Sa loob ng library… nakatayo nang tuwid si Alden, ang kanyang executive assistant, at magalang na nag–uulat ng sitwasyon.
“Sir Xavier, as you predicted, the Wellington Group, which was bidding against our company, has failed and declared bankruptcy. An hour ago, I proposed an acquisition strategy to them as you had instructed in advance. But their CEO said they want you to increase the acquisition price by an extra hundred million.”
Nakasandal siya sa kanyang swivel chair, tamad na naglilipat ng mga pahina ng dokumento. Halatang inasahan na niya ang ganitong demand.
“Hindi ako magtataas,” malamig niyang tugon. “Hayaan n’yo silang maghintay pa nang dalawang araw. Sila rin mismo ang lalapit sa atin para humingi ng approval.”
Tumango si Alden habang pinanood ang kanyang boss na si Xavier Valerio, kaedad niya ngunit nag–uumapaw sa lakas ng presensya at awtoridad. Wala siyang naramdaman ni katiting na pagdududa rito.
Simula nang magtapos siya ng pag–aaral, personal siyang kinuha ni Xavier bilang executive assistant. Over the years, he had witnessed countless silent battles in the market, over a hundred of them, big and small.
At halos sa bawat pagkakataon, natutukoy ni Xavier ang kahinaan ng kalabang kumpanya. He strikes decisively, then acquires them at astonishingly low prices.
Sa paningin niya bilang assistant nito, hindi na kalabisang sabihin na si Xavier ay halos parang diyos sa mundo ng negosyo. At sa loob lamang ng tatlong taon mula nang hawakan nito ang Valerio Enterprises, hindi lang nito pinatatag ang pundasyon at negosyo ng pamilya, pinalawak pa nito nang tatlong beses. Isang bagay na hindi pa niya nakitang nagawa ng iba.
Kaya kapag sinabi ni Xavier na ang kabilang panig ang lalapit sa kanila… totoong mangyayari iyon.
“May iba pa ba?” tanong ni Xavier sa kanya.
Sandali siyang natigilan, nag–alinlangan bago muling magsalita.
“Meron po…” wika niya sa wakas. “Tumawag ang pamilya Santillan. Magbubukas daw sila ng bagong negosyo at kulang sila sa puhunan.”
Pagkasabi niya, kitang–kita niya kung paano tumigas ang tingin ni Sir Xavier, parang lumalim ang itim ng mga mata nito. May kung anong kaba ang kumapit sa dibdib niya.
Sa paglipas ng mga taon, halos walang naging talo si Xavier sa negosyo, maliban sa iisang investment… ang Santillan.
Karamihan ng mga sinubukan negosyo ng mga Santillan ay bumagsak sa loob lamang ng isang taon.
Pero ang Santillan ay pamilya ni Mayumi Santillan, at matatawag na pamilya dahil kasal si Xavier kay Mayumi.
Tuwing ayaw mag–invest ni Xavier, dumidiretso ang mga Santillan sa ina ni Xavier na si Estrella para magsumbong. Alam ng lahat na hindi ganoon ka–welcome si Mayumi sa pamilyang Valerio, maging si Xavier man ay walang gaanong simpatya dito. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, halos ituring ni Mrs. Valerio si Mayumi na anak.
Kaya kapag ginagamit ng mga Santillan ang pangalan ni Mayumi para humingi ng tulong, tinatawagan ni Mrs. Valerio ang anak nitong si Xavier at pinipilit na pagbigyan ang hiling ng mga Santillan. Maliit lang naman daw
+30 Bonus
ang puhunan, at kahit malugi, hindi matitinag sa yaman ng mga Valerio.
May respeto si Xavier sa kanyang ina kaya kahit ayaw nito, pumapayag pa rin…ng paulit–ulit. Maling desisyon nang maling desisyon, pero tinutuloy pa rin.
Natahimik si Xavier, tila nag–iisip kung pagbibigyan pa nito ang hiling ng mga Santillan.
Maya–maya ay biglang may kumatok sa pinto.
“Pasok,” sigaw ni Xavier.
Naghintay si Mayumi sa labas hanggang marinig ang malamig na tinig ni Xavier bago pumasok.
Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Alden. Ngumiti ito nang magalang at tumango bilang pagbati.
Marahan din siyang tumango kay Alden, tinugon niya ang pagbati nito. Sa lahat ng tauhan ni Xavier, si Alden ang iilan na talagang nagbibigay sa kanya ng respeto bilang Mrs. Valerio.
“Ano ‘yon?” Tanong ni Xavier nang makalabas si Alden, hindi man lang nito tinaas ang ulo mula sa binabasa. Kalma lang ang boses nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME