Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 9

Paguwi niya na tangan ang divorce papers, agad niyang napansin ang kalat sa loob ng bahay. Nagkalat ang mga balat ng orange at ang mga shell ng mani sa mesa sa sala. Nakahiga ang kasambahay na si Nora sa sofa habang nagbabalat ng sunflower seeds at nanonood ng Korean drama.

Parang hindi lang nito nakita ang pagdating nya. Mabuti naman at bumalik ka na!Tinaasan siya nito ng kilay na parang bang ito ang boss niya.

Kapag naroon si Xavier, kunwari ay masipag si Nora bilang kasambahay. Pero kapag wala ang asawa niya ay mas mukha pa itong tunay na mayari ng pamamahay. Alam niyang hinihintay nito ang pagkakataong sumabog siya at siya na mismo ang maglinis ng kalat nito.

Halos kasingedad ni Nora ang yumao niyang ina. Noong una, hindi niya matiis na pabayaan ang bahay kaya siya na mismo ang tumutulong kapag nagkukunwari si Nora na naglilinis.

Nang lumaon, nang maramdaman ni Nora na madali siyang gumalaw, lagi na itong nagpapanggap na may sakit at pinapasa sa kanya ang halos lahat ng gawaing bahay. Hanggang sa dumating ang puntong hindi na ito nagaabala pang maglinis ng bahay

Sinubukan niyang makipagusap nang maayos, pero tinanguan lang siya at inirapan. Pati ang pagpapaalis kay Nora ay sinubukan niya. Ngunit kinabukasan, nakatanggap siya ng isang pagbubunganga mula kay Estrella. Sinabi nito na bilang asawa ni Xavier ay obligasyon niya na pamahalaan ang bahay. Paano daw siya pagkakatiwalaan nito kung simpleng pagaasikaso ng bahay ay hindi niya magawa?

Walang saysay ang pinaglalaban niya. Wala siyang nagawa kundi tumahimik na lang at muling maging sunod-

sunuran.

Muli, walang emosyong tiningnan si Nora at nilagpasan lang ito. Umakyat siya ng kwarto na parang walang nakita at narinig.

Pagpasok ng kwarto at hawak niya ang divorce papers, iniisip nya kung paano kokontakin si Xavier para papirmahin ito.

Pero sa hindi inaasahan ay bigla itong umuwi

*****

Sa ibaba….

Abala si Nora sa pinapanood nang biglang bumukas ang pintuan kasabay ng malakas na pagsipa. Pumasok si Xavier, matigas ang ekspresyon at mabibigat ang hakbang.

Napabalikwas si Nora mula sa sofa, halos gumapang sa sahig na kunwari’y naglilinis, desperadang pagtakpan ang sarili.

Ssenyorito Xavier, kakaakyat lang po ni Madam Mayumi sa itaas, hindi ko pa po nalilinis itong mga kalat niya,sabi ni Nora habang tinuturo ang mga nagkalat na pinagbalatan ng mani at orange.

Sinuri ni Xavier ang magulong sala. Mainit na nga ang ulo niya, tapos ito pa ang madadatnan?

Nasa taas si Mayumi?tanong niya sa katulong.

Tumango si Nora. Opo, senyoritoParang may sama ng loob si Madam.

Mabilis siyang umakyat para harapin ang asawa.

+30 Bonus

May sama ng loob? Malamang nagsumbong na naman ito sa kanyang ina tungkol kay Ysabel. Malamang ay natutuwa na naman ito dahil napagsabihan siya ng kanyang ina at nagkukunyari lang itong mabait.

Yumi, lumabas ka rito!sigaw niya.

Si Mayumi, na nagiisip pa tungkol sa susunod niyang hakbang matapos ang diborsyo, ay napatigil nang marinig ang galit na galit na boses ni Xavier.

Akmang bubuksan na niya ang pinto nang bigla nitong sinipa at bumukas iyon nang tuluyan.

Mayumi! Ikaw ba ang nagsumbong kay Mama tungkol sa pagbalik ni Ysabel?Galit na galit ang mukha nito na parang ano mang oras ay lalapain na siya.

Ngumiti lang siya ng pait, hindi na nagtangkang magpaliwanag pa. For what? Xavier will not listen anyway. Ilang ulit na siya nitong napagbintangan nang wala sa lugar. Sa bawat pagkakataon, pilit niyang pinatutunayan ang sarili. Kapag walang ebidensya, hindi siya pinapaniwalaan ni Xavier.

Believe whatever you want, Xavier.

So hindi ikaw? Akala mo ba maniniwala ako sa’yo?

Muli siyang napangisi. Kung gano’n lang din na hindi ito maniniwala, bakit pa siya magsasayang ng laway?

Renal

Alam kong nagseselos ka kay Ysabel kaya mo ito ginagawa. Akala mo ba kapag nagsumbong ka kay Mama ay matutulungan ka niya?asik nito sa kanya

Tinaasan niya ito ng kilay saka nakahalukipkip. Xavier, bakit hindi na lang tayo magdivorce?

Divorce? Hahahanagpapatawa ka ba? Sa tingin mo ba talaga maniniwala akong kaya mong gawin yon? Pagkatapos ng lahat ng pakulo n’yo ng Mama mo para makasal ka sa akin. Do you think maniniwala ako sa’yo na makikipagdivorce ka nang gano’n lang kadali?

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME