“HOW WAS your assignment doing so far, Clarice? Bihira na kaming makarinig ng balita mula sa `yo. Lately, mas madalas ko pang makausap si Radha kaysa sa `yo. Dapat na ba kaming mag-alala?”
Napahugot ng malalim na hininga si Clarice. Kung hindi lang siya pagdududahan ng mga kaibigan, siguro ay hindi niya sinagot ang tawag na iyon ni Yalena. Ilang linggo niya nang iniiwasan na makausap ang kambal. Wala rin siyang idea kung ano ang tamang sasabihin sa mga ito. Hindi niya na maunawaan ang sarili.
Tuwing nakikita ni Clarice ang pagmamahal sa mga mata ni Alano, nagkakaroon ng pagdududa sa puso niya tungkol sa plano. Alam niyang hindi niya iyon dapat na maramdaman pero kahit anong pagpipigil ay naaapektuhan pa rin siya sa ipinapakitang kabutihan ng binata.
“There is nothing to worry about. Every thing is under control, Yana.” Sinadya ni Clarice na tawagin sa palayaw nito ang kaibigan para ipanatag ang loob nito. Kinder pa lang siya ay magkakaklase at magkakaibigan na sila ng kambal. Kahit pa nagdududa na siya sa sarili ay ayaw niyang magkaroon din ng puwang ang pagdududa sa puso ng mga kaibigan para sa kanya. Mahal niya ang mga ito, ang dalawa na lang ang natitira sa kanya. They were like a family to her. Alam niya rin ang matinding paghihirap na pinagdaanan ng mga ito nang sabay na mawala ang mga magulang.
“Busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi na ako nakakatawag sa inyo. Pasensiya na. It won’t happen again.”
“I understand. Wala ka pa bang nakukuhang impormasyon tungkol kay Benedict?”
“Wala pa.” Bumakas ang frustration sa boses ni Clarice. “We were right, though. His sons are hiding him. Hindi ko pa alam kung saan siya itinatago. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kahit ilang private investigator na ang inupahan natin noon ay hindi pa rin siya matagpuan. I don’t know what in the world happened but I promise I won’t stop until I find out, Yana.” Paniniguro niya sa kaibigan bago nagpaalam.
Bumuntong-hininga si Clarice bago napatitig sa mansion ng mga McClennan mula sa bintana ng kanyang sasakyan. Sa liwanag na dulot ng sikat ng araw ay para bang tore ang kulay-kremang bahay na iyon na kay hirap tibagin katulad mismo ng mga naninirahan doon, ang tatlong kawal ni Benedict, ang mga anak nito.
Minsan ay pinagtatakhan niya kung kakayanin ba talaga nila ng mga kaibigan na malagpasan ang mga anak ni Benedict. Alano may be in love with her right now but that did not mean that he was easier to deal with.
Bumuntong-hininga uli si Clarice bago bumaba na ng kanyang kotse. Lumapit siya sa gate at nag-doorbell. Alas-sais pa lang ng umaga ay ginising na siya ni Alano sa pamamagitan ng pagtawag nito. Inanyayahan siya ng binata na magpunta sa mansion ng mga ito. Hindi nito sinabi kung bakit. So here she was.
Si Alano pa mismo ang magbukas ng gate para sa kanya. Nakangiti itong sumalubong sa kanya.
“Pasensiya ka na. Susunduin sana kita sa apartment mo. But I got so busy in the kitchen.” Hinapit nito ang kanyang baywang mayamaya ay maalab na hinalikan siya sa mga labi. “I missed you.”
Her heart started pounding. Isang bagay na ilang linggo niya na ring pinagtatakhan. Automatic na ipinulupot ni Clarice ang mga braso sa batok ni Alano at pinalalim pa ang halik. She could kiss him all day and she wouldn’t mind. She loved kissing him and she loved the way he kissed her back as if she was the most beautiful woman he had ever seen. And it was hard. Because she was not supposed to love anything about him.
Sa naisip ay napadilat si Clarice. Pinagmasdan niya ang nakapikit na gwapong anyo ni Alano. Napuno ng init ang puso niya. Focus, Clarice. Focus. Ilang sandaling pilit na kinalma niya na muna ang puso bago sa wakas ay inilayo ang sarili kay Alano.
Puno ng kislap ang mga mata ng binata nang dumilat ito. “Can I assume by the way you kissed me that you missed me, too?”
“KAGABI lang tayo nagkita,” paiwas sa sagot ni Clarice. Nagpunta si Alano sa apartment niya noong nagdaang gabi pagkagaling nito sa opisina. Kahit ilang beses niya nang pinagsasabihan ay tumutuloy pa rin ito sa supermarket bago sa apartment niya. Pagdating doon ng binata ay nagluluto pa ito. Tinotoo nito ang mga ipinangako noong gabing magtapat ng pag-ibig sa kanya. Alano was a very stubborn man. He would always cook for her, and he would do it almost every night. And she must admit he was improving a lot.
Ilang araw mula nang makabalik sina Clarice at Alano noon sa Manila mula sa beach house nito sa Laguna ay naghanap na siya ng apartment. Mas praktikal iyon kaysa sa resort kahit pa mas gusto sana siyang manatili roon ng mga kaibigan dahil mas magiging komportable at ligtas daw siya sa resort base sa higpit ng security doon. Pero ipinagpilitan pa rin ni Clarice na sa apartment manatili. Ilang ulit na rin siyang kinulit ni Alano na bilhan na lang ng condo unit o kaya ay town house na malapit sa mansiyon ng mga ito pero tumanggi siya. Kung tutuusin, sa laki ng naipon ni Clarice ay kakayanin niyang magpundar ng sariling bahay pero ayaw niya dahil ilang buwan lang naman ang itatagal niya sa bansa. Wala na siyang balak manatili pa roon sa oras na maisagawa niya na ang plano. She breathed heavily upon the thought.
“I’m truly hoping that one day; you would come around, Clarice, and express your feelings more,” masuyong sinabi ni Alano bago ito muling ngumiti at pinagmasdan ang kanyang kabuuan. She was only wearing a cream sleeveless top and faded maong jeans. Walang takong na sandals ang ipinaris niya roon. Her jeans were her most favorite outfit. Dahil doon siya pinakakomportable. “I’m just wondering. How do you manage to pull that off?”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan