Login via

The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan novel Chapter 14

“SELENA Marie. That was the name I planned to give you in case you turn out to be a girl, sweetheart. Pangalan ‘yon ng Lola mo na gusto ko sanang mamana mo,” bulong ni Yalena habang naglalakad sa may-kadilimang bahaging iyon ng kalsada. Ibinaba siya ng sinakyang bus sa huling destinasyon niyon, ang Zambales. Provincial bus pala ang kanyang nasakyan.

Nang makababa na siya ay saka lang tumino sa kanyang isipan na nasa Zambales siya nang makita ang terminal doon. Mula roon ay naglakad lang siya nang naglakad kahit nananakit pa ang kanyang buong katawan lalo na ang kanyang balakang dahil ilang oras pa lang siyang nakapagpapahinga sa ospital ay umalis na rin siya kaagad doon. Hindi niya kinayang magtagal sa lugar na iyon.

Gabi na pero hayun siya at hindi pa rin malaman kung saan magpupunta.

Nang magsimula nang manginig ang kanyang mga binti dala ng matinding kapaguran ay basta na lang siyang sumalampak sa gitna ng kalsada. Inihagis niya na lang sa kung saan ang kanyang bag kung saan nakalagay ang kanyang mga identification cards. Hindi niya na kakailanganin pa ang mga iyon. She didn’t want to be identified anymore.

Ipinikit ni Yalena ang namamasang mga mata. Mula pa kaninang naglalakad siya roon ay bihira ang mga sasakyang nagdaraan. Pero kung sakaling may dumating man ay wala na siyang pakialam.

“So the dragon fell in love with the shark. I pity the dragon. Hindi niya pa kabisado ang ugali ng pating. Paano kung bigla na lang siyang atakihin nito? Because the dragon is in love with the shark, even if the shark attacks her, she wouldn’t dare throw fire, would she?” Parang sirang-plakang umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga sinabing iyon ni Dennis noon.

Walang buhay siyang napangiti. What a very stupid dragon.

Pagod na siya. Ayaw niya nang mabuhay pa. Mula’t sapol ay puro pasakit at pagdurusa ang hatid ng mundo sa kanya. Hinaplos niya ang kanyang tiyan.

“Baby, don’t worry. Susunod na sa `yo si Mommy,” naalala niya pang bulong bago siya nawalan ng ulirat.

NABIGLA si Bradley sa ginawang pagpreno ng driver niyang si Rey. Nag-aalalang nilingon niya ang anak na si Martina nang bigla na lang itong mahigpit na kumapit sa kanyang braso. Nakatulog na ito kanina pero dahil sa ginawa ng driver ay nagising ito. Kunot-noong inalis niya ang kanyang earphones at sisitahin na sana ang driver nang unahan na siya nito sa pagsasalita.

“S-Sir, may babae po kasing nakahandusay sa gitna ng kalsada at—”

“What?!” Kumunot ang noo ni Bradley. Ibinaba niya ang salaming bintana sa kanyang gawi at sinilip ang tinutukoy ni Rey. Totoo ngang may babaeng nakahandusay roon. Muli niyang nilingon ang inaantok pang anak. “Martina, stay here, okay? May titingnan lang kami ni Rey sandali sa labas.”

Nang tumango ang bata ay nagmamadaling bumaba na siya ng kotse. Tinakbo niya ang kinaroroonan ng estranghera at dinaluhan ito. Sa liwanag na dulot ng headlights ng sasakyan ay malinaw niyang napagmasdan ang anyo nito. Kumabog ang kanyang dibdib. Agad niyang sinilip kung may galos o pinsala sa katawan ang dalaga. Pero wala siyang napansin. Patag din ang paghinga nito pero bakas ang matinding pagod sa anyo.

“Ano’ng ginagawa ng ganyan kagandang nilalang dito sa gitna ng kalsada at ganito pang dis-oras ng gabi?” pagsasaboses ni Rey sa namuong tanong sa isipan ni Bradley. “S-Sir,” bahagyang umatras si Rey. “H-hindi ho kaya totoo ang mga bali-balitang may babaeng nagmumulto sa kalsadang ito kaya bihirang daanan ng iba kahit shortcut ho ito? Umiikot pa ho ang mga sasakyan sa kabilang kalye.”

Naiiritang tiningala ni Bradley ang kanyang driver. “Mukha bang multo ang babaeng ito?” Hinawakan niya ang kamay ng estranghera. “See? Nahahawakan ko nga siya.” Pumalatak siya. “Saka umayos ka nga, Rey. Sa tanda mong `yan, naniniwala ka pa sa mga gano’ng bagay? Saka sa payat at putla mong `yan, mas mapagkakamalan ka pang multo.”

Maingat na binuhat ni Bradley ang estranghera. “It’s late. Sa bahay na muna natin siya dalhin.”

“Pero, Sir, paano kung—”

Nahinto sa paglalakad si Bradley nang sulyapan niya ang driver. Natahimik naman agad ito. Minsan pa’y pinagmasdan niya ang mukha ng estranghera. “This woman can’t be a ghost, Rey.” Saka kung sakaling multo nga siya at bahagi lang ito ng bitag niya, handa akong magpabitag… kahit ngayong gabi lang. Naisaloob niya habang patuloy sa malakas na pagkabog ang kanyang dibdib. Ipinasok niya na ang dalaga sa kotse. Ipinuwesto niya ito sa gitna nila ng nasorpresang anak.

“Dad, who is she?”

Napailing si Bradley. “I don’t know, honey. But it looks like she needs our help.”

Masusing pinagmasdan ng bata ang estranghera habang nagsimula na uli magmaneho si Rey. Mayamaya ay pareho silang natigilan ng driver nang bigla na lang pumalakpak ang kanyang magsasampung taong gulang na anak.

“I knew it! God won’t fail me. I knew it!” tuwang-tuwa pang sinabi ni Martina.

Nagsalubong ang mga kilay ni Bradley. “What do you mean?”

“Remember when we went to church yesterday? Because it’s the first time I got to be in that church, I made a wish. I wished for a Mommy,” nangingislap ang mga matang sinabi ni Martina. “And Dad, I think she’s the one. She’s my answered prayer!”

NAGISING si Yalena sa init ng araw na tumatagos sa kanyang balat. Dahan-dahan siyang nagmulat. Bumungad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kwarto. Pinaghalong dilaw at puti ang kulay niyon. Sa palagay niya ay ganoon din kalaki ang guest room sa mansiyon ng mga McClennan.

McClennan. Natigilan siya. Kasabay niyon ay nanumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga pinagdaanan.

Napabangon si Yalena kasabay ng paghawak niya sa kanyang tiyan. Oh, God.

Nangilid ang kanyang mga luha. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay agad na tumutok doon ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang isang napakagandang batang babae. Nakatali ang kulay-mais na buhok nito sa magkabilang gilid. Lumarawan ang saya sa maliit na mukha nito nang makita siya. Halos patakbo itong lumapit sa kanya. Nang ngumiti ang bata ay ngumiti rin ang kulay gray na mga mata nito.

“I’m glad you’re finally awake. Tatawag na sana si Daddy ng doctor pero ang sabi ko ay sisilipin muna kita rito. Umaasa po akong gising na kayo. You’ve been sleeping for more than twenty hours according to Daddy. How are you?”

Tumulo ang mga luha ni Yalena. “I’m hurting. I’m hurting so much. I can’t believe I’m alive. How am I alive?”

Nagsalubong ang mga kilay ng bata. Naupo ito sa tabi ni Yalena at pinunasan ang kanyang mga luha sa pagkagulat niya. “Don’t cry. Ligtas ka na po. Nakita ka namin ni Daddy kagabi. He saved you and brought you to our house.”

Napahagulgol si Yalena. “But I didn’t want to be alive. I have no more reason to live.” Mas lumakas ang kanyang pag-iyak nang hawakan ng bata ang kanyang mga kamay.

“Daddy said to pray when you’re hurt or when you’re afraid. Can you pray?”

“I can’t.” Pumiyok ang boses ni Yalena. “I can’t.”

“Then I will pray for you.” Ipinikit ng bata ang mga mata at bumulong ng mga salitang napakainosente para sa pandinig ni Yalena pero walang dudang sincere ito sa pagdarasal, isang bagay na kailangang-kailangan niya ngayon. “Dear Jesus, please take away the pain of the beautiful lady I’m holding hands with right now. I-bless Mo po siya para hindi na po siya ma-hurt at mag-cry. Amen.”

SINO ka ba talaga? At ano’ng nangyari sa `yo? kunot-noong naisaloob ni Bradley habang pinagmamasdan ang kanyang natutulog na bisita. Apat na araw na ang estranghera sa poder niya. Tuwing gising ito ay hindi nagsasalita. Bihira rin nitong galawin ang mga pagkaing dinadala nilang mag-ama sa inookupang kwarto nito. Madalas ding malayo ang tingin nito. Sa unang araw na nagising ang estranghera ay nasaksihan niya ang pagkausap dito ni Martina.

Naalala ni Bradley ang nakitang paghagulgol ng dalaga at ang mga narinig na sinabi nito. Sadyang napakahiwaga nito. Ginusto nitong makaalis sa kanyang bahay pero pinigilan nila ni Martina dahil halata pa ang panlalambot ng dalaga.

Para namang balewala para sa dalaga ang manatili sa kanyang bahay. Ni hindi ito nagpumilit nang husto na makaalis na parang wala nang balak pang bumalik sa kung saan man ito nanggaling. Pero walang mababakas na anumang emosyon sa mga mata nito. Ang mayordoma sa kanilang bahay ang siyang katulong pa ng dalaga sa pagbibihis ng mga pinamili niyang damit dahil ni hindi ito umaalis sa kama. She looked lifeless, kaya hindi mapigilan ni Bradley ang mag-alala.

Pero para bang may milagrong nangyari nang ikatlong araw. Nahikayat ni Martina na humigop ng sabaw ang dalaga at kumain ng prutas. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang iyon pero pag-asa na ang hatid niyon para sa kanila ng anak. Bahagya siyang napangiti sa naalala. Martina was patient towards the stranger. She had always been like that. Sa palagay niya ay bunga na rin iyon ng kasabikan nitong magkaroon ng makakasamang iba bukod sa kanya.

Agad ding nawala ang kanyang ngiti. Martina had to cry before the woman could eat. Hindi maikakaila ang matinding pag-aalala ng kanyang anak para sa estranghera at mukhang kahit paano ay tumalab iyon sa huli.

What am I going to do with you, stranger? Sa susunod na linggo ay kailangan na nila ni Martina na bumalik sa Portland dahil nagbabakasyon lang sila sa Pilipinas. Dinalaw lang nila ang puntod ng kanyang mga namayapang magulang. Taon-taon sila kung umuwi ng anak. At ang bahay na kinaroroonan ay ang bahay-bakasyunan nila tuwing nagpupunta sila sa Zambales, ang lugar kung saan nakatira ang kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito.

Chapter 14 1

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan