"DIANA, kung ayaw mong makasama ako, aalis ako. Hindi mo na kailangang gawin pa ito." Tumaas-baba ang dibdib ni Alexis na para bang nagpipigil ng emosyon. "Kung gusto mo, kahit ngayon, aalis ako. Basta bumalik lang tayo sa bahay-"
"Sa bahay na kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko." Hindi napigilang sinabi ni Diana. Halos lahat ng kagamitan sa bahay na iyon ay regalo ni Alexis. Bukod doon, ang binata mismo ang nag-design ng bahay. At araw-araw ay nakikita niya pa ito. "You are in every corner, in every space. Kahit nasa kwarto ako, 'yong mga gamit doon, may alaala mo pa rin. You are everywhere, Alexis."
"And you hate that now." Hindi nagtatanong kundi nagkukumpirmang sagot ng binata. "Sinadya kong punuin ang bahay mo ng mga regalo ko. You're always in this place. At hindi naman ako parating nakakasama sa 'yo rito kaya gusto ko, kahit na nandito ka, maaalala mo pa rin ako. Na maisip mo na kahit hindi tayo magkasama, hindi ka nag-iisa. I'm with you the same way that you are always with me, Diana. Kahit nasa gitna ako ng meeting, ikaw ang naiisip ko. And then suddenly, everything will just be about you. My head will be filled with thoughts of you." Ngumiti ito. "Senyales na siguro 'yon na noon pa man, mahal na kita-"
"Tama na." Tinakpan ni Diana ang kanyang mga tainga kasabay ng pagtalikod kay Alexis. Napahawak siya sa kanyang dibdib na kay bilis ng tibok nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam na darating ang panahong matatakot na siya sa sariling nararamdaman, sa sariling puso. Natatakot na siyang pagbigyan iyon uli. Dahil natatakot siyang sumablay iyon uli. "Ayoko nang makinig."
"Pero kailangan, Diana."
Muling naramdaman ni Diana ang buhos ng ulan. Ang akala niya ay umalis na si Alexis. Pero mayamaya lang ay naramdaman niya ang binata sa kanyang likod. Marahan nitong inalis ang mga kamay niyang nakatakip sa kanyang mga tainga.
"We can do this forever, you know. I can talk to you forever and you can forever pretend that you're not hearing me, kung tungkol lang din sa ating dalawa ang mga sasabihin ko. Pero hindi. This involves Jake, too. Tumawag siya kanina. Gusto niyang makausap ka pero hindi daw siya makaalis ng ospital. Nakiusap siya sa akin na ihatid kita pabalik sa Maynila... pabalik sa kanya." Bumakas ang insecurity sa boses ni Alexis. "Magpapahatid ka ba?"
"Hindi ko alam." Bumitaw si Diana mula sa pagkakahawak ni Alexis. "Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko." Nagsimula na siyang humakbang palayo pero natigilan siya nang humabol ang binata. Bigla na lang siya nitong niyakap mula sa kanyang likod. Namasa ang mga mata niya. "Axis..."
"I've missed hearing you call me that way." Bulong ng binata. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Diana, I'm scared."
So am I, Axis. So am I.
Natatandaan niya na. Ganoong-ganoon ang binata nang magkita sila uli matapos ang ilang buwan na bakasyon niya mula sa Italy. Sinalubong siya nito sa gate ng townhouse niya at niyakap nang ganoon rin kahigpit. Iyon ang gabi na inihatid siya ni Jake matapos nilang mag-date. Ibig sabihin ba ay nakita na iyon ni Alexis noon kaya ganoon na lang ang naging reaction nito?
"Nagsinungaling ako sa 'yo."
"What?"
"Nagsinungaling ako sa 'yo nang sabihin kong aalis ako kapag sinabi mo. All these stupid time, ang akala ko ang pangarap ko ay ang matanggap at ma-acknowledge ng mga magulang ko. Nagkamali ako. My dream was to be with you. I realized that now. Don't let me go, Diana. Please. I don't want to go. I don't want to let my dream go."
"I'm selfish. I knew you were in love with me and yet I stayed by your side. Narinig kitang umamin noong inihatid kita sa inyo noong maglasing ka kasama ni Laurice noon bago ang Valentine's party natin sa Academy."
Sandaling hindi nakakilos si Diana sa narinig. Nang matauhan siya, kinalas niya ang mga braso ni Alexis na nakayakap sa kanya kasabay ng pagharap niya rito. Higit na lumakas ang buhos ng ulan kasabay ng pagbuhos rin ng mga damdamin nilang para bang ngayon lang nakalaya. Basang-basa na ang binata tulad niya.
Pinakatitigan niya si Alexis kasabay ng pagguhit ng mapaklang ngiti sa mga labi niya. "Noon pa pala ako nawalan ng pride sa harap mo-"
Napailing si Alexis. "No, Diana. That just goes to show na noon pa ako nagpapakagago. Kahit na alam kong nasasaktan ka kapag nasa malapit ako, kahit na alam kong mahihirapan kang makalimutan ang nararamdaman mo dahil sa presence ko, nanatili ako sa tabi mo. Siguro dahil deep inside, ayoko talagang makalimutan mo ang nararamdaman mo para sa akin. Maybe because deep inside, I wanted you to wait for me until I can finally manage to accept myself and to accept the fact that I can really have you... that I can deserve you."
Comments
The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana