CHAPTER 28
XAVIER’S POV:
Habang pinakikinggan ni Xavier ang malumanay at sunod-sunod na boses ni Mayumi ay napatingin siya sa mga dokumentong nasa kanyang tabi.
Ayon sa impormasyong ibinigay ng kanyang assistant na si Alden, Mayumi was living in one of the worst old residential area. Hindi lang luma ang lugar, pati na din kondisyon ng pamumuhay sa paligid. Nakita niya din sa litrato kung gaano kaluma ang
tinitirhan nito.
Nang makita niya ang report, hindi niya alam kung matatawa o maiinis. Buwan-buwan nagpapadala siya ng halos fifty thousand pesos para sa allowance ni Mayumi, pero doon pa nito gustong tumira?
Was she doing it on purpose? Trying to gain his sympathy? O sinasadya nito ng sa gano’n ay pag-usapan ito ng mga tao na ang kanyang asawa ay nakatira lang sa isang barung-barong na lugar?
Either way, he found it absurd. Pero ganoon pa man, nagpasya siyang bigyan ang asawa ng time para sa sarili nito para makapag -isip. Kung ayaw pa nitong bumalik sa bahay nila ay hindi niya pipilitin.
“Do you have anything else to say?” marahan niyang sabi. Bihira lang siyang magtanong sa asawa ng gano’n.
“Anything else?” tanong nitong parang naguguluhan. “Yung tungkol ba sa atin?… Sige, sabihin na rin natin sa pamilya mo bukas ang tungkol sa atin.”
“Tungkol sa atin?” ulit niya sa sinabi ni Mayumi. Was she referring about Ysabel? Ang pagpayag niya na lumipat si Ysabel sa mansion at ito naman ang umalis para tumira sa lumang apartment? Gagamitin ba nito laban sa kanya para magpaawa na naman sa pamilya niya?
Imbes na maayos ang kanyang mood ay ginalit na naman siya ni Mayumi. “Kung may hihingiin ka, sabihin mo nang direkta. Bakit mo pa pinalalaki ang napakaliit na bagay?” galit na sabi nya.
“Napakaliit?” Mapait na ngumiti si Mayumi.
“Lahat ng pagod ng isip, lahat ng hirap ng damdamin at pagdadalawang-isip na pinagdaanan niya nitong mga araw… biglang naging nakakatawang maliit na bagay. Ang dami na niyang isinakripisyo para sa kasal na ito, pero para kay Xavier, wala lang… isa lang itong maliit at walang kwentang problema.”
Buti na lang, sanay na siyang masaktan. Sandali lang nanlamig ang puso niya, pagkatapos ay agad din siyang nakabawi.
Huminga na lang siya ng malalim. “Ikaw ang bahala kung sasabihin mo o hindi, at kung kailan mo gustong sabihin, total pamilya mo naman sila.” walang gana niyang sagot.
“Kung wala ka ng ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag.” At hindi na niya hinintay ang sagot ni Xavier, pinutol niya ang tawag.
Napangiti na lang si Xavier sa galit nang marinig na pinatayan siya ng telepono ni Mayumi.
Anong klaseng ugali ‘yon? Hindi ba ito ang naunang umalis sa bahay nila? Tapos sasabihing siya daw ang bahala kung kailan niya gustong sabihin sa pamilya?… Ano naman ang sasabihin niya? At ang lakas pa ng loob nitong babaan siya ng tawag?
Noon, siya palagi ang nagpuputol ng tawag. Ito ang unang beses na si Mayumi ang nanguna. Lalo itong tumapang
Galit at inis ang naramdaman niya saka binagsak ang mga dokumento sa mesa. Alam niyang may sama ng loob si Mayumi, pero hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi naman bago ang pag-aaway nila dahil kay Ysabel, but Mayumi had never acted this unreasonable before. Napakaliit na bagay, bakit pa kailangang palakihin ni Mayumi?… worth it ba ang pag-unarte nito?
+25 Bonus
“Senyorito, hindi maganda sa kalusugan ang nagagalit palagi. Kumain muna kayo.” sambit ni Nora nang makitang mainit ang
ulo niya.
Walang salita na tumayo siya at tumungo sa dining room para kumain. Pero unang subo pa lang ng pagkain ay napakunot na kaagad ang kanyang noo. Walang lasa ang pagkain na lalong nagpainit ng ulo niya!
Ganito ba talaga kasama ang luto ni Nora noon? Hindi naman siya madalas kumain sa bahay, pero hindi niya maalalang ganito ka-walang lasa dati. Hindi niya alam pero parang araw-araw ay lumalala ang luto nito.
Tumingin siya kay Nora. Nakita niya ang mga kulubot at puting buhok nito. Gusto niya sanang pagalitan si Nora pero dahil matanda na ito ay hindi niya tinuloy at hindi na nagreklamo.
“Senyorito, may problema po ba?” nag-alalang tanong nito.
Tumayo siya, pinunasan ang bibig gamit ang napkin, at mahinahong inilapag iyon. “Aalis ako. Hindi na ako kakain.” Walang lingon-lingon siyang umalis.
Habang nakatingin si Nora sa papalayong likod ni Xavier, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Simula nang umalis si Mayumi, wala na siyang oras para magpahinga. Lahat ng gawaing bahay at pagluluto, bumagsak sa kanya. Dahil ilang taon nang komportable ang buhay niya, nanibago na siya kaya nitong mga araw, sa pre-cooked meals lang siya umaasa.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME