HINDI mapakaling lumabas ng kanyang kwarto si Jethro. Nagpunta siya sa veranda para magpahangin. Para siyang masisiraan ng bait nang mula roon ay matanaw niya ang hardin at makita ang nakatayong pigura ni Cassandra habang kinakantahan siya. Frustrated na bumaba na lang siya at kumuha ng maiinom sa kusina. Pero ang nakangiting mukha naman nito ang sunod niyang naalala.
He shut his eyes and tried remembering Dana. Pero ang pagkadismayang naramdaman niya lang ang naalala niya nang pagmulat niya ng mga mata kaninang umaga ay ito ang unang nasilayan niya.
"Kapag kasi hindi natin kasama ang taong mahal natin, para tayong nawawala, naliligaw." Sumagi sa isip niya ang sinabing iyon ni Christmas nang sundan siya ng kapatid sa kwarto ni Troy nang makita nito ang pag-alis ni Cassandra noong birthday ng dalaga. "Hindi kaya... naligaw ka lang, Kuya?"
Kumabog ang dibdib ni Jethro. Bakit ba siya nagpapatumpik-tumpik pa? If he loses Dana, he would lose a friend, a sister and a companion all rolled into one. But if he loses Cassandra, he would lose his heart, his soul, his... life. How in the world could he take that?
Sa naisip ay mabilis na tinakbo ni Jethro ang sariling kwarto at kinuha ang cell phone at susi ng kanyang kotse. Tatawagan na sana niya si Dana nang mag-text ito at papuntahin siya sa Brylle's dahil may gig daw ang dalaga kasama ang banda.
Sigurado na ang direksiyong iminaniobra ni Jethro ang kanyang kotse.
NATIGILAN si Jethro nang makitang si Dana ang nakatayo sa sentro ng maliit na stage sa loob ng restobar ni Brylle. Sa pagkakataong iyon ay hindi drumsticks ang hawak nito, wala rin ang mga kasamahan ng fiancée niya. Solo lang ni Dana ang stage nang gabing iyon habang nakaupo sa tapat ng piano.
Mukhang papasimula na ito nang dumating siya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti ang dalaga pero hindi tumagos sa mga mata nito, bago nagsimulang tumugtog.
"Turn down the lights, turn down the bed. Turn down these voices inside my head. Lay down with me, tell me no lies. Just hold me close, don't patronize me..."
MAPAKLANG napangiti si Dana nang makita ang lumarawang pagkasorpresa sa mga mata ni Jethro. For a woman who had loved him since time immemorial, she wanted to just... stay by his side and keep him. Pero hindi niya kahit na kailan malilinlang ang sarili.
"Cause I can't make you love me if you don't. You can't make your heart feel something it won't."
"I love you, Jet."
"Same here."
Bahagyang dumiin ang pagkakatipa ni Dana sa piano nang maalala ang bawat sandaling nagtatapat siya ng pagmamahal sa binata. Madalas ay ngingiti lang ito, yayakapin siya o 'di kaya ay kikintalan ng halik sa noo, pagkatapos ay bubulong ng ganoong mga salita. It had always been "thank you" and "same here" but never "I love you, too." Pero pinilit niyang makontento sa ganoon dahil ang akala niya ay sasapat na iyon.
"I'll close my eyes and then I won't see. The love you don't feel when you're holding me. Morning will come and I'll do what's right. Just give me 'til then to give up this fight..." Hindi na itinago ni Dana ang mga luhang nag-unahan sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata. "Cause I can't make you love me if you don't."
Nang magpalakpakan ang mga customers ay mabilis na siyang bumaba sa stage at sinalubong si Jethro. Ikinulong niya ang mga pisngi nito sa kanyang mga kamay. Sa pagkakataong iyon ay malinaw niya nang nababasa ang sakit sa mga mata ng binata.
"Dana, I don't want you to end up hating me in the future if we push this. I'm sorry-"
"Sshh." tinakpan niya ng mga daliri ang mga labi nito. "Naiintindihan ko, Jet. It's the way you say her name, the look in your eyes whenever you remember her. Hindi ka nagpapakita ng emosyon dahil natatakot kang mapansin ko but, Jet... your eyes say it all."
Inalis ni Jethro ang mga daliri niya sa labi nito, pagkatapos ay niyakap siya. "I'm so sorry."
"Don't be." Gumanti si Dana ng yakap, kasabay ng muling pagbagsak ng mga luha niya. "I'm letting you go not because of anything else. Ayoko lang na... mahal mo lang ako kasi wala siya. I... I can't take that." Kumawala na siya kay Jethro at pilit na tinulak ito palayo. "Go. I can manage."
PARANG may mainit na mga kamay na humaplos sa puso ni Jethro nang makita ang babaeng pinakamamahal na nakaupo sa ilalim ng puno ng acasia, nakasandal doon habang nakapikit. Malakas ang hangin at umuulan din nang mga sandaling iyon, pero para bang balewala iyon sa dalaga.
Comments
The readers' comments on the novel: Thirty Last Days