Login via

The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan novel Chapter 17

“COME here.” Tinapik ni Bradley ang espasyo sa tabi niya at pilit na inalis pansamantala sa isipan ang naging usapan nila ni Ansel. “Sit beside me.”

Tahimik na sumunod si Yalena. Nakapantulog pa ito. Magulo pa ang buhok pero mukha pa rin itong anghel para sa kanya. At mananatili itong anghel sa buhay niya, sa buhay nila ni Martina. Dahil simula nang dumating ang dalaga sa buhay nilang mag-ama ay nagsimulang maging makulay ang lahat. Sintunado ang lahat ng bagay para kay Bradley noong wala pa si Yalena. Nagkaroon lang iyon ng tono nang dumating na ito.

Nang makaupo si Yalena sa tabi ni Bradley ay agad na niyakap niya ito katulad nang nakasanayan niya. “It’s past two in the morning, sweetheart. Are you having nightmares again?”

“No,” anito kasabay ng paghawak sa mga braso niya na nakayakap dito.

Bahagyang napangiti si Bradley. Kabisado niya na ang ugali ni Yalena. Alam niya kung kailan ito nagsisinungaling. Mabilis at mahina ang sagot nito tuwing hindi taos sa puso ang sinasabi nito. May school camping si Martina at overnight iyon kaya hindi ito katabi ni Yalena sa pagtulog nang gabing iyon.

Kahit siya ay hindi rin makatulog. Hindi niya maipahinga ang kanyang isip. Hinihintay niyang umamin sa kanya ang dalaga tungkol sa pagdating ni Ansel. Gawain niya na iyon mula pa noon, ang maghintay kung kailan siya nito pagkakatiwalaan ng mga pinakatago-tagong emosyon nito. Kung ganoon ay binangungot uli ito nang wala si Martina na gumigising dito at kasama nitong nagdarasal kapag nangyayari iyon.

Bumaba ang mga kamay ni Bradley sa mga kamay ni Yalena.

“Close your eyes,” mayamaya ay bulong niya. Nang silipin niya ang mukha ng dalaga ay nakita niyang nakapikit nga ito. Binuhat niya ito at iniupo sa kanyang mga hita patalikod sa kanya, mayamaya ay pumikit na rin at taimtim na nanalangin. Hindi pa man siya natatapos ay narinig niya na ang impit na paghikbi ng dalaga. Masuyo niyang hinalikan ang ulo nito nang matapos manalangin. “`Care to tell me about your nightmare?”

“Ansel and the baby,” garalgal ang boses na sagot ng dalaga.

Pasulpot-sulpot na lang sa nakalipas na mga buwan ang mga masasamang panaginip ni Yalena.

“Nandito si Ansel sa Portland, Bradley. I saw him first last week. Since then, I… I often see him. He’s always trying to talk to me. Kahit sa pagde-deliver ko ng pastries sa restaurant ni Simone ay sumusunod pa rin siya. Ngayon ko lang sinabi dahil hindi ko alam kung paano aaminin sa `yo. Saka alam kong nagre-record kayo ng bagong album. I didn’t want to distract you.”

“And you’re saying this to me now because?”

“Because I know you’re done recording.”

Marahang napangiti si Bradley sa narinig.

“And because I didn’t want you to worry.”

Too late, I’m worrying now. I’ve been worrying the entire day. And I know I’ll continue worrying until the day of our wedding. Gusto sanang sabihin ni Bradley pero sa halip ay iba ang lumabas sa kanyang mga labi. “Ano ba’ng nararamdaman mo ngayon?”

“I feel rage.”

Iyon ang ikinatatakot ni Bradley. Paano kung sa dulo pala ng galit ni Yalena ay naroroon pa rin ang pagmamahal nito para kay Ansel? Dahil ganoon naman si Yalena, ganoon ang anghel niya. Malambot ang puso nito kabaliktaran sa pagkakakilala rito nina Simone at ng mga kabanda niya.

Yalena was cold and distant to everyone except to Bradley and Martina. Hindi marunong ngumiti at tumawa ang dalaga sa iba maliban sa kanilang mag-ama. Napabuntong-hininga siya. Muli niyang niyakap ang dalaga. Isinandal niya ang ulo sa likod nito. “Paano kung ma-realize mong mahal mo pa pala siya? Pakakawalan na ba kita?”

“No, no, please don’t say that!” agad na sagot ng dalaga. Bumitiw ito sa kanya para makaharap sa kanya. Ikinulong nito ang mga pisngi niya sa maiinit na mga palad nito. “Don’t let me go. Hindi ako lalayo. Magpapakasal tayo, Bradley. I will stay with you and Martina. I’m happy with just the three of us,” determinadong sinabi ng dalaga pero bakit parang may narinig siyang pangamba sa boses nito? Sa kabila niyon ay tumango na lang si Bradley.

How he wished she could just say she loved him, too. Because if she will only say those words, no matter what happens, he will never really let her go.

“SI BRADLEY talaga…” Naiiling na napangiti si Yalena nang makita ang mga nakasabog na kulay-dilaw na rosas sa buong restaurant na pagmamay-ari ni Simone. Nagpunta siya roon nang umagang iyon para sa huling beses na paghahatid niya ng mga pastries at cakes. Ibinaba niya ang mga dalang kahon sa ibabaw ng counter.

Noong una ay nagtaka pa siya nang walang maabutang tao sa loob ng restaurant. Pero nawala ang pagtatakang iyon nang mapansin ang mga nagkalat na rosas at lobo sa paligid. Mayroon ding malamyos na musika na nagmumula sa mga speakers doon. Minsan na iyong ginawa sa kanya ni Bradley kaya nakasisiguro siyang ito na naman ang may pakana niyon.

Chapter 17 1

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan