Login via

The Fall of Thorns 1: Alano McClennan novel Chapter 9

“I’VE CHECKED my Facebook account. Bakit tayo na at lahat, hindi mo pa rin tinatanggap ang friend request ko? And please, change the single on your status. I want everyone to know that we are in a relationship now.”

Mula sa pagtanaw sa pagsikat ng araw ay kunot-noong nilingon ni Clarice si Alano. Nang malaman niyang seryoso ito ay hindi niya napigilan ang pagtawa nang malakas. “Nag-friend request ka talaga sa ‘kin?”

“Oo.” Kumunot ang noo ni Alano. “Nagpaturo akong mag-Facebook sa secretary ko ilang linggo pagkauwi ko mula sa Denver noong una kitang makita. And you’re annoying. Sa `yo lang ako nag-friend request. Alam mo bang ang daming ini-add ako but I ignored them all?” Nag-iwas ng tingin ang binata. “Childish as it may sound pero gusto ko kasi, tayong dalawa lang kahit sa simpleng Facebook account.”

Amused pa rin na humiga si Clarice sa buhanginan. Hinayaan niyang maabot ng mga mapaglarong alon ang kanyang mga binti. “Hindi ako mahilig sa kahit na anong account sa social media, Alano. Mara, my personal assistant, made me an account on Facebook, but I never used it. Kaya siya na lang ang gumamit para daw mag-promote. Hinayaan ko naman na as long as wala siyang ipo-post na kahit anong hindi ko magugustuhan.” Napangisi si Clarice nang mabilis siyang lingunin ni Alano. “But Mara’s been busy these past few months since she got married. ‘Yon siguro ang dahilan kaya hindi pa siya nakakapag-Internet.” She giggled. “Pero kung nakita niya siguro ang friend request mo, siguradong ia-accept ka kaagad n’on. I know her. Mahilig `yon sa gwapo, eh.”

Sa pagkakataong iyon ay bumalik na ang matamis na ngiti sa mga labi ni Alano. “So, inaamin mo nang gwapo ako?”

“You’re beyond that.” Naramdaman ni Clarice ang pamumula ng mga pisngi sa ginawang pag-amin. Ipinikit niya na lang ang mga mata para makaiwas sa mga mata ni Alano.

Narinig niya ang pagtawa ng binata bago niya naramdaman ang pagtabi nito ng higa sa kanya. Niyakap siya nito sa kanyang baywang at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang init ng hininga nito na pumapaypay sa kanyang leeg. Alano smelled so good.

“I love you, Clarice,” bulong nito. “I love your smile. I love your laughter. Heck,” Natawa si Alano. “I think I’m addicted to you.”

It was their last day on the beach and those words just made their stay more unforgettable. Humarap siya kay Alano at gumanti ng yakap. She didn’t know what to say. All she knew was that it felt so sinfully good to feel his embrace at the beginning of their day.

“ALAM kong masyado pang maaga para rito. After all, three months pa lang tayo. Pero sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa ‘yo, Clarice. The day after the resort’s thanksgiving, I bought this ring. I wanted to wait some more until you’re ready but I… I couldn’t do it anymore. I had to say this now and hope that you will say yes to me.”

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Clarice nang marinig ang boses ni Alano.

“Hindi ako mapakali kapag hindi ka nakikita o kapag hindi ko naririnig ang boses mo. Gusto kong magkaroon ng assurance na akin ka na talaga. I get so jealous by the way men look at you every time. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito dati. Pero wala akong magawa. Every day, I feel like my smile depends on you.” Bumakas ang frustration sa mukha ni Alano. “So, I’m asking you right now, Clarice. Please remove my insecurities and marry me.”

Congratulations, Clarice. Mission accomplished, anang isip ni Clarice habang nakatitig pa rin sa nakaluhod na si Alano. Ngayong nag-propose na ang binata, siguradong ilang araw na lang ang bibilangin bago niya muling makadaupang-palad ang mga magulang nito, ang mga magiging biyenan niya. Kaagad na pumait ang kanyang panlasa sa naalala.

A part of her was rejoicing but there was also a part of her that was in a sudden grief. At habang pinagmamasdan niya ang pagguhit ng kaba sa mga mata ni Alano, naunawaan niya na ang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan sa nakalipas na mga buwan. She had fallen for her target. Hindi niya alam kung paano nangyaring sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan—ang pait, sakit, at poot sa sistema niya—ay nakalusot pa rin ang pagmamahal sa puso niya: pusong akala niya ay pinatigas na ng panahon.

“You are happy being with me, right?” Tanong ni Alano, uncertainty was becoming more and more evident in his eyes with each second that passes.

“I am.” But it’s wrong.

“I can make you happier.”

You can’t. Unless you change your surname, you can’t. Bumigay ang mga tuhod ni Clarice sa naisip. Lumuluhang napaluhod siya. Kaagad na niyakap niya si Alano para itago ang pagrehistro ng sakit sa kanyang mukha. “I love you, too,” taos sa pusong sagot niya. “And yes,” Nabasag ang boses niya. “I will marry you.”

You love me. I love you. There shouldn’t be any problem. But Alano, our love is our biggest problem.

PATULOY sa malakas na pagtibok ang puso ni Clarice habang pababa ng kotse ni Alano. Para bang sasabog ang dibdib niya sa mga halo-halong emosyon na nararamdaman. Malaking bahagi sa kanyang pagkatao ang biglang gustong bumalik sa pagiging trese anyos at muling tumakbo palayo tulad ng ginawa niya noon na pag-alis sa Pilipinas para makatakas mula sa sakit at pagkabigo. Because she knew, to see Benedict after several years can change her life again. She will be facing her worst nightmare.

Ang buong akala ni Clarice ay matagal niya nang naihanda ang sarili para doon. Pero ano ngayon itong nararamdaman niya?

Chapter 9 1

Chapter 9 2

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan