CHAPTER 34
“Mayumi… apo ko… andito ka na ba? Parang ang tagal mo nang hindi bumibisita sa akin, apo. Nasaan ka na ba?” masiglang boses ni Donya Corazon habang papasok ng mansion. Napatingin ang lahat sa matanda.
Nakaupo lang siya sa sofa ng marinig ang boses ni Donya Corazon na tinawag ang pangalan niya. Hindi man lang niya nakita na pumasok si Grandma. Agad siyang ngumiti, mabilis itong naglakad papasok na may mainit na ngiti sa labi, hawak ng isang katulong para alalayan ito.
Agad siyang tumayo para salubungin sana si grandma, nang biglang sumingit si Andra at hinarangan siya. Sadyang binangga pa siya nito dahilan para muntik na siyang matumba.
Muli siyang tumayo ng maayos ng makitang nauna nang makalapit si Andra kay grandma.
May tampo ang mukha ni Andra habang yumakap kay Grandma at nagkunwaring nagrereklamo…
“Grandma, si Mayumi lang palagi ang iniisip mo. Naiisip mo pa ba si Andra? Baby mo pa rin ba ako?”
Halos maglaho ang mga mata ni Donya Corazon habang tumatawa. “Aba, oo naman. Pareho kayong mahal ni Grandma… Kayong dalawa ni Mayumi, parehong espesyal sa puso ko.”
“That’s more like it, Grandma.” Nakangising niyakap muli ni Andra ang matanda. Noon pa man ay magaling na si Andra sa pagkuha ng kiliti ng matanda, magaling itong mambola.
Samantala….
Napasimangot naman si Estrella sa narinig mula sa sinabi ng kanyang biyenan na si Donya Corazon. Ang sabi nito kanina ay pantay sa puso nito si Mayumi at Andra… pero pagpasok nito sa mansion, ang una nitong hinanap ay si Mayumi. Kung iisipin, parang mas pabor si Grandma kay Mayumi.
Doon pa lang ay sumama na ang kanyang loob na hindi na maintindihan. Si Andra naman ay tila hindi napansin ang mga sinabi ng lola nito kanina. Abala na ito sa pakikipagkuwentuhan sa matanda.
Habang masaya ang mood ni Donya Corazon, sinamantala niya ang pagkakataon at hinila si Ysabel para lumapit sa Donya. Nagulat man si Ysabel pero agad din itong nakahuma.
“Hello, Grandma. Ang tagal natin hindi nagkita, mas lalo kayong bumabata,” bati ni Ysabel sa Donya.
Noong mga panahong may relasyon pa sina Xavier at Ysabel, nag-volunteer pa ang dalaga sa home for the aged para lang makuha ang loob ni Donya Corazon. Kumpiyansa siyang matutuwa ang matanda na makita muli si Ysabel doon pero sa halip, biglang nagkunot ang noo nito.
“And you are…?” nagtatakang tanong nito kay Ysabel.
Nanigas nang bahagya ang ngiti ni Ysabel.
“Grandma, siya si Ysabel, remember her? Girlfriend ni Kuya Xavier dati. Lagi siyang dinadala ni Kuya dito noon.” Mabilis na paliwanag ni Andra.
Tila may naalala si Donya Corazon, bahagyang lumamig ang ekspresyon ng mukha nito.
“Oh. Xavier’s ex-girlfriend. Why are you here?” tanong nitong sinasadyang idiin ang salitang ‘ex-girlfriend.’
Napahiya si Ysabel pero agad din itong nakabawi. “Ahm, sinama po ako ni Xavier dito, Grandma. Kakabalik ko lang dito sa Pilipinas kaya gusto ko po kayong kamustahin… kayo, pati sina Uncle at Auntie.
“Pasensya ka na, pero family dinner ito ngayon ng Valerio. Hindi kami nag-iimbita ng hindi pamilya.” Matabang na tugon ng
matanda.
Naging awkward ang paligid sa sinabi ni Donya Corazon.
+25 Bonus
Sa totoo lang wala naman talagang nagtrato kay Ysabel na outsider doon. Maging si Estrella, matagal nang tanggap ng mga Valerio na si Ysabel ang susunod na magiging Mrs. Valerio at hindi na siya. Pero gaano pa man, napahiya pa rin si Ysabel sa sinabi ni Donya Corazon.
Maging siya ay hindi rin nakapagsalita. Alam ni Ysabel na family gathering iyon, pero sinadya nitong sumama kay Xavier para unti-unting makuha ang pabor ng pamilya at ma-outcast nga siya.
‘Yun nga lang, mukhang hindi pa nakuha ni Ysabel ang loob ni Donya Corazon. At hindi nito inasahan ang magiging tugon ng matanda. Pati si Andra at Estrella, na kadalasan ay mabilis makabawi, ay bigla ding natahimik. Tama naman kasi si Donya Corazon. Hindi naman talaga ito kabilang sa pamilyang Valerio.
Bago pa makahuma ang lahat, mabilis nang naglakad si Grandma papunta sa kanya. May lambing ang ngiti nito habang inaabot ang kamay niya, at gamit ang isang kamay, marahang inayos ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa noo niya. “Mayumi iha, parang pumayat ka?”
Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan siya. “Ang laki ng binawas ng timbang mo. Inaaway ka na naman ba ng asawa mo? Hindi ka ba niya pinakikitunguhan ng maayos? Huwag mo siyang ipagtanggol, sabihin mo sa akin ang lahat. Ako ang bahala sa’yo, papagalitan ko ‘yoni Sabihin mo kay Grandma, iha.”
Agad na nanikip ang kanyang dibdib, biglang uminit ang kanyang mga mata. Simula nang mamatay ang mama niya, si Grandma lang ang nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal at ang tanging tumatanggap sa kanya sa pamilyang iyon.
Pero sa kasamaang-palad, si Grandma ay tunay na lola ni Xavier at malapit nang mapasawalang-bisa ang kasal nila. Kapag nangyari iyon, malamang na hindi na siya muling makakabalik sa tahanan ng mga Valerio.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME