Login via

The Fall of Thorns 1: Alano McClennan novel Chapter 12

“WHAT are you doing?” nakakunot ang noong tanong ni Clarice kay Alano nang bigla na lang itong humarang sa harap niya. Hindi niya tuloy makita NAng maayos ang paglubog ng araw dahil sa laki ng bulto nito. “Umalis ka diyan, Alano. You’re blocking the view.”

Pero nagmatigas si Alano. Mapang-akit na ngumiti pa ang binata kasabay ng bigla na lang na paggiling ng katawan nito. “I’ll never gonna dance again. Guilty feet have got no rhythm. Though it’s easy to pretend, I know you’re not a fool…”

Naitakip ni Clarice ang palad sa bibig habang gulat pa ring nakatitig sa binatang patuloy sa sintunadong pag-awit at paggiling sa kanyang harap. Mayamaya ay napangiti siya hanggang sa mauwi rin iyon sa malakas na pagtawa. “My goodness, Alano,” amused na nasabi niya. “You are driving me crazy.”

“What?” painosenteng tanong naman ni Alano habang patuloy sa paggiling. “You once told me you wanted a man who can sing and dance for you. So, here it is. Pinagsabay ko ng gawin para minsanang kahihiyan lang,” naaaliw rin na sagot nito bago muling bumirada sa pagkanta.

Kasabay NAng tuluyang pagtatago ng haring araw ay ang paghinto rin ni Alano sa kalokohan nito. Humihingal na naupo ito sa tabi ni Clarice sa buhanginan mayamaya ay malambing na niyakap siya. “It’s all worth it,” bulong nito.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Seeing you smile and laugh like that, the craziness... It’s all worth it, Clarice.”

Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Clarice nang sa wakas ay makita na si Alexandra at Benedict sa veranda. Mag-isa siyang nagpunta sa Olongapo NAng araw na iyon. Nabigla pa siya nang hayaang makapasok ng mga gwardiya sa loob ng bahay.

“Clarice.” Kaagad na tumayo si Alexandra nang makita siya. Iniwanan nito na nakaupo sa stool si Benedict na gaya ng dati ay nakatulala lang sa paligid. “I am so, so sorry—”

“For what? For keeping your lips sealed the past years?”

Tumulo ang mga luha ni Alexandra kasabay ng pagkuha nito sa mga kamay ni Clarice. “Mahal na mahal ka ng anak ko. Please spare my son.”

“Kung makapagsalita ka naman, parang ako ang kontrabida rito.” Mapait na natawa si Clarice. Kinalas niya ang mga kamay ni Alexandra na nakahawak sa kanya. Malamig na tiningnan niya ang ginang. “Can you give me a moment with Benedict? I promise I won’t kill him or hurt him. Ipinapangako kong hindi ko siya ihuhulog o itutulak sa veranda,” may bahid-sarkasmong sinabi niya nang makita ang pag-aalinlangan sa mukha ng ginang. “The killing is just Benedict’s forte. Not mine.”

Hindi na nakapagsalita pa si Alexandra. Para bang mabibigat ang mga paa na tumalikod na ito at naglakad palayo habang si Clarice ay lumapit sa kinauupuan ni Benedict. Muling umatake ang kirot sa kanyang dibdib nang makita itong nakatitig lang sa sahig. “Hi. Do you remember me?” Mayamaya ay natawa siya. “Oh, of course you don’t. How stupid of me. Pero hindi mo man ako maalala, ikaw, hinding-hindi ko malilimutan.

“You took my dad’s life, my mom’s sanity, you took my life. You took every thing away from me. Ang damot-damot mo. Wala ka nang itinira sa akin. Iyong kompanya, sa `yong sa `yo na iyon. Pero ‘yong buhay na kinuha mo, damn it, McClennan!” Napahagulgol si Clarice. “Bumalik ka na sa dati! Fight fair for once, damn you!”

“Clarice.”

Natigilan si Clarice nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mga matatag na brasong yumakap sa kanyang likod. Muling pumatak ang mga luha niya. “I was as good as dead when your father ruined my life, Alano.”

“You love me. Hindi mo maitatanggi `yon. I felt your love and I love you. Let our love for each other bring you back to life, Clarice,” nakikiusap na bulong ni Alano.

Muling humagulgol si Clarice. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin o kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya ay tumigil ang lahat ng bagay simula nang malaman niya ang tunay na sitwasyon ni Benedict. Ni hindi niya maipaalam kina Maggy at Yalena ang nangyari. Clarice knew that those two would never hesitate to torture Benedict more.

At hindi niya makakaya iyon. Dahil sa kabila ng matinding galit sa puso niya, hindi niya pa rin maatim na saktan ang ama ng lalaking pinakamamahal niya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay kinalma ni Clarice ang sarili. Bigo pa ring inalis niya ang mga braso ni Alano sa kanyang baywang. Humarap siya sa binata. Buong pagmamahal na hinaplos niya ang mga pisngi nito. He had lost weight. Halata ring hindi ito gaanong nakakatulog sa nakalipas na mga araw dahil nangangalumata ito. And she wanted to reach out. But she… just couldn’t. “I don’t know why I’m feeling like this and why to you of all people.”

“Why?” Rumehistro ang sakit sa mga mata ni Alano. “Is it so wrong to love me?”

Clarice looked at Alano with all the pain in her heart. “Yes,” she whispered before she kissed him hard on the lips.

Chapter 12 1

Chapter 12 2

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan