Bumigay si Madeline sa isang iglap na parang manika na walang kwerdas, nawalan ng malay.
Tila ba dumilim bigla ang kanyang mundo at kinain ng matinding sakit na parang nababalatan siya ang kanyang buong kamalayan.
"Hindi!"
Nagmadali siyang sumugod sa abo na unti-unting natatangay ng nyebe at ulan.
Nagdadalamhating umiyak si Madeline, ang kanyang nanginginig na kamay ay matinding gumagasgas sa sahig habang sinusubukan niyang tipunin ang natitirang abo.
Subalit, unti-unting naging pula ang abo mula sa dugo na tumutulo sa kanyang palad, at sumama ito sa ulan at niyebe.
Nang ganon lang, ang natatangi niyang pag-asa ay tuluyang naglaho.
Miserable siyang umiyak at tumawa, ngunit ang kanyang mapula at basang mata ay tumitig kay Jeremy.
Hindi na niya ito makilala.
Hindi, hindi niya kailanman ito nakilala.
Nagngalit ang kanyang mga ngipin at tumingin siya sa di natitinag na lalaki, napakatulis ng kanyang mga mata.
"Jeremy, pagsisisihan mo ito!"
Nang makita ang may poot na titig ni Madeline sa sandaling ito, walang pakeng humagikhik si Jeremy.
"Walang 'pagsisisi' sa diksyonaryo ko."
Tinignan niya ang bodyguard at inutusan ito na ibigay sa kanya ang abo ng lolo ni Madeline.
"Dalhin mo dito."
Biglang sumugod paharap si Madeline. Inagaw niya ang baul ng kanyang lolo at niyakap ito nang mahigpit sa kanyang mga braso.
Hindi inasahan ng bodyguard na biglang susugod si Madeline. Nang makita na naagaw ang baul, tumalikod ito para hablutin ito.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman