CHAPTER 33
XAVIER’S POV:
Sa library… prenteng siyang nakaupo sa sofa, marahang tumatambol ang mga daliri sa ibabaw ng tabletop.
Sa tapat niya ay ang kanyang amang si Lucio Valerio na tahimik at kanina pa nagbabasa ng mga dokumento ng kompanya. “Dad, hindi mo naman ako pinatawag para lang panoorin kang magtrabaho, ‘di ba?” walang ganang sabi niya
Ibinaba ni Lucio ang mga papel at tumingin sa kanya. “I heard you’ve started working with the Santillan family again?”
“Ang bilis ng balita ah!” tumaas ang kanyang kilay at tumawa nang nakakaloko. “Hindi ba’t kayo ni Grandma mismo ang nagpumilit sa collaboration na iyon noon?” halata ang pagka-inis sa boses niya.
Noon, nang ipagkasundo ng pamilyang Valerio ng kasal sa mga Santillan, napilitan siyang tanggapin ang maraming bagay na labag sa kanyang kalooban.
Napabuntong-hininga ang kanyang ama. “Sa kalagayan ngayon ng pamilyang Santillan, wala na talagang dahilan para tulungan pa natin sila. Kasama na roon si Mayumi…”
Saglit siyang napahinto, tila tinitimbang ang bawat salita. “Hindi natin pwedeng iwasan ang marriage alliance, dad. Maraming nagbabantay sa kilos ng pamilya natin. Kung hindi natin susundin ang napagkasunduan, kukuwestiyunin ang kredibilidad ng pamilya natin.”
“Pero iba na ang sitwasyon ngayon… anak! Kung talagang hindi mo na gusto si Mayumi, puwede ka ng makipag divorce sa asawa mo.”
Pagkarinig noon, biglang tumigil ang mga daliri niya sa pagtambol sa lamesa.
“Divorce?” tinaasan niya ng kilay ang ama, muling sumiklab ang pamilyar na inis sa dibdib niya. Pagkatapos ng ilang segundo, napatawa siya nang mapait at malamig na nagsalita, “So ngayon, hindi mo na iniisip kung sasabihin ng iba na walang isang salita ang pamilya natin? Hahayaan mong masisira ang kredibilidad natin sa lipunan?”
“But things are different now,” putol ng kanyang ama. “Buhay pa ang ina ni Mayumi noon nung pinatupad natin ang alliance. But now, you and Mayumi have been married for five years, and the marriage is still like this…”
“Like what?” putol niya sa sasabihin ng ama.
*****
Napatingin sí Lucio sa anak, napapailing na lang dahil wala siyang magawa. Paano niya ipapaliwanag? Lahat ng tao sa siyudad alam na hindi magkasundo si Xavier at Mayumi. Kahit kunwari man lang, hindi nila magawang magpanggap. Nabansagan pa nga sila na most incompatible couple in the city.
Ngayon pang bumalik si Ysabel, halos lahat ay inaasahang papalitan ni Xavier si Mayumi at babalikan si Ysabel. May ilan pa ngang gumawa ng mga pustahan… pustahan kung itutuloy ba ni Xavier ang kasal kay Mayumi o ipa-annul ito at piliin si Ysabel.
May mga business partners pang nagsasabing huwag niyang masyadong isipin ang sitwasyon, ngunit sa likod niya ay tumataya ang mga ito nang malaki kay Ysabel. Sobra na ang taas ng abanse laban kay Mayumi na nagiging kulelat na.
Pero hindi na niya ito binanggit sa anak. Hindi niya ugaling manghimasok sa love life nito, at alam niyang ayaw din itong marinig ni Xavier.
Pagkatapos ng tahimik na pag-iisip, muli siyang nagsalita. “Depende ‘yan sa desisyon mo, anak. Kung gusto mong ipasawalang -bisa ang kasal n’yo ni Mayumi, kakausapin ng mama mo si Mayumi and we will arrange generous compensation for her. Sa
tingin ko naman, mas makabubuti sa inyong maghiwalay na lang, malamang pumayag siya.
鰾
Nakita niyang sandaling natahimik si Xavier. Bigla itong natameme at napaisip nang malalim, parang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
wara kay Magna
ndi neya mukalang kalkomitea si Leber te
peg de op.
Ysabel Wala ka bang halal gyan siya ng exgMBAA) MM
itumiacan no Kentiet alog castery The Boay year anises “This is may be his
yang apa nu talaga
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME