Napilitang manahimik si Madeline. Sumulyap siya sa labas ng bintana. Maulap ang langit at parang uulan.
Nang makitang mukhang pamilyar ang kalsada, unti-unting nanikip ang mga ugat ni Madeline.
Huminto ang kotse. Lumabas si Jeremy ng kotse habang si Madeline ay kinaladkad palabas.
Pagtingin sa paligid, nanlaki ang mga mata ni Madeline at hindi siya makapaniwala.
"Jeremy, bakit mo ako dinala dito!"
Tanong niya habang nakaharap sa likod ni Jeremy, ngunit hindi siya pinansin ng lalaki.
Kinaladkad si Madeline sa libingan kung nasaan ang kayang lolo at namatay na anak. Wala na siyang lakas para tumayo, at itinulak siya ng bodyguard papunta sa libingan.
Bumagsak si Madeline sa sahig, hawak kung nasaan ang tumor. Huminga siya nang malalim, tiniis ang sakit, at tumingin sa taas.
Nakatayo si Jeremy sa harap niya, matikas at malamig, ang aura nito ay di natitinag at walang-puso.
"Bakit dito?" Tanong ni Madeline hbang nagningitngitan ang kanyang ngipin, unti-unting lumalabo ang paningin niya dahil sa hamog.
Yumuko si Jeremy at kinurot ang baba ni Madeline gamit ng kanyang mainit na daliri. Isang nakakatakot na ngiti sa kanyang manipis at maalindog na mata.
"Para iparanas sa iyo kahit sandali, ang isang mapait na pagdadalamhati."
"Ano?"
Hindi naintindihan ni Madeline. Nakikita lamang niya ang puting nyebe na bumabagsak mula sa langit, nahaharangan ang itsura ni Jeremy sa kanyang paningin sa sandaling ito.
"Kilos." Bigla nitong iniutos, habang galit na binalewala si Madeline.
Kaagad na narinig ni Madeline ang tunog ng pagtama sa isang batong pader. Lumingon siya at nakita niya ang ilang mga bodyguarf na sinisira ang libingan gamit ng batong martilyo at mga pait.
Mayroong "boom" sa isipan ni Madelkne, at nagblangko ito.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman