CHAPTER 30
+25 Bonus
CHAPTER 30
Sanay na siya sa gano’n. Sobrang close sina Andra at Xavier at dahil doon, ayaw sa kanya ni Xavier. Madalas siyang tirahin ni Andra sa harap nito.
Palagi siyang kinukutya ni Andra, sinasabing hindi siya karapat-dapat kay Xavier, na isa lang siyang panggulo sa pagitan nina Xavier at Ysabel.
Noong una, iniinda pa niya iyon. Ginawa niya ang lahat para makuha ang loob ni Andra…. inalam ang mga hilig nito, nagpadala ng mga regalo, pati pagpunta sa ibang bansa para kumuha ng memorabilia at autograph sa gusto nitong artista.
Tinanggap naman ito ni Andra, pero hindi kailanman taos-puso. Sa tuwing may matatanggap itong regalo, ngingisi lang ito at sasabihing… ” Akala mo hindi ko alam ang mga pakana mo? ‘Wag mong isipin na makukuha mo ang loob ko sa ganitong paraan. Kahit anong gawin mo, isa ka pa ring panggulo sa pagitan ng kuya ko at ni Ysabel. Hinding-hindi kita magugustuhan!”
Madalas masaktan siya sa mga salitang iyon. Pero habang tumatagal, unti-unti niyang natanggap ang lahat. Kaya ngayong narinig niya na naman si Andra magsalita nang gano’n, wala na siyang naramdaman.
Payapa siyang pumasok sa silid, magalang na binati ang mga naroon, gaya ng nakasanayan niya.
Pagkakita pa lang sa kanya ni Andra, agad na sumama ang mukha nito. Nagpa-ikot-ikot pa ng mata, halatang ayaw nitong andoon siya.
“Biglang uminit ang paligid, may dumating na nagpainit ng ulo ko!” Parinig ni Andra sa kanya. Ang mainit na pakikitungo nito kay Ysabel ay kabaliktaran naman sa kanya.
Tumawa si Ysabel at marahang inayos ang buhok ni Andra. “Andra, kahit ano pa ‘yan, si Mayumi pa rin ang hipag mo. Huwag kang magsalita nang ganyan.”
Napasinghal si Andra. “Sinong nagsabing hipag ko siya? Sa puso ko, ang tanging karapat-dapat maging hipag ko ay ikaw.” May bahagyang kirot siyang naramdaman. May sumilay naman na ngiti sa mga mata ni Ysabel, pero agad niya itong tinakpan pagkatapos ay tumingin sa kanya.
“Pasensya na, Mayumi. Bata pa kasi siya, hindi nag-iisip bago magsalita. ‘Wag mo nang intindihin.”
Lihim siyang napangiwi sa kaplastikan ni Ysabel. Hindi iyon ang unang beses na hinamak siya ni Andra sa harap ni Xavier, at hindi rin unang beses na pinipilit siya nitong lumayo para magkaroon ng puwang si Ysabel kay Xavier… Sanay na siya.
Ang tahimik niyang reaksiyon ang naka-agaw ng pansin ni Xavier.
*****
Matagal nang nasanay si Xavier na hindi nakikipagtalo si Mayumi, hindi nakikipagpaligsahan, at hindi nag-e-eskandalo. Pero ngayong araw, kung bakit, may napapansin siyang kakaiba sa galaw ng asawa, hindi lang nito matukoy kung ano.
Sa harap ng pamilyang Valerio, palagi siyang mahinahon. Kahit gaano katindi ang sermon sa kanya, o gaano kabastos si Andra, hindi siya nagagalit, pinili niyang manahimik.
Kaya madalas sabihin ng kanyang ina na hindi man perpektong asawa si Mayumi, pero isa itong huwarang manugang. Mabait lang ito palagi sa harap ng pamilya kahit pa minsan somosobra na ang kapatid nya.
Bago pa man siya makapag-isip, bumaba ang isang kasambahay para ihatid ang mensahe… pinapatawag siya ng ama niya sa library sa itaas.
Hindi na nya masyadong nabigyang halaga ang pangungutya ni Andra sa kanyang asawa at umakyat agad para puntahan ang
ama.
*****
Samantala, tuwang-tuwa si Andra habang inaakay si Ysabel papunta sa sofa, parang batang excited, nagtatanong nang simod
CHAPTER 30
+25 Bonus
sunod…. kumusta raw ang buhay nito sa abroad, kumakain ba ito nang maayos, at kung anu-ano pa.
Siya naman, naiwan lang nakatayo. Kahit naman emotionally ready na siya, aaminin nyang may kurot pa din sa puso. Hindi siya galit kay Andra. Sa katunayan, noong una niya itong makilala, nagustuhan niya ang inosente at prangkang personalidad nito. Lumaki si Andra na spoiled. Nakikita niya ang kanyang sarili kay Andra noong kabataan niya.
Sa pagdaan ng panahon, habang lumalalim ang pagkakasangkot niya sa magulong kasalan at mga usaping pang-negosyo, unti- untin siyang nawawala sa kanyang sarili. Itinuring niya si Andra na parang tunay na nakababatang kapatid, umaasang makahanap ng ginhawa sa presensya nito.
Pero hindi siya kailanman pinagkatiwalaan ni Andra. Palagay nito, pakitang-gilas lang ang lahat ng ginagawa niya, para makisipsip sa harap ni Xavier.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME