.”

Tumayo na siya at umalis ng hospital room ng dalaga. Mahirap na at baka lalo pa itong magkasakit sa oras na siya ang unang makita nito sa paggising.

They said that prayers are powerful. Maybe if I pray hard enough, makukulitan ang langit at maiisipang pagbigyan ako. Who knows? Maybe you and I can become together, one day? Until then... I will continue to pray hard every day.

“BAKIT bumangon ka na agad?” Nag-aalalang nilapitan si Clarice ni Alano nang maabutan siya nitong itinutupi na ang hospital gown niya. Nakapag-ayos na rin siya at nakasuot na ng damit panlakad. She was all set and ready to go.

“Bakit ka ba nagmamadali? Gano’n ka ba talaga ka-excited na umalis?”

“Oo.”

Nabitin sa ere ang mga kamay ni Alano nang tangkang hahawakan nito si Clarice. Naupo siya sa kama at pinagmasdan ang binata. He looked so tired as if he was not able to sleep for the past couple of hours. He still looks as dashing as the first time they met. But gone was the sparkle in his beautiful blue eyes. And it was because of her. “I’m sorry,” mahinang sinabi niya.

Mabilis na nag-iwas ng mga mata si Alano pero bago iyon ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito. Tumango-tango ang binata. “It’s nothing. I understand. Sinabi ko naman na sa ‘yo dati, there is no need to feel sorry for me. Pero hayaan mo sana akong ihatid ka man lang hanggang sa kung saan mo balak na pumunta. I… I just need an assurance that you will be safe this time because I will really go crazy if something happens to you again and—”

“I love you, Alano.”

“I almost lost my mind while waiting for you to wake up and—” Nahinto sa pagsasalita si Alano at mayamaya ay gulat na napalingon kay Clarice. “Ano uli ang sinabi mo?”

“I love you.” Namasa ang mga mata ni Clarice.

Bago siya mawalan ng malay noong nagdaang araw dulot ng aksidente ay puro si Alano ang laman ng isip niya. Noon lang siya nakaramdam ng matinding takot pagkalipas ng labinlimang taon. Ang akala niya ay wala na siyang kakayahang makaramdam pa ng ganoon pero iba pala kapag nagmamahal na ang isang tao. Even the hardest heart can melt and become afraid when it comes to love.

Natakot siya para sa sarili pero lalo na para kay Alano. Natakot siyang mamatay nang hindi man lang nasasabi sa binata kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi man lang niya napasaya nang husto ang binata. Mula nang minahal siya ni Alano, puro hirap at sakit na ang ipinaranas niya rito. He endured and continued giving his all to her while receiving nothing from her. She had been so unfair. Walang kasalanan ang binata pero idinamay niya dahil sa galit niya sa ama nito. And then Clarice remembered having so many questions. What if she marries him? What if she attends their wedding? If she leaves him, would it guarantee her that she would forget the pain and would eventually be happy knowing that she hurt him?

At ngayong nasa harap niya na si Alano, nasagot niya na ang mga katanungan na iyon.

“I said I love you. I really do. And I need you in my life.” Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Clarice nang rumehistro ang pagkasorpresa sa mukha ni Alano. Hindi na nakapagpigil na tumayo siya sa kama at lumapit sa binata. Buong higpit na niyakap niya ito. Nagsimulang magkaroon ng tunog ang pag-iyak niya. Sumagi sa isip niya ang disappointment na naramdaman nang si Radha ang mamulatan niya kanina imbes na ang mukha ng binata.

Hindi niya naiwasan ang pumikit at damhin ang sandali nang gumanti si Alano ng mas mahigpit na yakap. “Kinailangan ko pang maaksidente bago ako nakapag-isip nang maayos. I was so scared when I thought that I would die without seeing you, without holding you like this and without even saying good-bye to you. Ang sabi ng doktor, maswerte raw kami ni Radha dahil minor injuries lang ang natamo namin sa nangyaring aksidente. But you know what I think? Radha and I were beyond lucky. I want to believe that your God protected me, Alano. Ang sabi ni Papa, lahat daw ng nangyayari sa buhay ng isang tao, may magandang paliwanag. Siguro, kaya ako binuhay ng Diyos ay para patigilin na ako sa pagtakas.” Pumiyok ang boses niya.

Nagmulat si Clarice. Muli siyang napangiti nang makita ang liwanag na mula sa sikat ng araw na tumatagos sa salaming bintana sa loob ng kanyang hospital room. Sa kabila ng pagkadismayang hindi si Alano ang namulatan, malaki pa rin ang pasasalamat niya. Kahit kailan ay hindi niya natandaang huminto siya sandali para ma-appreciate ang pagsikat ng araw noon. Pero iba ngayon. She was so glad to witness the sunlight. She was so glad to feel its warmth on her skin. She was so glad to be alive for the first time after so many years. Because being alive means a second chance with the man that she was holding right now.

“Habang wala ka, isip ako nang isip. Kung tatakas ba ako ngayon, mawawala ang sakit sa nangyari noon? Iiwasan ko lang ang sakit pero mananatili iyon dahil hindi ko hinarap. So, I figured I’d stay here with you. I will face every thing with you now—the pain, the fears, and the memories. Nakahanda na akong makasama ka, Alano. At least when I’m with you, I can be assured that the pain will subside. Because you are my pain reliever. Alam ko isang araw, mawawala rin ang lahat ng sakit. We will work on it together... Right?”

Masuyong ngumiti si Clarice nang maramdaman ang paggalaw ng mga balikat ni Alano, tanda ng pag-iyak nito. Who would have thought that a man like him would shed tears for a woman like her? Ah, this is the sweetest revenge. One McClennan cried and fell in love with her. But there was a consequence; she fell for her target, too. And somehow, that was not so bad.

“I thought I would lose you forever. Maisip ko pa lang na ako mismo ang maghahatid sa `yo palayo, parang sinasakal na ako. And when I found out about your plan to leave yesterday, I died... A thousand deaths, Clarice.” Bahagyang lumayo si Alano sa kanya at pinakatitigan siya. Idinikit nito ang noo sa kanya. “I was ready to wait for you. Ayos na ang plano. Susundan kita sa Nevada. Araw-araw, magpa-practice akong magluto para kung sakaling dumating ang panahon na maglaho na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo at maisipan mong balikan ako, may maipagmamalaki na ako sa `yo.” Marahang natawa ito. “But God is really good because here you are now. I thought I would never hear you say you love me again. Mahal na mahal kita, Clarice. More than you can ever imagine.”

Sandaling idinistansiya ni Clarice ang mukha kay Alano. Pinahid niya ang mga luha ng binata katulad ng ginawa nito sa kanya.

Chapter 13 1

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan