Habang nahihirapang humakbang, tumalikod siya para umalis at bigla niyang narinig ang boses ni Jeremy mula sa likod.
"Isang babae ang nagbigay ng dugo sa anak ko? Sino?"
"Huh? Oh, ayun oh."
Nang marinig ang tugon ng nars, nagtago si Madeline sa emergency exit.
Natatakot siya na baka mandiri si Jeremy kapag nalaman niya na dugo niya iyon, pero dapat mauna ang kaligtasan no Jackson.
Nagtago sa sulok si Madeline, habang nakatikom ang panga at nakayuko nang makita niyang dumaan ang anino ni Jeremy sa harapan niya.
Sumakit ang buong katawan niya at nilamig siya dahil sa pagsasalin niya ng dugo. Pagbaluktot niya sa sulok, pinanood niyang umalis at maglaho ang anino ni Jeremy sa kanyang paningin, nang mawawala na ang malay ni Madeline. Kinabukasan na nang siya ay magising. Namumulikat ang kanyang binti dahil sa kanyang posisyon nang tumayo siya habang nakakapit sa pader.
Nandoon pa rin ang sakit ng kanyang katawan at humapdi ang sugat sa kanyang noo.
Habang nakakapit siya sa pader bilang suports, nakita niya si Meredith na tumatawag, palapit sa emergency staircase, kung kailan magtatanong na siya tungkol sa kalagayan ni Jackson.
Kaagad na umatras si Madeline, nagtago sa likod ng pinto.
Narinig ang naiinis na tono ni Meredith. "Hmph. May napadaan palang babae at nagbigay ng dugo para dun. Di ko alam kung saan siya nanggaling pero naiinis ako. Dapat hinayaan na niya lang yun mamatay, edi di na maaawa si Jeremy kay Madeline!"
"Sakit sa mata ng batang yun. Dapat namatay na siya noong nakaraang dalawang taon pa! Kaya lang siya buhay kasi nagagamit ko siya."
Nabigla si Madeline sa mga salitang lumabas sa bibig ni Meredith.
Mga salita ba yun ng isang ina?
Anak pa rin niya at ni Jeremy si Jackson. Paano niya nagagawang gamitin ang buhay ng sarili niyang anak para lang kamuhian ni Jeremy si Madeline?
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman