Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 96

Kumapit si Meredith sa braso ni Jeremy sa takot, malinaw na nagpapakabiktima.

Nagawa na niya ang taktika na yun koon ngunit kahit ganon, naniwala pa rin ito nang walang pagdududa.

Nangungutyang tumitig ang lahat kay Madeline. Matagal nang nasanay si Madeline sa mga ganitong tingin, pero di pa rin siya masanay sa makakapatay at malamig na titig ni Jeremy sa kanya.

Sa kanyang isipan, iyon ay isang mukhang minahal niya nang lubusan. Subalit, wala na ang hinhin na mayroon ito noon.

Sa sadaling ito, habang hawak ni Jeremy si Merefith, ang kanyang malamig at parang patalim na mata ay tumagos kay Madeline. "Ma. De. Line!"

Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin nang bigkasin niya ang tatlong pantig na iyon, bawat isa ay may matinding pwersa!

Nakaramdam si Madeline ng lamig mula sa talampakan niya papunta sa buong katawan niya. Katakot-takot ito.

Si Meredith ay kasalukuyang nakasandal sa braso ni Jeremy at walang-tigil na umiiyak. "Jeremy, bakit ba ganito kasama si Madeline? Sinabi niya sa akin na siya mismo ay nabuntis na noon, pero namatay ang bata habang siya ay nakabilanggo. Dahil naging ina na rin siya, bakit di niya maunawaan ang pakiramdam ng isang ina?" Sinabi niya habang nakatingin kay Madeline at umiikot ang kanyang luha.

"Madeline, tama na! Ayaw mo bang matahimik ang anak at lolo mo?"

Nang mabanggit ang kanyang lolo at namatay na anak, biglang tinikom ni Madeline ang kanyang kamao at biglang sumugod ang mahina niyang katawan patungo kay Meredith nang buong lakas.

Hinablot niya sa kwelyo si Meredith at galit na sinampal.

"Ang lakas pa rin ng loob mong banggitin ang lolo at anak ko! Bakit di na lang ikaw ang namatay Meredith! Ikaw ang pinakakasumpa-sumpa!"

"Ah! Jeremy, ang sakit ng mukha ko!" Paulit-ulit na sumigaw si Meredith.

Biglaan ang pangyayari at di inasahan ni Jeremy na biglang magwawala si Madeline at buong lakas na susugod.

Nahirapan siya na itulak palayo si Madeline at protektahan si Meredith.

Marahas na naitulak si Madeline, tumama ang likod niya sa pader sa likuran niya. Sobrang sakit ng pagkakatama niya na hindi na siya makabangon.

Niyakap ni Jeremy si Meredith na umiiyak pa rin at tumalikod. Bago umalis, sinulyapan niya si Madeline. Ang titig na iyon ay parang isang talim na may lason nang bumaon ito sa mga mata ni Madeline.

Kabanata 96 1

Kabanata 96 2

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman