Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 25

Kabanata 24:

Kaleb and Blake

_____________

Kaleb

"Anak, kumusta naman ang iyong kapatid?"

"Huwag kang mag-alala, Ina. Ayos lang si Clarity."

Kasalukuyan akong naka-upo sa isang sofa habang pinagmamasdan ang mga Prekh na gawin ang kanilang trabaho. Ang kausap ko ay ang aking ina, si Queenly.

I'm not dead. Hindi rin ako nawala nang ika-pitong kaarawan ni Clarity dahil ang pumalit ay si Blake or let's say, me. Mahirap paniwalaan dahil malayo ang agwat ko sa kanya. Habang nagbibihis si Clarity ay ang pagpunta ng Sierra sa bahay namin.

*Flashback*

"S-sierra?"

Ngumiti sa akin si Tita Criyanlie ng makita niya agad ako. Hinawakan niya ako sa balikat at humagulgol siya ng iyak.

"T-tita? Ano pong problema?"

"K-kaleb, your mother and your father got kidnapped. The Drekys.. Sila ang may kagagawan nito."

"P-po?"

"That's true. We need you Kaleb... You're the prince... you can defeat them."

"H-how about Clarity? Today is her birthday---"

"I know. You can replace yourself, Kaleb. Leave your soul here..."

"H-huh?"

"I know what to do. Come with me."

*End of Flashback*

Hindi ko pinagsisisihan na iniwan ko si Clarity nang kaarawan niya. Iniwan ko ang kaluluwa ko doon para mabantayan pa rin siya kahit na nasa kabilang dinastiya ako. Nagpalit lang ako ng katauhan pero hindi ibig sabihin noon na iniwan ko na siya.

I smiled when I remember something. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko yung oras na sinama ako ni Clarity sa puntod ko. Really? Iniisip niya talagang patay ako? Wala talagang tao sa puntod na 'yon, mga kagamitan lang ng yumaong ama ni Tita Criyanlie ang nandodoon.

*Flashback*

" Blake, ba't mo pinatay? "

" Nakita mo bang pinatay ko ate? Nakita mo? "

" H-hindi. "

Napangiti ako dahil kumunot ang noo ni Clarity. Nakita ko sa 'di kalayuan si Ethan. Binabantayan niya talaga ang kapatid ko. Sinadya kong patayin ang kandila kaya naalarma ulit siya at doon ako nagkaroon ng pagkakataon na lapitan si Ethan.

"Alpha, what are you doing here?"

Nanlaki pa ang mata niya ng makita ako pero maya-maya ay biglang humagikhik ng tawa. Baliw 'tong isang 'to.

"Hahaha. Rintrayasan, you're too small. Pftt."

"Huwag kang tumawa oyy! Kapag ako bumalik sa dati kong anyo, yari ka!"

"S-sorry... pftt. Hahaha, I'm here because I'm following the two of you. Sinisiguro ko lang na walang mangyayaring masama sa kanya."

"You really love her, huh?"

_________

Clarity

"Celine, dalhan mo naman ako ng pagkain dito sa opisina ko."

[Alright bessy... Ipapadala ko nalang sa ibang mga tauhan ahh? May ginagawa kase ako.]

"Ayos lang... Sige. Bye."

Pinatay ko na ang tawag at tinitigan ang mga reports na kailangan ni Sir Mark. Buti nalang natapos ko ito kagabi kahit problemado ako. Ewan. Nakita ko kase ang anklet course na bigay sa akin ni Tiya Miling kaya sinuot ko iyon tapos bigla nalang akong naging hyper tapos nagawa ko ang reports ng madalian.

Binilang ko pa ang mga reports dahil baka kulangin. Ayoko namang mapagalitan ano. Magwa-one year palang ako dito next month tapos gagawa na agad ako ng katangahan?

Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko ng may kumatok. Baka si Abigail lang, yung madalas kumuha ng reports na pinapagawa ni sir Mark.

Tinuon ko nalang ulit ang atensiyon ko sa mga papeles at nagsalita, "Pasok Abi."

Ini-scan ko ang mga papeles at damn! Nasaan na yong isa?! Kumpleto naman 'to kagabi ahh? Naloko na!

"Abi, balik ka nalang mamaya. May nawawala eh."

Napahawak ako sa noo ko. Jusko. Ilang oras pa ang gugulugin ko magawa lang 'yon? Mama ko huhuhu!

"Clarity..."

"Abi mamaya na---"

Natigil ako sa pagsasalita dahil parang hindi naman iyon ang boses ni Abigail. Sino 'to? Nag-angat ako ng ulo at nanlaki ang mata ko sa taong nakita ko, "K-kuya Kaleb?"

Lumapit siya sa akin at bigla nalang hinigit ang kamay ko kaya muntik na akong matumba, "Come with me. I'll show to you the place where you belong."

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride