Login via

As Long As My Heart Beats novel Chapter 5

“TONIGHT, I JUST want to be… Brett again. Not the ogre, not the Shrek, just the same Brett from fourteen years ago.” Nahinto sa pagbubukas ng pinto ng kotse niya si Katerina nang marinig ang pagsulpot ng boses na iyon na para bang nagmumula sa kanyang likuran.

Nanatili pa siya roon pagkaalis ni Brett dahil pinakiusapan siya ni Margie na isabay niya ito sa pag-uwi. Madaraanan niya rin naman ang bahay nito papunta sa apartment niya kaya pumayag na rin siya. Pero nagkaaberya sa tiyan nito kaya napilitan itong buksan uli ang restaurant para magbanyo. Mabuti na lang at bukod sa guard ay kay Margie rin ipinauubaya ang susi ng Buddies’.

“Ang dami kong mga bagay na nalimutan na sa gabing ito, gusto kong matandaan.” Sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na iyon mula nang tanggihan ni Brett ang cake na dala ni Katerina ay sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya. She was glad he listened. She was glad… he came back.

“May dalawang oras pa. If it’s not too much to ask, will you stay with me?”

Humarap siya kay Brett. Matagal niyang tinitigan ang gwapong mukha nito. For the first time, she was able to see right through his eyes. Malungkot ang mga mata nito habang deretsong nakatitig sa kanya. Right at that very moment, his eyes betrayed his nasty treatments.

Tatango na sana siya nang maalala si Margie. “Pero nangako kasi ako kay-“

“Okay lang sa ’kin, Kate.” Ani Margie na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila. “Tinopak ang boyfriend ko, na-realize niya na yata kung sino siya sa buhay ko. ‘Ayun, nagpanggap na nagmamalasakit. Susunduin niya raw ako.” Nakangisi itong nag thumbs-up sa kanya pero agad rin itong pumormal nang humarap kay Brett. “Mag-ingat po kayo, sir.”

Tumango lang ang lalaki pagkatapos ay inakbayan na siya patungo sa sasakyan nito matapos niyang i-lock ang kotse niya. Muli siyang napangiti. So Brett was gentleman after all.

“Saan tayo?”

Napasulyap si Katerina sa kanyang wristwatch. “Ten-thirty na, wala nang mapupuntahan sa ganitong oras.” Ilang saglit siyang nag-isip bago pumitik sa ere. Nangingislap ang mga matang nilingon niya ang lalaki. “Kung gusto mo, sa favorite place ko na lang?”

“Saan?”

“Sa orphanage.” Kinindatan niya ito. “Magpa-ampon na muna tayo sa kanila.”

INILATAG NI KATERINA ang kumot na hiniram niya sa mga madre sa damuhan pagkatapos ay naupo siya sa ilalim ng puno ng narra. Pinagpag niya ang space sa tabi niya at sinenyasang maupo ang nakakunot-noong si Brett.

Dis-oras na ng gabi kaya ang mga madre na lang ang naabutan nilang gising dahil nagno-nobena pa ang mga ito. Ang mga ito ang nagbukas sa kanila ng gate. Nakasanayan na ng mga ito ang biglaan niyang pagsulpot sa orphanage kapag nasa bansa siya, lalo na kapag inaatake siya ng lungkot sa kanyang apartment.

“You call this your favorite place?”

Napangisi si Katerina. “Yup.” Ibinukas niya ang mga braso. “Presko ang hangin sa dami ng mga puno rito, nakaka-relax.” tumingin siya sa kalangitan. “At masarap rin mag-stargazing.”

“Pero common na lang ang ganitong tanawin.”

Nahiga siya sa kumot habang nanatiling nakatitig sa langit. She remembered doing the same thing years ago while asking herself what life would have been if she was someone else. Would she still take some time to gaze at the stars and appreciate their beauty?

“Sa dami ng lugar na napuntahan ko, tama ka. Common na nga lang ang ganitong scenery.” Napatangu-tangong sinabi niya. “But this place will always be the loveliest for me because this is my home.”

Nang maramdaman niyang naupo na si Brett sa tabi niya ay humarap siya rito. Sa liwanag na nagmumula sa buwan pati na sa mga ilaw na ikinalat sa buong orphanage ay kitang-kita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Nagkibit-balikat siya. “This isn’t about me.” Bumangon siya at kinuha ang kahon ng cake na tinanggihan nito. Binuksan niya iyon at gamit ang hintuturo ay tinikman iyon. Muli siyang napangisi nang makita ang pagkagulat nito. “What? You hate cakes, right?”

Sa pagkasopresa niya, kumuha rin ito mula roon gamit rin ang sariling daliri at tinikman iyon. Ngumiti ito. “This tastes good, Kate. Thank you.”

Natigilan siya. It was not the way he called her by her nickname though she must admit when it came from him, that sounded sweet. It was the simple way he smiled, that good-natured smile she has missed for a long time. Pakiramdam niya, saglit na huminto sa pagtibok ang kanyang puso. There was light in his dark eyes when he smiled and she was mesmerized.

Nakakahawa ang ngiti ni Brett at kay sarap pagmasdan kaya naman laking panghihinayang niya nang bigla na lang iyong mabura. Napalitan iyon ng makulimlim na namang anyo nito. “I used to love cakes, you know, because my Mom used to bake.”

“Ano’ng nangyari?”

“She left.” Nagtagis ang mga bagang nito. “And boom. Shrek was born.”

“WHEN I SAVED your life on the bridge that night, she ruined mine.” Marahas na napabuga ng hangin si Brett para pigilan ang pagbangon ng poot sa dibdib. Nilingon niya si Katerina nang manatili itong tahimik.

Ngayon niya na lang binuksan ang bahaging iyon ng buhay niya sa iba. Ang una’t huli ay sa kaibigan niyang si Luis, na lasing pa siya nang umamin kaya hindi niya na maalala ang naging reaction nito. Pero ang nakikita niya sa mga mata ni Katerina nang mga sandaling iyon… sa palagay niya ay palagi niya nang maaalala.

Walang bahid ng panghuhusga ang mga mata nito para sa kanya man o sa kanyang ina. Sa halip ay puno ng pang-unawa ang mga iyon at… pagtanggap. Hinawakan nito ang palad niya, damang-dama niya ang init na nagmumula roon. Nang ngumiti si Katerina, pakiramdam niya, unti-unting nalusaw ang yelo sa puso niya. Her smile was warm and encouraging… making him little by little, unfold his story.

“It all started when you first saw me during my nineteenth birthday.” Binuksan niya rito ang kanyang nakaraan. Wala siyang itinira o iniwang isa mang detalye. “Since then, I never celebrated it anymore.” Pagtatapos niya sa kwento.

Kumunot ang noo ni Brett nang ilang sandali na ang lumipas ay wala pa rin siyang narinig na komento ni Katerina. “Bakit natahimik ka?”

“Wala akong masabi. Wala naman kasi akong… birthday.” Kimi itong ngumiti. “Natagpuan lang ako ni Inay sa tapat ng kanlungan ng mga madre noong dalawang taon daw siguro ako. Ipinagpilitan niyang ituring ko ang araw na ‘yon bilang birthday ko pero ayoko.” Nagkibit-balikat ito. “I celebrate all the important occasions but I never really celebrate my birthday. Ayokong dayain ang sarili ko. Malulungkot lang ako.”

Natahimik si Brett. Bigla, nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. He was too caught up by his own pain that he has forgotten the reason why Katerina almost jump off the bridge fourteen years ago.

“Noong gabing nagkita tayo, kamamatay lang ni Inay, all the more reason why I didn’t want to celebrate. Wala na kasi siya para mamilit sa ’kin na maghanda ako. That night, I was running from her husband. He was high on drugs and he was…” Her voice trailed off. Tumingala ito sa kalangitan. “He was trying to rape me.” Tumulo ang mga luha nito pero maagap nitong pinunasan ang mga iyon. “Good thing I met you. ‘Yong perang ibinigay mo sa ‘kin, ipinamasahe ko papunta rito. Nagpaampon ako rito. And that was how I survived the past years.”

Brett wanted to say something but damn it, he was lost for words. Ang alam niya lang ay ngayon niya ipinagpapasalamat na nagkita sila ni Katerina noong gabing iyon. He was glad he was there. Pero kasabay niyon ay gusto niyang hatakin pabalik sa nakaraan ang dalaga at suntukin ang amain nito. Nagtagis ang mga bagang niya. Damn that bastard for making her-

Natigilan siya nang biglang matawa si Katerina. “Will you stop that murderous look in your eyes? Anton’s dead, hindi ko alam kung bakit. Nalaman ko na lang na patay na siya nang bisitahin ko ang puntod ni Inay. Magkatabi sila ng puntod. He died eight months after I left.”

“Good for him.”

Sumeryoso ang mukha ni Katerina. “So, you see… hindi lahat ng nakangiti, masaya. Minsan, defense mechanism na lang namin ‘yon para hindi malaman ng iba na deep inside, nalulungkot kami.”

He sighed. He realized he had been an insensitive jerk. Pero may magagawa pa siya para sa kanila. Napasulyap siya sa relo niya. Halos limang minuto pa bago tuluyang mag-alas dose ng gabi. Mahigpit na hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagtatakang tinitigan siya nito.

Chapter 5 1

Chapter 5 2

Chapter 5 3

Comments

The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats