Login via

Don't Let Me Go, Diana novel Chapter 16

SA HINDI na mabilang na pagkakataon sa araw na iyon ay para bang kinapos ang paghinga ni Alexis matapos buksan ang pinto ng kwarto ni Diana. Tama ang kanyang hinala. Sa farm house nga ito matatagpuan. Mula noon hanggang ngayon, ang lugar na iyon ang nagsisilbing hideaway nito. Nauna nang nagpunta doon ang mga magulang ni Diana pagkagaling nila sa ospital kung saan dinala si Janna, ang anak nina Lea at Jake.

Bumalik na muna siya sandali sa kanyang condo unit at kumuha ng ilang mga gamit para sa pinaplanong pagsunod kay Diana. Nang papunta na siya sa Tagaytay ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ina ng dalaga na hindi rin daw nagtagal ang mga ito sa farm house dahil ginusto ni Diana na mapag-isa. Pero nag-aalala pa rin nang husto sina tito Lino at tita Martha kaya binilinan siyang bantayan ang dalaga na siya naman talagang gagawin niya kahit hindi pa sabihin ng mga ito. Malaki ang pasasalamat niyang gaya ng dati ay sa kanya pa rin ipinagkakatiwala ng mga ito si Diana.

"Why didn't you tell me?" bigla ay pumasok sa isip ni Alexis na tanong kay Lea nang makausap niya ito sa ospital. Hindi niya pa agad napuntahan ang ex-girlfriend dahil agad silang nagkagulo ni Jake nang makita siya nito sa pasilyo. Sinugod siya nito at sinuntok na agad niya rin namang ginantihan. Kung galit ito puwes, galit rin siya. Kung tutuusin sa pagitan nila ay higit ang panlolokong ginawa nito kay Diana.

Kung hindi lang nakialam si tito Lino ay baka nagtatalo pa rin sila ni Jake hanggang sa mga sandaling iyon. Pero kahit ang umawat sa kanilang matandang lalaki ay kinailangan niya ring pigilan kalaunan nang ito naman ang galit na galit na sumuntok kay Jake.

Napailing si Alexis sa naisip. Ibang klase rin talaga ang ama ni Diana. Nang makalapit na siya kay Lea ay nalaman niyang unconscious pa rin ang anak nito. Kahit pa nabigyan na ng paunang lunas ang bata ay hindi pa rin daw nakasisiguro ang doktor sa laki ng damage na nangyari sa ulo ng bata hangga't hindi pa iyon nagkakamalay.

"Falling in love is really frustrating, isn't it? It's frustrating that you can't use your head." Sa halip ay para bang napapagod na sagot ni Lea habang magkatabi silang nakaupo sa labas ng recovery room. "Pareho lang tayo. Kayo ni Diana ay para ring kami ni Jake. We used to be the best of friends. Magkababata kami. Maayos ang takbo ng lahat hanggang sa may isang tangang nabiktima ni kupido. Obviously, ako 'yon." Natawa ito. "Janna is the result of me crossing the line when Jake was drunk one crazy time. Hindi na kami bumalik sa dati pagkatapos niyon. Pinanindigan niya ang pagiging ama kay Janna pero ako, parang hindi niya na kilala pagkatapos.

"Pinilit kong magmahal ng iba sa nakalipas na mga taon. When we became together, I've tried so hard to work things out the way you did. Pero hindi naman 'to maloloko." Itinuro ni Lea ang kaliwang dibdib. "Nang malaman kong ikakasal na siya, inilihim ko 'yon kay Janna dahil ayokong masaktan 'yong bata na umaasang isang araw, mabubuo kami. Parehas nga kasi tayo sa maraming bagay. Napapasaya siya ni Diana kaya hindi na ako naghabol."

Nilingon siya ni Lea. "Naalala mo nang magkita tayo sa Palawan noong iniiwasan mo pa si Diana bago ang kasal? Ganoong-ganoon ako kay Jake noon. I also thought that Diana was perfect for him the way you thought the same thing about Jake. Hindi ko inamin sa 'yo ang tungkol kay Janna dahil ayokong magkagulo pa. Nang araw na dumating ka sa simbahan, nasa kotse kami ni Janna noon. Wala pa siyang idea na Daddy niya ang ikakasal sa simbahang 'yon. I was waiting for a sign. Dahil sa huling sandali, natakot akong matuloy ang kasal. I've been praying so hard... na sana may isa pang tangang nagmamahal na gaya ko na magsasalita. At saka ako kikilos. I've been praying for the heavens that you come, Alex. And you did. Thank you. Naging kontrabida tayo sa paningin ng lahat ngayong araw. Pero ayokong magsisi. Dahil ginawa ko 'yon para kay Janna. Para sa puso ko."

Napahugot ng malalim na hininga si Alexis sa naalala. Ilan pa kayang tangang nagmamahal sa mundo ang gumawa rin ng katangahan tulad ng ginawa nila ni Lea?

Binuksan niya ang ilaw. Madilim na madilim sa buong dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy nang dumating siya roon. Siya mismo ang nag-design ng bahay na iyon ayon na rin sa kahilingan ni Diana na parating natutulog roon tuwing Sabado at Linggo. Nang lumiwanag, agad niyang nakita si Diana na nakaupo sa ibaba ng kama. Nakasubsob ang ulo ng dalaga sa mga binti nito. Suot pa rin nito ang wedding gown nito.

Nagsisikip ang dibdib na nilapitan ni Alexis ang dalaga. "Diana..." Buong pagmamahal na inangat niya ang mukha nito. Nakapikit ito pero alam niyang gising pa ito. Patunay na roon ang naririnig niyang paghikbi nito. Nang hindi na makapagpigil, ikinulong niya ito sa mga bisig nito. "I'm so sorry."

Ilang sandali pa, naramdaman niya ang pagpupumiglas ng dalaga. Pinagsusuntok siya nito sa kanyang likod nang hindi niya pakawalan.

"I hate you! I hate you so much!" Nabasag ang boses ni Diana. "Sinanay mo akong lumalapit sa 'yo tuwing nasasaktan ako. Sinanay mo akong sinasandalan ka. Sinanay mo akong nandyan ka parati. Kaya ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dahil paano ko ba lalapitan at sasandalan ang mismong taong dahilan kung bakit ako nasasaktan?"

Chapter 16 1

Chapter 16 2

Chapter 16 3

Comments

The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana