Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 32

CHAPTER 32

Nang magsalita si Estrella ay bahagyang nanigas ang ngiti sa labi ni Ysabel, napahiya ito. Kinikilala ni Estrella ang posisyon niya bilang asawa ni Xavier sa bahay na iyon.

Pero alam na alam niya na hindi siya ipinagtatanggol nito, ginagamit lang siya bilang kasangkapan.

At tama nga. Pagkasabi pa lang ng mga salitang iyon, agad na napakunot ang noo ni Andra at nagreklamo sa ina na si Estrella. “Mom, hindi naman guest si Ysabel. At saka alam n’yo naman, mas mabait pa siya sa’kin kaysa sa mismong sister-in-law ko!” Binigyan siya ni Andra ng matalim na tingin. Halatang hindi pa rin ito nakaka-move on dahil wala siyang dalang regalo. Hindi na siya nag-abala pang magpaliwanag. Hindi alam ng mga ito na matagal nang tinigil ni Xavier ang pagbibigay sa kanya ng allowance. Kapag sinabi niyang hindi siya binibigyan ng pera ni Xavier, siguradong uusisain siya ni Andra. Tatanungin nito kung saan galing ang perang ginastos niya sa loob ng maraming taon kahit hindi siya nagtatrabaho? Paano niya nabili ang mga regalo na mga binibigay niya noon?

At kahit ipaliwanag niya pa, hindi rin naman siya basta-basta paniniwalaan ni Andra. Ang mas malala, baka magalit pa pati si Estrella.

Dahil naka-processed na rin naman ang divorce nila ni Xavier, ayaw na niyang gumulo pa ang sitwasyon. Hahayaan niya ang mga ito sa gusto nilang paniwalaan.

Napatingin si Andra sa nag-iisang gift na dala niya. “Para kay Mom ba ‘yan? Patingin kung ano ang binili mo para sa kanya.” Biglang sabi nito at akmang kukunin ang gift pero mabilis niya ding kinuha.

“Para kay Grandma ‘to.” Mahinang sabi niya. Wala naman siyang pera kaya hindi niya kayang bumili ng regalo para sa lahat.

At saka hindi naman naa-appreciate ng dalawa ang mga regalo niya kahit noon pa. Si Andra ayaw sa mga binibigay niya, si Estrella naman ay hindi rin nag-aabalang buksan man lang ang mga binibigay niya… diretso storage na.

Si Donya Corazon lang ang tumatanggap at talagang ginagamit o sinusuot ang binibigay niya. Kaya sa pagkakataong ito, para kay Grandma lang talaga ang regalo.

Nanlaki ang mata ni Andra. “So wala kang inihanda para sa’kin, fine… pero ni regalo para kay Mom, wala rin? Both Mom and Grandma are your elders, Mayumi! What were you thinking?” pang-iinsulto ni Andra.

Napahiya siya, napatingin siya kay Estrella, dumilim ang mukha nito nang pandalian pero agad ding nag-iba. “Tama na ‘yan Andra. At least naalala niya si Mama… okay lang ‘yun,” malamig na boses ni Estrella.

“Kahit pa Ma! Dapat dalawa kayo ang may gift. Parang lumalabas tuloy na si Grandma lang ang gusto niya at hindi ikaw.” Sulsul pa ni Andra.

Nagtatagumpay naman si Andra sa pagsulsul sa ina nito dahil muli siyang tiningnan ng masama ni Estrella.

“Hay naku, Mom. Huwag n’yo na siyang pansinin. Tingnan n’yo na lang ‘yung gift na binigay ni Ysabel.”

Masayang binuksan ni Andra ang regalo ni Ysabel na scarf at nilagay sa leeg ng ina. “See? Bagay sa’yo Mom! You look so elegant!”

Hinaplos ni Estrella ang tela na parang gandang-ganda sa natanggap na regalo. Totoong mamahalin ang materyales at elegante ang design. Mahal nga naman talaga iyon. Malinaw na pinag-isipan ni Ysabel ang regalong iyon.

niyang ang pagbibigay ng regalo ni Ysabel ay isang paraan lang para ipakita sa lahat na mas nakakalamang ito kaysa sa

pa iyong sinusulsulan ni Andra. Halatang pinagtutulungan siya ng dalawa.

abel bago niya bilihin ito, Mom. Para masiguradong magugustuhan mo talaga ang ibibigay niya. That’s

gdag pa ni Andra

mambot ang ekspresyon ng mukha ni Estrella saka tumingin kay Ysabel.

“Thank you, iha.”

25 Bonus

Ang laki naman ng ngiti ni Ysabel. “You’re welcome po, Auntie.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME