Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 31

Kabanata 30:

Wishing Balloon

______________

Clarity

Nakangiting nakatitig sa akin si Celine kaya nginitian ko rin siya. Okay na talaga. May makakausap na rin ako sa lugar na 'to. I'm not alone.

"Bes, miss mo ako no? Sorry nga pala kanina, I don't have any plans to kick you."

Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. May luha ring kumawala sa mga mata ko pero agad ko naman iyong pinunasan, "Shhh. Don't cry."

"I miss you Celine..."

"I miss you too... and I know that you miss him too."

Niyakap ako ng mahigpit ni Celine kaya napahagulgol ako ng iyak. Yeah. I miss Kier. Ano kayang ginagawa nila ngayon ni Sarfie?

"Sarfie is not here, if you don't know. Nasa Vleryt Dynasty siya kasama ang mga ibang Brejik."

I raised my eyebrow at her. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yon? Hindi ko naman tinatanong.

"I can read mind, Clarity. All wolves can. Kaya sinabi kong wala siya dito dahil tinanong mo sarili mo kung ano ang ginagawa nila ngayon ng alpha."

I pouted my lips. Gusto kong matutunan ang bagay na 'yon. Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa mismong utak ni Kier.

"Ethan Kier Contravidle Strorch, ganda ng pangalan no?"

Ngumiti lang ako. Tumingin ako sa langit at nakita kong kulay pula iyon. Wait... P-pula?

"Celine, yung kulay ng langit... bakit pula?"

Lumingon ako kay Celine at lumapit siya sa akin, "Always remember this bes, if the sky is color blue, he's happy. If the sky is color black, he's angry. If the sky is color orange, probably he's problematic. If the sky is color yellow, he's confuse. And if the sky is color red, he's thinking."

Naguguluhan ako sa sinasabi ni Celine, "Sino ba ang tinutukoy mo?"

"Ang Alpha. Si Kier."

Kulay pula ang langit? He's thinking right now? But w-why?

"He's thinking?"

Tumango lang si Celine sa tanong ko. Anong iniisip niya ngayon? Sumasakit ba ang ulo niya sa kakaisip?

"Bes, pinapatawag ka ng Foxtrot."

Nilingon ko si Celine, "H-huh? How did you know? May cellphone ba dito?"

Umiling siya sa akin at tinuro ang ulo niya, "We're communicating using this."

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko rin matutunan iyon. Nakakainggit iyon. Grabe.

YUMUKO ako sa harapan ng Foxtrot ng makarating ako sa palasyo. Katabi niya ang Sierra sa gawing kanan habang naka-upo sa mataas na upuan.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride