Nang sabihin iyon ni Madeline, ang mga ekspresyon ng kanyang mga katrabaho, maging si Elizabeth, ay nagbago. Nakatingin sila kay Madeline na parang nakatingin sila sa isang kakaibang bagay.
"Itong babaeng to, masyado ka namang marahas!" Mapanghamak na sinabi ng ilang mga babaeng katrabaho niya.
"Anong klaseng kamalasan ba ang mayroon si Meredith para makatagpo ng ganitong baliw. Lagi siyang pinag-iinitan nito kahit saan."
"Totoo. Di mo lamang inagaw ang kasintahan ng iba, inabala mo pa si Meredith, sinabi mo pa na gusto mo siyang patayin. Ang lala talaga niyan!"
"Dapat lumayo tayo sa kanya, para kapag nabaliw siya di niya tayo madamay."
Tahimik na nakaupo si Madeline sa kanyang upuan, nakikinig sa mga salitang sinasabi sa kanya.
Hindi siya nagsalita at tumayo lamang.
Nang makita siyang gumalaw, ang mga babaeng katrabaho niya na kanina pa nagsasabi ng mga katotohanan at kasinungalingan tungkol sa kanya ay nagmadaling tumakbo, sa takot na baka kung ano ang gawin sa kanila ni Madeline.
Natawa si Madeline sa nangyari. Pagkatapos, lumabas siya.
Pumunta siya kay Felipe at nang makita na dumating si Madeline, binati siya ni Felipe at magalang siyang inalok na umupo.
Tumitig siya at napansin niya ang balisang mukha ni Madeline at ang dalawang malalim at pulang bakas ng kutsilyo sa kanyang kanang pisngi. Nabigla si Felipe.
"Anong nangyari?" Tanong niya, tunay na nag-aalala.
Ngumiti si Madeline at umiliny. "Ayos lang ako, Mr. Whitman. Pumunta ako dito para sabihin sa iyo na gusto ko nang magresign."
"Resign?" Naguguluhang tumingin si Felipe kay Madeline. "Bakit?"
"Ayaw kong maapektuhan ang takbo ng buong department dahil sa presensya ko. Siguro naman may nakita kang mga negatibong komento tungkol sa akin nitong nakaraan?"
Nang marinig ang sinabi ni Madeline, mukhang may naunawaan si Felipe.
"Salamat, Mr. Whitman, sa pag-aalaga at pagtulong sa akin hanggang ngayon. Mag-iimpake na ako at kaagad na akong aalis."
"Madeline."
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman