Kabanata 42:
The Note
__________
Leewier
"Grrrr, stop following me Hades!"
"Sinusundan ba kita? Dito rin ako pupunta e!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago naglakad muli. Bahala siya dyan! Babalik nalang ulit ako Blisk Dynasty.
Akmang iikot na ako pabalik pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko, "What now?" I raised my eyebrow.
"Don't leave me..."
Mas lalo kong inangat ang kilay ko. Ano bang problema ng hinayupak na 'to? Balak ko lang namang sundan si Kuya dahil sinusundan niya rin si ate Clarity.
Pero itong damuhong 'to, nakasunod rin pala sa akin.
"Susundan ko si Kuya, bitawan mo nga ako!"
"Sasama ako."
"Argh! Edi sumama ka."
Hinatak ko ang kamay ko pabalik sa akin at naglakad na muli. Kung gusto niyang sumunod, edi sumunod siya! Grr, manigas siya diyan.
Nagtago kaming dalawa sa bakuran ng Mansiyon nila ate Clarity. Nakita namin silang tahimik na nag-uusap sa fountain. Wews.
I don't want to eavesdrop pero naririnig talaga naming dalawa ang pag-uusap nila, "Is it really okay to you?"
Napangiti naman si Ate Clarity sa tinanong ni Kuya. Ha? Ano yon?
"Ano daw yon?"
"Shhh. Di ko rin alam."
Patuloy lang kaming dalawa sa pakikinig sa usap nila Kuya. Hehe. Di naman namin sinasadya na marinig.
"It's very okay!"
Napakunot ng noo si Hades. Ano ba ang pinag-uusapan nilang dalawa? Maya-maya ay niyakap ni Kuya si Ate Clarity bago ito hinalikan sa labi.
Oh my!
H-hinalikan niya si Ate?
Nilingon ko si Hades at nakita ko siyang nagmamasid lang. I pouted. Hihi, inggit ako. Ay.
"Hades— Ohh, what are you doing?"
Nanlaki ang mata ko dahil patuloy si Hades sa paghakbang palapit sa akin. I motion him to stop pero he just disobey me, "Hades! What the!"
"Leewier..."
"W-what?"
Hinabol ko ang hininga ko ng mas lumapit pa siya sa akin. Damn it! Kinakabahan ako! "I-I uhm.."
"Y-yes Hades?"
"I-I love you."
Clarity
_________
Nagulat ako ng bigla akong hinagkan ni Kier. Namiss ko. Oo, namiss ko yung ganitong pakiramdam. Yung malaya naming naipararamdam ang feelings naming dalawa, "You'll not regret it Clary."
Nakita ko rin ang isang malaking larawan na nakasabit sa taas ng hagdanan. I half a smile. Larawan namin iyon ni Kuya Blake nung mga bata pa kami.
Umakyat ako at pinakatitigan ang larawan. Ang liit pa ni Kuya samantalang sanggol palang ako.
Oh. We cute.
Namimiss ko na si Kuya.
This past few days ay wala si Kley dahil sinundan niya si Migs sa mundo ng mga mortal upang patayin. Crius is with him kaya panatag ang loob ng lahat.
Tinignan ko ang bawat pinto. Iba-iba ang mga pangalan na nakalagay doon.
Cl's Room! Don't open it!
Napangiti nalang ako. That was so childish of me.
Kaleb's.
Hmm, siguro ito na yung sinasabi ni Kuya. Ito lang naman kase ang kakaiba atsaka halos lahat ng room ay puro Cl ang nakalagay.
Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang red theme ng kwarto. Ang ganda. Walang combination na makikita. Pati ang ilaw ay kulay pula.
I looked for the cabinet at natagpuan ko iyon sa likuran ng pinto. Ohhh. Okay?
I searched for the paper. Napapasabunot na ako sa buhok ko dahil puro dagyix lamang ang laman non. What the? Is he making fun of me?
I opened the first drawer again at doon nakita ko ang isang papel na nakatupi. Wala naman 'to dito kanina ah?
I just shrugged my shoulders bago ito binuksan. Napakunot ako sa nabasa ko at hindi ko maiwasang mapaisip. What? What is the meaning of this?
Clary,
Huwag mong pakasalan ang Alpha.
-Kaleb
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride