Login via

Thirty Last Days novel Chapter 11

NAPASANDAL si Cassandra sa pintong nilabasan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, saka tinapik-tapik ang dibdib para kalmahin ang sarili. Ang akala ko, tanggap ko na. Pero nang makita kita, hindi pa pala.

Sa ibang pagkakataon ay papalakpakan niya ang sarili sa lakas ng loob na ipinamalas sa kabila ng panginginig ng kanyang mga tuhod. She couldn't help but do that. She had to feel him, she had to blurt those words out... even for the last time.

Alam niyang hindi makatarungan para kay Dana ang mga sinabi at ginawa. Pero nang makita niya ang lalaking pinakamamahal na suot ang damit na siya mismo ang nanahi para dito ay gusto nang bumigay ng kanyang puso... at katinuan. At kanina nga ay umiral ang puso niyang naghahangad, naghihinanakit, at... nagmamahal.

Napahugot ng malalim na hininga si Cassandra bago nagpunta sa banyo. Pinakatitigan niya uli ang sarili sa naroroong salamin habang suot ang pinapangarap niyang damit-pangkasal. Malungkot siyang napangiti. Her only consolation was... Dana liked the wedding dress.

"WHY HER of all people?" tiim ang mga bagang na wika ni Jethro makalipas ang mahabang sandali. Naglakad siya palayo sa pinto para mapigilan ang sarili na buksan iyon, habulin si Cassandra at itakas na lang mula sa lahat ng bagay na nakapagitan sa kanilang dalawa.

"Nag-volunteer siya," mahinang sagot ni Dana. "And besides, why not her? Magaling siya. Nagustuhan ko ang gown. And even you liked the suit. So why-"

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Humarap siya sa fiancée. "At bakit ka pa kasi umalis noon? Why did you ever give her those freaking thirty days?" Hindi na nakapagpigil na nagtaas siya ng boses. "For the past weeks, wala kang narinig na salita sa akin but damn it, Dana! Bakit mo inilihim sa akin na siya pala ang designer na sinasabi mo? She's hurting, can't you see?"

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto ni Jethro na alugin ang mga balikat ni Dana at sigawan ito. Napakarami niyang mga bagay na gustong sabihin. If Dana had not given Cassandra the time to get near him, none of this would have happened. They could have gotten married, live a life with their kids and pretend to be happy for the rest of their lives. He was willing to stay by her side, let her have him but did she really have to torture him this way?

"And do you actually think I'm not hurting, Jethro?" Natigilan siya. "Sa tingin mo ba talaga, ginusto kong gawin 'yon? Every single day that I was away, I got so damn scared. Pero ginusto kong patunayan sa sarili ko na hindi totoo ang kasabihang 'first love never dies.'" Nag-iwas si Dana ng tingin. "Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na hindi mo 'ko minahal dahil lang wala siya, na hindi ako isang substitute. Jet... mahal mo naman ako, 'di ba? Wala namang nagbago, 'di ba?"

Frustrated na napahawak si Jethro sa kanyang noo. "Dana-"

"Go." Ngumiti na si Dana nang muling humarap sa kanya. "Go and at least thank our designer before she leaves. Hindi na kasi siya makakarating pa sa kasal natin. Baka ngayong araw na lang kayo magkita."

Nagulantang si Jethro. "W-what?"

"Aalis na siya this week, pabalik sa France."

Ilang sandali hindi nakakilos si Jethro bago siya nananakbong lumapit sa pinto.

"And Jet? Please tell her I really loved the wedding dress. Under normal circumstances, I think she and I could be... good friends."

"AALIS ka daw?"

Dahan-dahang ibinaba ni Cassandra ang naka-framed na baby picture ni Jethro na nadampot niya sa sala. Napagdesisyunan niyang mag-ikot-ikot na muna sa bahay ng binata habang hinihintay ang mga kasamahan niya na kasabay niya na pabalik sa France. "Yeah," mahinang sagot niya. "Three days na lang ako rito."

"I... I thought you will be staying here for good?"

"That was the epic plan." Napabuntong-hininga si Cassandra, pagkatapos ay humarap kay Jethro. "Ang plano ko talaga, i-manage na lang ang boutique mula rito. Three to four times a month na lang ako pupunta sa France. My crew could just send me the designs requested by our clients via mail, 'tapos, magtatayo ako ng isa pang boutique dito. It was all set." Nagkibit-balikat siya. "But what's the use of staying now?"

"Pero pwede mo pa rin namang tuparin ang mga plano mo. Pwede ka pa ring-"

"I can't." Napailing siya. "Ubos na ang tapang ko, Jet. Hindi na kailangang makita pa ng mga mata ko na ikakasal ka na bago pa matanggap ng puso ko na talagang wala ka na."

Tinalikuran na niya ni Jethro. Sa van na lang siya maghihintay. Because the more she sees him, the more she doubts if she could ever live without him.

Chapter 11 1

Comments

The readers' comments on the novel: Thirty Last Days