CHAPTER 29
MAYUMI’S POV:
Pagkatapos nilang mag-usap ni Xavier ay hindi na siya makatulog. Nagbihis siya, bumaba ng apartment, at naglakad papunta sa palengke para bumili ng gulay at karne. Nagluto siya ng simpleng pagkain.
Isang advantage ng mag-isa, madaling magluto at mas madaling maghugas. At dahil maliit ang apartment, halos wala nang housework. Noon, inaabot siya ng dalawa hanggang tatlong oras para maglinis sa mansion, ngayon wala pang sampung minuto ay tapos na.
Pagkatapos tapusin ang kanyang-morning routine, napagtanto niya na marami pa palang oras ang natitira. Dahil wala na siyang magawa, hinayaan niyang liparin ng hangin ang isip niya habang muling humiga sa kama. Marahil ay masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang araw. Pagkapikit pa lang ng mata, agad siyang nakatulog.
Sa sobrang panatag ng kanyang kalooban, pagmulat niya muli, tanghali na kinabukasan.
Medyo hilo pa siya nang bumangon. Pagkatayo niya, biglang sumakit nang matindi ang kanyang paa. Doon pa lang niya napansin na ang maliit na daliri sa paa na nauntog noong isang araw ay namumula at namamaga na ngayon.
Pumayag na siyang pumunta sa ancestral home ng mga Valerio mamaya, at wala na siyang oras para magpunta sa ospital. Kaya’t naglagay na lamang siya ng gamot at umalis.
Noon pa man, hindi kailanman ginustong umuwi ni Xavier sa ancestral house ng mga ito na kasama siya. Ngayon na papunta na sila sa annulment ng kanilang kasal, lalo niyang naramdaman na hindi siya magiging welcome doon, pero dahil nakapangako na, wala siyang magagawa.
Una niyang kinuha ang regalo na matagal na niyang inihanda para kay Donya Corazon, saka dumiretso sa casa para kunin ang sasakyan na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Nasira iyon ng maaksidente siya kamakailan ngunit naayos na. Mula roon, diretso na siyang nagmaneho patungo sa ancestral house ng pamilyang Valerio.
Ang lumang bahay ng mga Valerio ay nasa labas ng siyudad kaya presko ang simoy ng hangin, payapa at malayo sa kabihasnan.
Sinadya niyang bagalan ang takbo ng sasakyan, ibinaba ang bintana, at hinayaang tamaan siya ng hangin. Bahagyang gumaan ang bigat na kumakapit sa kanyang dibdib.
Pagkaparada niya ng sasakyan at pagbaba, papasok na sana siya sa gate nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae mula sa likuran nya na may kalayuan.
“Mayumi, is that you?”
Natigilan siya. Paglingon, nakita niya si Ysabel na nakatayo sa tabi ni Xavier. Naka-angkla ang braso nito kay Xavier, at sa kabilang kamay ay may bitbit itong mga regalo at mukhang mamahalin.
Habang papalapit ang dalawa na magkahawak-braso, nakadama siya ng isang kakaibang kirot para bang hindi na siya ang manugang ng pamilyang Valerio, kundi isang estranghero na lamang… at si Ysabel ang tunay na nababagay doon
Kahit tanggap na niya ang annulment at batid niyang si Ysabel na ang magiging bagong Mrs Valeno, hindi pa rin niya napigilan ang malamig na pakiramdam na gumapang sa kanyang dibdib
Dinala na ni Xavier si Ysabel sa bahay ng pamilya Marahil ito ang paraan ni Xavier para masanay na ang pamilya sa dalaga.
Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili, marahang ngumiti at binati ang dalawa What a comicidence?
XAVIER’S POV:
Pasimpleng tiningnan ni Xavier si Mayumi, may bahid ng inis ang madidilin niyang mata habang nakatingiu sa asawa
Nakangiti pa siya?… tanong niya sa sarili Noon, kapag nagkakatampuhan sila ni Mayunu, agad itong humihingi ng tawad
⚫25 Bonus
kinagabihan para maging maayos sila.
Pero ngayon, nakikita niya itong kalmado, para bang hindi man lang siya napansin, at hindi niya maintindihan kung bakit siya
naiirita.
Tumalikod siya at mabilis na naglakad papasok ng bahay. Sadyang binilisan niya ang lakad. Halos hindi makasabay si Ysabel habang hawak pa rin nito ang braso niya.
“Xav, dahan-dahan naman. Nasa likod pa natin si Mayumi. Hintayin natin siya,” sambit ni Ysabel, pero hindi siya lumingon at binalewala ang sinabi nito.
Hindi napigilan ni Mayumi ang mapangiti ng may pait. Sa harap ni Ysabel, hindi man lang siya makuhang kausapin ni Xavier kahit isang salita.
Wari’y hindi napansin ni Ysabel ang tensyon sa pagitan nilang mag-asawa. Humarap ito sa kanya na may bahagyang paghingi ng tawad sa mukha.
“Pasensya na, Mayumi. Mauuna na kami sa loob. ‘Wag mong dibdibin. Ganyan lang talaga ang ugali niya. Kakausapin ko na lang siya para sa’yo sa ibang araw.”
Sa ilang kaswal na salita, malinaw na ipinahihiwatig ni Ysabel kung ano na ang lugar niya ngayon kay Xavier.
Napakagat siya sa kanyang labi. Sa ilang sandali, hindi niya alam kung susunod ba siya o mananatili munang nakatayo roon. Sa huli, huminga muna siya ng malalim saka pumasok na rin.
Pagkapasok pa lang niya, isang excited na hiyaw ang umalingawngaw mula sa loob ng bahay.
“Ate Ysabel!…. paano mo nalaman na idol ko si Blaze?” tili ni Andra habang hawak ang poster ng paborito nitong artista na si Blaze na bigay ni Ysabel. “May pirma pa! Siguradong napakamahal nito, oh my god, I love you!”
Nakababatang kapatid ni Xavier si Andra. Nasa eighteen pa lang ang edad nito. Bagama’t batang isip dahil na ispoiled, napakaganda nitong tingan sa dilaw itong mahabang dress.
Habang humihiyaw, niyakap nito nang mahigpit si Ysabel. Kinurot naman ni Ysabel ang pisngi ni Andra. “Basta para sa’yo, malambing nitong sabi saka ngumiti. “Basta gusto mo, kahit mahal pa ‘yan, I will buy it for you. Ikaw ang prinsesa ng mga Valerio kaya all the best for you.”
“I love you, Ate Ysabel. Kung ikaw ang pinakasalan ni Kuya noon, siguro spoiled ako sayo.”
Lihim siyang napasimangot sa mga narinig. Walang pakialam ang mga ito kung andoon ba siya o wala.
COIN BUNDLE: get more free bonus
Comments
Share
Support
GET IT
Sanay na siya sa
Andra sa harap nito.
Palagi siyang kinukutya ni Andra, sinasabing hindi siya karapat-dapat kay Xavier, na isa lang siyang panggulo sa pagitan nina Xavier at Ysabel.
Noong una, iniinda pa niya iyon. Ginawa niya ang lahat para makuha ang loob ni Andra…. inalam ang mga hilig nito, nagpadala ng mga regalo, pati pagpunta sa ibang bansa para kumuha ng memorabilia at autograph sa gusto nitong artista.
Tinanggap naman ito ni Andra, pero hindi kailanman taos-puso. Sa tuwing may matatanggap itong regalo, ngingisi lang ito at sasabihing… “Akala mo hindi ko alam ang mga pakana mo? ‘Wag mong isipin na makukuha mo ang loob ko sa ganitong paraan. Kahit anong gawin mo, isa ka pa ring panggulo sa pagitan ng kuya ko at ni Ysabel. Hinding-hindi kita magugustuhan!”
Madalas masaktan siya sa mga salitang iyon. Pero habang tumatagal, unti-unti niyang natanggap ang lahat. Kaya ngayong narinig niya na naman si Andra magsalita nang gano’n, wala na siyang naramdaman.
Payapa siyang pumasok sa silid, magalang na binati ang mga naroon, gaya ng nakasanayan niya.
Pagkakita pa lang sa kanya ni Andra, agad na sumama ang mukha nito. Nagpa-ikot-ikot pa ng mata, halatang ayaw nitong andoon siya.
“Biglang uminit ang paligid, may dumating na nagpainit ng ulo ko!” Parinig ni Andra sa kanya. Ang mainit na pakikitungo nito kay Ysabel ay kabaliktaran naman sa kanya.
Tumawa si Ysabel at marahang inayos ang buhok ni Andra. “Andra, kahit ano pa ‘yan, si Mayumi pa rin ang hipag mo. Huwag kang magsalita nang ganyan.”
Napasinghal si Andra. “Sinong nagsabing hipag ko siya? Sa puso ko, ang tanging karapat-dapat maging hipag ko ay ikaw.” May bahagyang kirot siyang naramdaman. May sumilay naman na ngiti sa mga mata ni Ysabel, pero agad niya itong tinakpan pagkatapos ay tumingin sa kanya.
“Pasensya na, Mayumi. Bata pa kasi siya, hindi nag-iisip bago magsalita. ‘Wag mo nang intindihin.”
Lihim siyang napangiwi sa kaplastikan ni Ysabel. Hindi iyon ang unang beses na hinamak siya ni Andra sa harap ni Xavier, at hindi rin unang beses na pinipilit siya nitong lumayo para magkaroon ng puwang si Ysabel kay Xavier… Sanay na siya.
Ang tahimik niyang reaksiyon ang naka-agaw ng pansin ni Xavier.
Matagal nang nasanay si Xavier na hindi nakikipagtalo si Mayumi, hindi nakikipagpaligsahan, at hindi nage eskandalo Pero ngayong araw, kung bakit, may napapansin siyang kakaiba sa galaw ng asawa, hindi lang uto matukoy kung ano
Sa harap ng pamilyang Valerio, palagi siyang mahinahon Kahit gaano katindi ang sermon sa kanya, o gamo kabastos si Antra hindi siya nagagalit, pinili niyang manahimik
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME