Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 24

Kabanata 23:

The Letter

_______________

Clarity

"Clarity?"

"H-huh?"

Nabalik ako sa wisyo ng kinalabit ako ni Alley. Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nakita ko kanina pero wala na siya.

Is that him?

Napailing nalang ako. Illusion ko lang 'yon. I know that i'm longing for him pero sapat na ba yon para mag-ilusyon ako ng mga bagay-bagay. Tss. Baliw na nga ako.

"Ano ba kaseng tinitignan mo?"

"W-wala. Tara, kain na tayo."

Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa may makasalubong kaming couple ni Alley. Nong una ay hindi ko pa yon pinapansin pero nahagilap ko ang mga nasa braso nila.

Yung nakasulat sa braso nila Ethan! Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit meron rin silang ganon?

Agad kong hinabol yung dalawa. Nang mahabol ko sila ay agad ko silang hinawakan sa balikat pero laking gulat ko nalang ng tutukan nila ako kutsilyo.

"Who are you?!"

"I'm C-clarity..."

Hinatak nila ako sa kung saang lugar kaya bigla akong naalarma. Damn! Paano na si Alley?!

"S-saan niyo ako dadalhin?"

Tumigil kami sa isang lugar na sa tingin ko ay hindi masyadong dinaraanan ng mga tao. Nilibot ko ang paningin ko dito at hindi ko napigilang kilabutan.

Lumingon ako sa dalawa at nakita ko silang masamang nakatingin sa akin, "Súlpilō damìeń alpháneśo?"

"Vímâr."

"Kultésìmantrê búlfém jónmág zkúlímhís!"

"Vímaÿo! Mayfer, çelpímó hàxdò!"

Parang lalabas ang puso ko sa rib cage dahil sa sobrang kaba ko. Pinakinggan ko lang ang sinasabi nila dahil hindi ko naman maintindihan kung anong sinasabi nila.

Lumapit sila ng lumapit hanggang sa ma-corner nila ako sa pader. Nagtataas-baba ang dibdib ko dahil sa takot. No no! Hindi ko hahayaang mamatay lang ako dito ng walang ginagawa.

"Ikaw ang may kasalanan kaya humina ang Blisk Dynasty! You hurt our alpha!"

Pinunasan niya ang bibig niyang punong-puno ng dugo bago lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw dahil baka kagatin niya rin ako, "Huwag kang magpakita sa kapatid ko, ano mang mangyari..."

"Where's Kier?"

Lumingon sa akin si Leewier at bigla siyang ngumisi. Yung ngising nakakatakot, "You don't have to know where he is. Mind your own business because in the first place, you just use him. And forget him too because now? He wouldn't recognize you."

NAKATINGIN ako sa kawalan habang pilit na inaalala ang nangyari kaninang tanghali. Totoo ba talaga iyon? Walang halong biro? Ilang taon kong hindi nakita si Leewier at aaminin kong mas gumanda siya ngayon pero kung aalamin mo ang pagkatao niya, pangit.

Hindi ko matapos-tapos ang report na pinapagawa ni sir Mark dahil wala ako sa tamang wisyo ngayon. Kailangan na nga pala niya ito bukas. Damn! Bakit ba ang daming problema?!

At ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi ako maaalala ni Kier? What's that?! Did I do something wrong to the point the he wouldn't recognize me?

Tinignan ko ang papel na binigay sa akin ni Leewier bago niya ako iniwan sa eskinitang iyon. Hindi ko sana tatanggapin pero pwersahan niya itong nilagay sa kamay ko. I sighed heavily. I want to see Kier. I badly miss him.

Dahan-dahan kong binuksan ang papel at kumunot ang noo ko. What's the meaning of this?

To: CL

       Kung mababasa mo man ito Clarity, congratulations! You did a great job.

-HL

Nanlaki ang mata ko dahil sa sulat. Anong ibig sabihin nito? At ang mas pinagtataka ko ay kung bakit ko nabasa ang papel na blangko?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride