Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 18

“LEA, mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan. Ako na lang, please? And I promise I will never make you feel lonely. Hayaan mong ibangon ka ng pagmamahal ko. I can be Janna’s father. I will treat her as my own. I will love her. And I will treat you as my own, too. I will love you, too. With all that I have. With all my heart.”

Napatitig si Lea kay Timothy. Noon niya pa nararamdaman na iba na ang pagtingin nito sa kanya. Kabisadong-kabisado niya iyon. Dahil ganoong-ganoon rin siya kay Jake noon. Pero dahil hindi ito nagsasalita ay nanahimik rin siya. She didn’t want to lose their friendship.

But that was before. Naalala ni Lea ang mga magulang at si Janna. Tinanggap siya ng mga ito. Wala nang tanong pa. Naalala niya rin ang pag-iyak ng mga magulang nang mayakap ang kanyang anak. She breathed heavily. Ngayon ay nakatulog na ang anak kaya nagpaalam siya sa mga magulang na maglalakad-lakad na muna. Pero bago iyon ay may sinabi ang mga ito sa kanya.

“Mawawala lang ang sakit kapag huminto ka nang mahalin kung sino man siya na nagpapahirap sa loob mo ngayon.”

Kanina pa itinatanong ni Lea sa sarili kung paano nga ba iyon. And then came the only man who stood by her side through the years. Iyong isang taong alam niyang pagod na pagod na ang mga kamay sa pag-alalay sa mga pasyente nito pero paulit-ulit pa rin siyang sinasalo. The worst thing about falling in love was watching the one you love become busy catching someone else. Naranasan niya na iyon pero ipinaranas niya pa rin kay Timothy.

Pero wala siyang narinig mula rito. Basta nanatili lang ito sa tabi niya. “I can’t promise you anything, Tim.”

“I’m not asking for anything, Lea. Just let me love you. Freely, this time.”

Unti-unting napatango si Lea. Agad namang bumakas ang kasiyahan sa gwapong mukha ng binata. Muli ay nakulong siya sa mga braso nito. Ipinikit niya ang mga mata. Pagod na siyang mahulog. Gusto niya namang may sumalo sa kanya. Gusto niyang maramdaman na mahalaga siya, gusto niya ng taong magsasabi sa kanya na mahal rin siya, ng taong mag-aalaga rin sa kanya, ng taong siya naman ang iisipin. Dahil iyon ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon.

Kailangan niya rin siguro ang maranasan ang mahalin rin. Para maiangat niya na ang sarili. Para makabangon. Baka sakaling sa ganoong paraan ay matuto siyang magmahal naman ng iba. Gumanti siya ng yakap kay Timothy.

Simula sa araw na ito, kalilimutan ko nang mahal kita, Jake. Simula sa araw na ito, buburahin na kita sa isip ko. Minu-minuto kong gagawin iyon hanggang sa makasanayan ko. Hanggang sa maging oras ang minuto, maging araw, maging linggo, buwan at taon. Hanggang sa magkita tayong muli at wala na ang lahat ng sakit. Wala na… dahil wala na rin ang pagmamahal ko sa ’yo. Dahil ang sakit… hindi ba’t kadikit ng pagmamahal?

Two years later…

TO THE most beautiful woman in the world,

When I met you, I knew that very moment that God wanted me to fall in love. Good morning, wife. I love you so much!

Always,

Timothy

Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Lea sa nabasa. Inabot niya ang isang bouquet ng dilaw na mga rosas at inamoy. Lumawak ang kanyang pagkakangiti. Masiglang bumangon na siya at nag-ayos. Pero bago pumunta sa kusina kung saan alam niyang naghihintay na si Timothy ay dumeretso na muna siya sa kwarto ng mukhang kagigising lang din na anak. Naabutan niya itong may hawak ding mga rosas. Pink naman ang kulay ng mga iyon.

Matamis ring ngumiti sa kanya ang anak. Lumapit siya sa kama nito at marahang hinagkan ang noo nito. “We will be meeting your Dad today. Are you ready, sweetheart?”

Naglaho ang ngiti ni Janna. Sumeryoso na si Lea. Naupo siya sa tabi ng anak at maingat na ipinaharap ang mukha nito sa kanya. Sa loob ng nakaraang dalawang taon ay parating umiiwas ang anak na pag-usapan ang tungkol kay Jake. Hinayaan niya lang ito. Pero ngayong nakabalik na sila sa Pilipinas ay hindi na iyon pwedeng ipagpaliban pa. Hindi na iyon magiging patas para sa ama nitong alam niyang matagal nang naghihintay rito.

Napahugot si Lea ng malalim na hininga. “Listen to me, sweetheart. Your Daddy loves you. Parati kong sinasabi sa ‘yo na huwag kang magagalit sa kanya. He did the best he could. We both did our part. I know how much you still believe in fairytales.” Bahagya siyang napangiti nang maalala kung paanong sa kabila ng edad ng anak ay magkasama pa rin nila itong binabasahan ni Timothy ng fairytale gabi-gabi.

At ikinatutuwa ni Lea iyon. Dahil nangangahulugang hindi tuluyang nasira ng paghihiwalay nila ni Jake ang mga paniniwala ng bata. “Pero siguro may mga pagkakataon talagang hindi por que may princess na ang king and queen ay magkakaroon na sila ng happy ever after. Sometimes, no matter how much we try, things won’t still end up the way we want them to be.”

Chapter 18 1

Chapter 18 2

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home