Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 99

Nang marinig ang bawat salitang nagmula sa labi ni Madeline, kumunot ang noo ni Jeremy, biglang nagulo ang tibok ng puso niya.

"Jeremy, kapag dk mo pa ako pinatay ngayon. Sisiguraduhin kong papatayin kita at ipaghihiganti ko ang anak ko."

Mas matatag na ang malinaw niyang mata gaya ng dati.

Walang-pakeng ngumiti si Jeremy. "Maghihintay ako."

Tumayo siya nang sinabi niya ito at basta na lang umalis.

Matapos panuorin na unti-unting naglalaho ang itim na anino sa kanyang paningin, sa isang iglap ay parang nawalan ng lakas at dugo si Madeline nang lupaypay siyang sumandal sa baul ng kanyang lolo.

Muling tumulo ang maiinit na luha ngunit ang puso niya ay namanhid na sa sakit.

Subalit, hindi pa ito tapos dahil biglang lumitaw si Meredith.

May hawak na kutsilyo si Meredith nang makita niya si Madeline na nakahiga sa sahig habang hawak ang baul. Lumapit si Meredith kay Madeline at yumuko, lumapit para hilahin ang maikli niyng buhok.

"Tsk tsk, sinabi ko na sayo na huwag kang lalaban sa akin. Takot ka na ba ngayon?"

Suminghal si Madeline, hindi na nagbabalak na magsayang ng hininga at enerhiya. "Meredith, ikaw nakakamuhing babae ka, patayin mo ako kung matapang ka!"

"Haha… gusto mong mamatay? Oh, pero di ako ganon kalupit." Nagpanggap na tumawa si Meredith. "Subalit, sinabi ni Jeremy na ginulo mo ang mukha ng pinakamamahal niyang anak, kaya dodoblehin ko ang balik."

Kasabay ng mababang boses ni Meredith, biglang nakaramdam si Madeline ng matalim na sakit sa kanang bahagi ng mukha niya.

Nanginig si Madeline mula sa nakakapunit na sakit, ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong tunog, pwersahang tiniis ang matinding sakit.

Clang!

Initsa ni Meredith ang kutsliyo sa harap ni Madeline, pagkatapos ay itinaas ang kanyang paa at sinipa nang malakas si Madeline.

"Bah! P*ta ka! Dapat noon ka pa namatay!" Bigla siyang tumalikod at umalis.

Hirap na tumayo si Madeline. Hinawakan niya ang kanyang pisngi na hiniwa nang dalawang beses gamit ng nangangatog niyang palad. Hindi na niya maramdaman ang sakit.

Kabanata 99 1

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman