Login via

As Long As My Heart Beats novel Chapter 6

“OUT OF SIGHT, out of mind.” Giit ni Brett sa sarili saka pumasok na sa kanyang opisina matapos niyang makatanggap ng text message mula kay Katerina na may importante itong lalakarin kasama ng kadarating pa lang sa bansa na manager nitong si Elaine. Kaya hindi na muna ito makakatugtog mula alas-dyes hanggang alas-dose ng tanghali.

Ayon kay Katerina, hahabol na lang daw ito sa second set ng pagtugtog na alas-sais ng hapon hanggang alas-dyes ng gabi. Pumayag na rin siya tutal naman ay nakabalik na mula sa honeymoon nito ang business partner niyang si Luis na siyang hahalili na muna sa dalaga. Marunong rin itong tumugtog.

Besides, Brett found it a good idea not to see Katerina for the next couple of hours. Dahil nalilito na siya sa samu’t saring nararamdaman tuwing kasama niya ito. With her, everything seems… in place. At ikinatatakot niya iyon. When he offered her his friendship three months ago, he was sure that it would benefit the both of them. Sa nakalipas na mga buwan ay napatunayan niyang hindi nga siya nagkamali.

Dahil unti-unti, pakiramdam niya ay nakakalimot na siya. It was Katerina’s forte. He tends to forget almost everything when she’s around. Ang alam niya na lang ay kuntento at masaya siya. Pero hindi niya inaasahan ang biglang pamamakialam ng kanyang puso. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang hindi niya mapangalanang damdaming iyon. Ang alam niya lang ay hindi niya nagugustuhan ang mga humahangang tingin rito ng ibang mga lalaki pati na ang ilang mga bulaklak na natatanggap nito mula sa mga customer nila.

Three months ago, Brett was sure that all he wanted was to befriend Katerina but three months after, he was beginning to doubt it.

Damn it! Naiinis na sumandal siya sa kanyang swivel chair at nahahapong ipinikit ang kanyang mga mata. “Whatever this feeling is, it’s gonna drag me straight to hell!”

“Ang alin?” Napadilat siya nang marinig ang naaaliw na boses na iyon ni Luis. Lalo siyang nainis nang hindi man lang namalayan ang pagdating nito. “Is this about our infamous pianist?”

Marahas siyang napabuga ng hangin nang maulinigan ang panunukso sa boses nito. Mag-iisang linggo na rin mula nang makilala nito si Katerina. Sa loob ng maikling sandali ay nakagaanan na nito ng loob ang kaibigan niya.

“Stop it, man.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Luis. “Mukha naman siyang mabuting tao, Brett. May bonus ka pa dahil supermodel siya.” Ngumisi ito. “Isa-isahin nga natin ang mga sintomas. Una, nagseselos ka kapag may lumalapit sa kanyang iba. Pangalawa, mahuli lang siya nang ilang minuto sa trabaho, nag-aalala ka na, tinatawagan mo na siya agad. Pangatlo, hinahatid-sundo mo na siya mula nang malaman mong may nag-alok sa kanyang maghatid na customer noong isang araw. Pang-apat at ang pinakamahalaga sa lahat, nagla-lie low ka sa panlalapa ng tao kapag nasa paligid siya.”

Parang namamanghang lumapitsi Brett sa kanya at pinakatitigan siya. “Nagmamahal ka na nga, bro! Congrats, normal ka na!”

Nanigas siya sa kinauupuan. Nang makabawi ay natetensiyon na umiling siya. “I’m not in love with her, Luis.”

Umarko ang isang kilay nito. “Fine, convince yourself until you’re finally convincing.”

Kumakabog ang dibdib na tumayo siya. “Kilala mo ako, Luis. I live in a world where love doesn’t exist. That freaking four-letter-word is just a prelude to a never-ending agony.” Maanghang na sinabi niya. “Katulad nang nangyari kay Papa.”

Pero kinagabihan, nang sumapit ang alas-otso at wala pa rin si Katerina ay nag-aalalang naghintay na siya sa pagdating nito sa labas, ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagpintig na namang iyon ng kanyang puso na agad rin niyang nalimutan nang makitang may ibang lalaki itong kasama na siya pang naghatid rito.

At nang makita niya itong ngumiti sa estranghero, ang ngiting sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi niya maintindihan kung bakit pinananabikan niyang makita ay na-realize niyang… tinamaan na nga siya. Heck!

He was on stage every single day, hiding behind his ogre mask, pretending he was alright. But it only took a few moments with her and he had to stop the act. Dahil ngayo ay kailangan niya nang aminin sa sariling nalulungkot siya at miserable siya. At tanging si Katerina lang aang makakapawi ng lahat ng iyon.

But looking at her right now, two new feelings came into the surface, that ache in his heart for the woman who was now walking towards him and that fear that overwhelmed him. Dalawang mga rason kung bakit ayaw niyang magmahal at magpasakop sa isang tao.

Nag-aalalang lumapit sa kanya si Katerina. “Brett, si Andrei ‘yon. Nakilala ko lang siya nang-“

“It doesn’t matter. You’re late.” He formally replied though what his heart really wanted to say was… I love you, Kate. And seeing you with someone else matters… so damn much because it hurts.

NANG MATAPOS na sa pagtugtog si Katerina ay kinakabahang nagpunta siya sa opisina ni Brett. Nang makailang katok na siya pero wala pa ring sagot mula sa loob ay lakas-loob na binuksan niya na ang pinto.

Parang may mga maiinit na kamay na humaplos sa kanyang puso nang makitang nakapikit si Brett habang nakasandal sa swivel chair nito, may nakasuot na headphones sa magkabilang tainga nito. Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya kasabay nang unti-unti ring pagbagal ng paghakbang niya patungo rito. Napakagwapo talaga nito.

For the past months, Brett allowed her to see the real man behind his tough façade. At ang mga nakita niya ay malayong-malayo sa Shrek na pagkakakilala ng mga tao rito. He cares. He just had a different way of showing it. May malasakit ito sa mga tao at natatakot itong ipakita iyon dahil natatakot itong abusuhin ito at masaktan katulad ng naranasan ng ama nito.

Chapter 6 1

Chapter 6 2

Comments

The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats