Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 45

Kabanata 44:

Fate

__________

Ethan

"Kuya, what's the score between the two of you?"

Napangiti naman ako sa tanong ni Kley habang tinititigan ko ang bagong singsing na ibibigay ko sa kaniya mamaya. I'm very excited because I already know her answer.

"I'm going to propose again."

Napangisi naman siya sa sinabi ko, "Seriously huh? Sana maging maayos na 'yan."

I just ignore him. Wala akong pake sa sasabihin ng iba. This is just between Clarity and me. Wala ng iba pa. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at naglakad sa mahabang pasilyo.

I'm whistling while walking. Lahat ng Prekh ay tumutungo habang nadadaan ko sila. After ng mangyari sa amin kahapon ni Clarity ay hindi pa siya nagpapakita sa akin. I just shrug my shoulders.

Magkikita naman kami mamaya.

"Yah! Kuya!"

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang sumampa sa likod ko si Leewier, "Keep walking Kuya."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sumisipol pa rin. Hindi ko maitago ang kasiyahan ko. Atat na atat na akong pakasalan muli ang Luna.

"It seems like you're very happy today, Alpha."

I just smiled with her statement, "I'm going to propose again."

"Lyri?!"

Tumango ako kay Leewier at pinaghahampas niya ang likod ko.

Ohhh...

Okay. Hindi naman masakit.

"When Kuya?!"

"Tonight."

"Waaaahhh! I need to go with—"

"Just Clarity and me, Leew."

Napanguso naman siya sa sinabi ko bago bumaba sa likuran ko. Umangat ang kilay ko dahil masama siyang nakatingin sa akin, "What?"

"Damot mo. Hmp."

Tinalikuran niya na ako kaya napailing nalang ako. Isip bata pa rin talaga.

__________

Clarity

Pabalik-balik ang paglalakad ko sa aking kwarto habang iniisip ang nangyari sa aming dalawa ni Kier. Naguguluhan ako. Ayoko siyang masaktan ulit pero... gagawin ko na naman.

I hate myself for being this weak.

Parang naka-depende lagi ang desisyon ko sa ibang tao. Tila wala akong sariling pag-iisip para sundin ang mga bagay na gusto ko.

I heard a knock at my door kaya napakislot ako, "Sino yan?"

"Celineeee."

Napabuntong hininga ako sa narinig ko. Buti naman at hindi si Kier ang kumatok, "Pasok."

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob ng kwarto ko at iniluwa non si Celine na nakangiti sa akin. Humiga ako sa kama ko at tinitigan ang kisame.

Bakit wala akong magawa?

"Are you okay, Clary?"

Tinignan ko si Celine at umiling, "Nope."

"Is it about Kaleb?"

Napabangon ako sa pagkakahiga ko at hinarap siya. Paano niya nalaman na si Kuya ang problema ko?

"H-how—"

"We talked about it before. Bago siya mawala." she sighed, "Hindi niya utos na 'wag kang magpakasal kay Ethan. Utos yon ng sarili mong puso."

Naguluhan ako sa sinabi niya, "What do you mean Cece?"

"Take a look at this."

May lumabas na puting ilaw sa kamay niya at may nabasa ako doong kakaiba.

Prustîya bemorè tu Ethàn plumīz. I, Claríty, fruwg heflô leàveh.

"What's the meaning of this Cece?!"

Umiling siya sa akin bago magsalita, "Nawalan ka ng malay bago tayo lumusob sa Gresfet Garden. Natatandaan mo ba?"

"Hindi! Hindi 'yan totoo! Kasama ko si Sho at Tzuoi—"

"Shhh Clarity... Bago tayo pumunta sa Gresfet Garden ay namatay na silang dalawa. Ang kambal ay patay na. May umatake sa kanilang Stratk ng hindi pa nagsisimula ang laban."

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit. Bakit? Bakit ganoon? Wala akong natatandaang pangyayaring ganon.

"Please too Kier... iwanan mo na ako. Ayoko sa'yo! Tantanan mo na ako!"

Napahagulgol ako ng iyak habang sinusuntok ang matigas niyang dibdib. Bakit kailangang maging ganto.

Our fate is not really good. Our fate is the hindrance for our happiness.

"Why baby? Ohh C-Clarity, don't you love me?"

"No Kier! Hindi! Hindi kita mahal!"

Tinulak ko siya palayo sa akin at nakita kong may pumatak na luha sa mata niya. His face became serious. Nawalan ito ng emosyon hindi tulad kanina na parang ayaw niya akong mawala sa kaniya, "Is that so, Clarity?"

"Yes! Tantanan mo ako!"

Pagak siyang tumawa habang pinupunasan ang luha niya, "The feelings aren't mutual?"

"Oo, hindi sabi kita mahal—"

"If it's not mutual, why I'm still pursuing it?"

"Baliw ka, Kier! Baliw ka!"

"Oo, baliw sayo." Ngumiti siya sa akin ng sinabi ang katagang iyon. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na hindi ko alam ang pinaggagagawa ko. Na mali ang desisyon na pinili ko pero hindi ko magawa.

Natatakot ako.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Hindi mo talaga ako minahal, Clarity?"

Iniling ko ang ulo ko sa tanong niya. Ang mga luha niya ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko iyong punasan at sabihing maayos namin tong dalawa pareho pero wala na.

Lumapit siya sa akin at masuyong hinalikan ang labi ko. Wala akong nagawa kundi damahin ang labi niya sa labi ko. I want to embrace him. I want to be with him all day.

Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay doon. Titignan ko na sana iyon pero mabilis niya ulit akong hinalikan at tinugon ko iyon.

Malapit na sana akong bumigay ng siya na mismo ang pumutol nito, "Clarity, choose someone who will be proud of you, even if you're not the best among the rest. I'm sorry but goodbye."

Pumatak na naman ang mga luha niya at tinalikuran na ako.

Please..

Please say the magic word, Kier.

Just please...

Nawala na siya sa paningin ko ng hindi ko man lang narinig ang gusto kong marinig mula sa kaniya. I cried harder...

Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong singsing ang ibinigay sa akin ni Kier.

Mas lalo akong napaiyak hanggang sa lumabo ang mata ko at nawalan ako ng malay.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride