Kabanata 7:
Ethan Kier Strorch
________
Clarity
" What are you looking at, dumpy head?! "
Napaayos ako nang tayo dahil sa sinabi niya. Okay na sana eh, tinawag lang akong dumpy head! Isusumbong ko siya kay Tiya Miling!
Pero hindi ko naman hahayaang mawala ang poise ko kaya inayos ko ang damit ko at nagpoker-face. Relax Clarity. Okay lang yan. Gwapo naman ang boss mo.
" Good afternoon sir...? So, I am your new secretary. I am Clarity Fuentabella, nice to meet you sir...? I will do my job properly so nothing to worry about. "
Bahagya akong yumuko para magbigay galang. Nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin. Parang hinihigop niya ang mga mata ko. Nakakaadik.
" Ehem. I'm Ethan Kier Strorch. So, Sheena already hired you huh?! "
Napakunot ang noo ko ng ngumisi siya sa akin. So, Sheena pala ang pangalan ng babaeng kausap ko kanina. Pero ano naman ang problema niya kung hinire na ako ni Sheena?
" Y-yes Sir. "
" Okay. Follow me. I'll show to you your own office. "
Naglakad na siya kaya sinundan ko siya. Likod palang halata mo nang gwapo eh. Jeez! May abs kaya siya? Ano bang pinagsasasabi mo Clarity?! Nagiging horny ako pakshet. Epal kase 'tong boss ko.
Nakalagay ang kamay niya sa bulsa niya at ang lakas ng dating niya don. Ang cool tignan. Astig.
Binuksan niya ang isang pintuan at ganun nalang ang paglaki ng mata ko sa aking nasaksihan. Seriously?! Ito ang kwarto ko?! Ang ganda! Kulay silver rin at may halong kulay puti ang pader. Magkano kaya ang pagpagawa dito?
" Miss Fuentabella, your salary is fifty thousand a month. Do your job properly or else... I will fire you immediately. Sakre troti kiya buela? "
Tumango lang ako ng tumango sa bawat sinasabi ng boss ko. Hindi ako maka-get over! 50,000? Waaahhh! Ang laking pera non! Makakaipon na rin ako para sa pang-college ni Blake!
Kahit elementary palang si Blake.
Kahit na! Mag-iipon pa rin ako para pang-college niya! Mag-iipon ako kung kailang ga-graduate na siya ng highschool? Kukulangin ako sa oras pag nagkataon.
Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa swivel chair. Ang lamig dito. Aircon malamang. Ang tanga ko talaga. Napalingon ako sa malaking salamin sa harapan ko. Kulay pula pa rin talaga ang buhok ko.
Sino ba ang nagbago nito?! Isa siyang dakilang pakialamera
akialamero!
Sakre troti kiya buela? Anong ibig sabihin non?
____________
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride