Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 9

Kabanata 8:

Marry Me

________

Clarity

Anong ibig sabihin ni Kuya Kaleb? Na siya at si Blake ay iisa? Ano 'yon? Wala akong maintindihan. Walang pumapasok na ideya sa isip ko.

Blake? Kaleb?

Yeah right! Nagkagulo lang ang letra nang mga pangalan nila! Pero paano naging bata si kuya? Transform? May powers ba siya?

Tao ba talaga si Kuya? Halimaw? Wizard? W-wolf?

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit. Argh! Bakit ba ako isip ng isip ng mga bagay-bagay? Pinapasakit lang ni Kuya ang ulo ko!

Napalingon ako sa orasan sa tabi ko at nakitang 7:30 AM na. For now, alam kong maghahanap na naman uli ako ng panibagong trabaho dahil sigurado tatanggalin na ako ni Sir Ethan sa trabaho.

Ba't ba nangyayari sa akin ang mga 'to?

Alone. Mag-isa na naman ako.

________

" Kuya Kaleb, ipaliwanag mo naman sa akin ang mga nangyayari ngayon. Please? Gulong-gulo na ako. "

Pinunasan ko ang luhang umagos sa pisngi ko habang nakatingin sa puntod ni Kuya. Kung hindi pa siya patay, sino ang taong nakalibing dito? Clone?

Biglang umihip nang malakas ang hangin kaya natangay nito ang dala kong panyo. Yung panyong binigay sa akin ni Kuya nong 4th birthday ko.

Tumayo ako at nagsimulang habulin ang panyo ko. Taragis! Papahirapan pa ako ng panyong 'to. I wanna reset! I want to! Hindi ko na alam kung ano ang patutunguhan ng buhay ko.

Napatigil ako sa pagtakbo ng nakita ko yung lalaking naka-all black nong makalawa. Kung saan nawala si Blake. Ang taong nagsabi ng kung anu-anong salita.

Siya ang nagsabing, "You're mine Clary and you know that."

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ng lubusan ang mukha niya. Naka-all black ulit siya pero hawak niya ang panyong bigay sa akin ni Kuya Kaleb.

" Psttt! Y-yung panyo ko ho. "

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride