Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 13

Kabanata 12:

His Siblings

---

Clarity

Nandito ako ngayon sa loob ng office ko. Hindi ma-process ng utak ko lahat ng sinabi ni Kier. Hays. Pinapagulo niya ang isip ko.

From: CELINEPANGET

Bessy:* Punta ka dito sa bahay. Usap naman tayo, miss na kita eh:(

Napangiti ako dahil sa text ni Celine. Namimiss ko na rin naman 'tong babaeng 'to kaya pupunta nalang ako mamaya.

To: CELINEPANGET

Yah! Pupunta ako. Maybe 4 pm? Loveyoucxz!

Pinatay ko ang cellphone ko nang mag-send na ang message ko sa kanya.

" Hey! "

Lumingon ako sa pintuan ng office ko at nakita ko si Kier na nakangiti habang palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang buhok ko.

" What's up? "

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Parang hini-hypnotize ako ng mga magaganda niyang mata. Hindi ko kayang tignan.

" Look at me, dumpy. "

" Ahm... "

Inangat niya ang mukha ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Nakaka-adik.

" You know my siblings? Pupunta tayo sa bahay namin dahil gusto ka nilang makilala. "

Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Siblings? As in? Iniisip ko palang ngayon, parang hindi ko kayang harapin ang mga kapatid niya.

" T-today? "

" Yah. Why? "

" N-nothing. "

Ininom ko ang kape ko sa lamesa at binalik ko nalang ang atensiyon ko sa computer na nasa harapan ko.

" Pakasal na tayo. "

Bigla kong naibuga ang iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. Ano daw? Bigla-bigla nalang siyang nagsasalita ng walang-pakundangan!

" N-nagmamadali ka?! "

" Yeah. As soon as possible. "

" Bakit? "

" I have to. Para lumakas ako. "

" L-lumakas? "

Natigilan naman siya bigla. Anong lumakas ang sinasabi niya? Sa paningin ko pa nga lang ay kaya niyang magbuhat ng maraming bakal, anong lumakas ang sinasabi niya?

" Nah. Kalimutan mo nalang. "

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Ang weird niya ngayon ah. Kung anu-ano ang sinasabi niya na wala sa hulog. Hindi ko maintindihan.

---

" Come here. "

Humawak ako sa laylayan ng damit niya habang pumapasok kaming dalawa sa bahay nila. No scratch that! Mansyon to! Ang laki-laki nito. Parang wala pa sa bahay ko.

" K-kailangan ba talaga to? "

" Yeah. "

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila at hindi ko mapigilang mamangha. May ganito pa palang Mansyon na nag-eexist.

" Rintrayasan? "

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride