Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 12

Kabanata 11:

Kilalanin

_________

Clarity

Nakatutok lang ang buong atensiyon ko sa computer na nasa harapan ko. Hindi naman ako nagtatrabaho ngayon dahil break time at pag-search lang ng kung ano ang ginagawa ko.

Deity.

Balang araw gusto kong maging ganyan ang anak ko. Pero, paano naman magiging ganyan ang anak ko kung hindi ako imortal? Hays.

God or Goddess.

" Hey, what are you doing? "

Bumukana ang pintuan at niluwa noon si Kier. Sa mga nakalipas na panahon, hindi nagbabago ang routine naming dalawa. Hahatiran niya ako ng pagkain tapos sabay kaming kakain.

" Wala naman. Nagse-search lang ng... basta kahit ano. "

Binalik ko ang atensiyon ko sa computer at paulit tinitignan ang kahulugan ng deity.

" Ohhh. Deity? "

Nilingon ko siya at nakita kong naka-ngisi siya sa akin ngayon. Kinunutan ko siya ng noo kaya humagikhik siya ng tawa. Problema niya?

" You know, wala pa akong alam sa fiance ko eh. Kikilalanin muna kita Kier. "

Nakita kong lumunok siya kaya bahagya akong ngumiti. Sa loob ng isang buwan, hindi ko man lang naitatanong kung ilan taon na siya or what. Yung mga mahahalagang bagay na kailangan kong malaman ay hindi ko pa alam.

" Fine. "

" Okay. Let's do fast talk. "

Pfttt. Fast talk? Mukha ba kaming nasa T.V show tapos kami ang guest? Parang ganun nga.

" Black or White? "

" Red. "

" Dancing or Singing? "

" Nah."

" Sex or Chocolate? "

Biglang siyang naubo dahil sa tanong ko. Bakit? Wala naman akong nakikitang mali sa tanong ko. Inabutan ko nalang siya ng tubig at agad niya iyong ininom.

" C-chocolate. "

" Lights on or Lights off? "

" What are you saying, dumpy?! "

" Just answer me, Kier! "

" L-lights off. "

" Maanghang o matamis? "

" Sweet. "

" Past or Pre--- "

" Shut up, dumpy. Now, my turn. Huh?! "

Lumunok naman ako dahil parang hindi ko afford ang mga tatanungin niyang mga bagay.

" Am I handsome? "

" Huh?! "

" Answer me! "

" Y-yes. "

" Basketball or Soccer? "

" Basketball. "

" Truth or Lie? "

" Lie. "

" Heels or Flat? "

Tumango nalang ako dahil sa sinabi niya. Okay lang naman kung ayaw niyang sabihin ngayon. Maybe sooner or later sabihin niya rin naman.

" Wala naman akong lahi. Sino nga pala parents mo? "

" Criyanlie Strorch and Nate Strorch. "

" Ahhh. Ang nanay ko naman si Queenly Fuentabella at ang tatay ko naman ay si Lei Fuentabella. Nasaan na nga pala sila? "

" Somewhere. Where are your parents? "

Bigla akong napayuko dahil sa tinanong niya. Naalala ko na naman. Wala na nga pala sila. Hindi ko alam kung nasaan ang kapatid ko, si Tiya Miling naman hindi ko rin alam kung nasaan.

" Patay na sila. Hahaha. Okay na 'yon. Change topic. Ahm... ilan na ex mo? "

Tinignan niya ako at biglang ngumisi. Tama lang naman na malaman ko yon diba? Ako nga wala pang nagiging boyfriend kahit kailan! Mga flings palang noh!

" Nah. "

Anong sabi niya?! Paki-rewind?! Wala pa siyang ex-es? Ano yon?! Baka jinojoke lang ako ng gwapong nilalang na nasa harap ko. Hmpp. Kalimutan niyo ang sinabi kong gwapo siya.

" As if. Shuu! Bakit ba Ingles ng Ingles? Wala ka naman sa America diba? "

" I want to. "

" Pwede bang mag-Tagalog ka nalang? "

" I'll try. "

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng saya dahil sa sinabi niya. Akala ko kase baka barahin niya lang ako samaan ng tingin. But he will try.

" Last question, who's Sarfie in your life? "

" S-special Friend. "

Yumuko ako dahil sa sagot niya. Special Friend? I get it. Siguro may past silang dalawa. Mahal niya siguro si Sarfie. Kung hindi kaya ako dumating, yayayain niya pa akong magpakasal sa kanya? Wala nga akong ideya kung bakit niya nalang ako biglang niyayang magpakasal.

Kaya pala ganoon si Sarfie. Now I know kung bakit niya ako tinatarayan. Nagmumukha tuloy akong rebound nito ngayon.

" Ahh. Si-- "

Pinutol niya ang sasabihin ko at hindi ko naiwasang makilig nang dahil sa sinabi niya.

" Yeah. She's my friend. But you're my future wife. She can't do anythings about it. "

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride