Kabanata 31:
Drekys Brothers
____________
Miguel Nyx
"Hey!"
Umupo si Mark sa isang swivel chair dito sa opisina ko. Nagpaikot-ikot siya doon habang kagat-kagat ang ballpen.
"Tumigil ka nga sa pag-ikot! Pinapasakit mo ulo ko."
"Whoa! Easy there Kuya, what's your problem?"
Saglit kong tinignan si Mark. Pinagsakop ko ang mga kamay ko at tumitig sa babaeng nakakadena sa isang sulok, "Clarity. She's my problem."
Napalingon sa akin ang ginang ng banggitin ko ang pangalan ng kaniyang pamangkin. I smirked. She's our bait. Mildred Sylti Fuentabella.
Pilit niyang tinatanggal ang pagkakakadena sa kanya ngunit siya'y bigo. Sinasayang lang niya ang kaniyang lakas. Kinuha namin ang kaniyang clorste kaya wala siyang lakas ngayon.
Bumukas ang pintuan at niluwa noon ang isang babae. Umupo siya sa sofa ko at matalim akong tinitigan. Napataas ang sulok ng labi ko ng batuhin niya ako ng throw pillow.
"Bakit mo pa ako pinapunta dito? Tapos na ang tungkulin ko dito! Pumayag na akong maging espiya niyo laban sa Blisk Dynasty, what do you need?"
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at nilapitan siya. Hinigit ko ang buhok niya kaya napadaing siya sa sakit, "Y-you... bastard! Bitawan mo ang buhok ko!"
I fake a laughed, "Paano kaya 'pag nalaman ng Alpha ang pagtatatraydor mo sa sarili niyang kaharian? Ohhh, poor you little lady!"
Akmang sasampalin niya ako ng mapigilan ni Mark ang kaniyang kamay. Nabaling naman ang paningin niya kay Mark at mabilis niya itong sinipa sa tuhod kaya nakakawala siya.
"I will sue you!"
"Go on! As if I'm scared."
Tinignan ko si Mildred sa isang sulok at nakita ko siyang umiiyak. Nagtagis ang bagang ko ng may maramdaman akong patalim sa bandang leeg ko. Tinitigan ko iyon. Dagyix.
Naramdaman kong humahaba ang kuko ko at ang paglabas ng mga pangil ko. Dahan-dahan akong lumapit sa babae at pinako ko siya sa pader.
"What do you think you're doing?"
"Get off me! Asshole!"
Nanlaki ang mata ko ng kalmutin niya ako sa mukha at mabilis akong sinuntok. Binuksan niya ang pinto at nanlaki ang mga mata niya ng Stratk ang nakita niya. I smirked.
Napaatras siya hanggang sa mabunggo niya ako. Humarap naman siya sa akin at takot akong tinignan, "You're really fast, huh? But it's not enough!"
Mabilis ko siyang kinagat sa kaniyang leeg kaya bumagsak siya sa sahig. I took a glance at Mark. Namimilipit pa rin siya sa sakit habang hawak ang tuhod niya.
"You're stupid!"
"Hella. Yeah, thanks for helping me to stand up." He said with sarcasm.
I extended my hand to him. Tumayo na siya at paika-ikang naglakad. Sinarado ko ang pintuan ng opisina ko at sinundan si Mark, "Hey."
Lumingon siya sa akin pero nagpatuloy pa rin siya sa paglakad, "I want you to kidnapped Clarity."
Napatigil siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin at kinunutan ako ng noo, "What did you said?"
"I said that I want you to kidnapped Clarity."
He smirked. Naglakad siya pabalik sa kinaroroonan ko at masama niya akong tinitigan, "You know that I love her! Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan!"
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride