CHAPTER 31
+25 Bonus
ANDRA’S POV:
Iniwan ni Andra si Mayumi na nakatayo sa gilid at sinadyang makipagkuwentuhan nang masaya kay Ysabel. Inaasahan niyang gagaya si Mayumi sa nakasanayan at magbibigay din ng regalo sa kanya. Plano pa nga sana niyang itapon ito nang hindi man lang tinitingnan, para ipakitang hindi niya gusto ang ibibigay ni Mayumi, at para ipakita kay Ysabel na nasa panig siya nito
Ngunit makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin lumalapit si Mayumi. Dahil sa pagtataka, sumulyap siya mula sa gilid ng kanyang mata, at nakita niyang kalmado itong umupo sa sofa makalipas ang dalawang minuto.
Napansin din niya na iisang gift lang ang dala ni Mayumi. At mukhang hindi iyon para sa kanya. Sandali siyang naguluhan. Mas maliit ba ang regalo? Naitago ba ito ni Mayumi? Pero hindi eh… wala namang bulsa ang suot nitong bestida ngayon.
Hindi na siya nakatiis kaya nagtanong siya… “Mayumi, nasaan ang regalo ko?”
Hindi inasahan ni Mayumi na bigla niyang tatanungin. Bahagya itong natigilan bago sumagot,
“Wala akong inihanda.”
“Walang kang dalang regalo?” Agad na nag-alab ang galit niya.
Nang makita iyon, mabilis na dagdag ni Mayumi, “Hindi mo naman madalas nagugustuhan ang binibigay ko. Kahit magdala pa ako ngayon, iisipin ko ring itatapon mo lang.
Pagkarinig, sandali siyang natigilan… ‘yun nga ang iniisip niya kanina, na itatapon niya ang regalo. Bigla siyang nakaramdam ng inis at hiya. Para bang lumilitaw na parang naghahabol siya ng regalo mula kay Mayumi.
Dahil sa halong pagkairita at kahihiyan, pasigaw niyang sinabi…. “Wala ka na doon kung itatapon ko! Pero responsibilidad mo na bumili! Ang daming pera na binibigay sa’yo ng kuya ko kada buwan, winaldas mo ba yun lahat?”
*****
MAYUMI’S POV:
Ito ang mga salitang pinakaayaw marini
noon ni Mayumi. Sinisikap niyang huwag magmukhang sakim sa mata ng pamilyang Valerio. Noon, agad-agad niya itong ipinaliliwanag nang maigi… pero ngayon, natutunan na niyang hayaan na lang. Kapag may duda na, tapos na. Kahit anong paliwanag niya, malamang hindi rin maniniwala si Andra.
“Bahagi ako ng pamilyang Valerio, ang pera na ibinibigay ng asawa ko ay para sa akin. Kung hindi ko iingatan, sino ang dapat mag-ingat? Sayo ko ba dapat ibibigay?” Kalmadong sabi ni Mayumi.
Lihim siyang napangiti ng makitang natameme si Andra, hindi nito inaasahan na sasagot siya. Akmang sasagot pa lang, ng bumaba ang ina nitong sa si Estrella mula sa hagdan.
Nakasuot ito ng isang elegante at custom-made na moon-white dress. Mula ulo hanggang paa, kapansin-pansin ang pagka sopistikada ng ina, maayos ang buhok, perpekto ang make-up.
Tinapunan siya nito ng tingin at inabot ang kamay sa kanya para magpatulong sa pagbaba. Aabante sana siya para tulungan, ngunit maagap na tumayo si Ysabel, nakangiti habang inaabot ang kamay ni Estrella.
“Auntie, ang tagal nating hindi nagkita. Parang lalo kayong bumabata at gumaganda.”
“Same to you, iha” maikling tugon ni Estrella.
“Mom, look! Ito ang regalo na dala ni Ate Ysabel sa ‘yo… isang scarf mula sa mamahaling brand. I know, bagay sa ‘yo ‘to!” ni Andra sa ina habang binida ang dalang regalo ni Ysabel.
Ngumiti si Ysabel. “Maliit na regalo lang ‘yan Auntie… Sana magustuhan mo
sabi
“Naku, Ate Ysabel! Napakamahal ng scarf na ‘yan, paano magiging maliit na regalo?” agad na singit ni Andra, medyo malakas
CHAPTER 31
+25 Bonus
ang boses na may halong pagyayabang at parinig sa kanya
Ang tatlo ay nag-usap ng masaya, at sinadyang lakasan ni Andra ang boses, halatang gusto siyang asarin. marahil ay galit pa din ito dahil wala siyang dalang regalo.
Bumalik
review
Kaila
ag-upo at nag-scroll sa cellphone ng mga bagong balita tungkol sa entertainment industry. Kahit na nagre- muli kamakailan, masyadong matagal ang pagitan ng pagpapahinga niya kaya kailangan nyang makahabol.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME