Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 35

+25 Bonus

CHAPTER 35

Magsasalita pa sana siya nang makitang pababa na si Xavier kasama ang amang si Lucio.

“Grandma, minsan hindi ko na talaga alam kung ako ba ang tunay mo na apo o si Mayumi.” wika nitong parang may pagtatampo at pagseselos habang nakatingin sa kanialng dalawa ni grandma na magkahawak kamay

Tiningnan ito nang masama ng matanda. “Ikaw ang tunay kong apo pero apo ko din si Mayumi.”

Bumuntong hininga na lang si Xavier na parang walang magagawa at napailing.

“Fine! keep spoiling her. Sobra na siyang spoiled, parang siya na ang nasusunod sa lahat.” mahinang tugon ni Xavier, siniguradong hindi marinig ni Donya Corazon, pero narining niya. Takot ito sa matanda… walang gustong makipagtalo dito.

Maya-maya ay biglang lumapit si Ysabel kay Xavier. “Xav, aalis na ako… I didn’t know this is a family gathering, hindi naman ako pamilya.” kunyari sabi nito.

“No, Ate Ysabel, ‘wag kang umalis. Dito ka lang.” Mabilis na sabi ni Andra at hinawakan sa braso si Ysabel para lang hindi

umalis.

“Don’t go yet, Ysabel. Kumain ka muna bago umalis.” sabi naman ni Xavier.

“Pero nakakahiya… lahat kayo magpamilya dito, ako lang ang outsider. I’m not supposed to be here.” muling sabi ni Ysabel na parang nagsusumbong.

Kumunot ang noo ni Xavier. “Sino ang nagsabing outsider ka?”

Sandaling sumulyap si Ysabel sa kanila ni Donya Corazon. “W-walang nagsabi. It’s just how I feel.”

Lalo pang lumalim ang kunot ng noo ni Xavier. Sinundan nito ng tingin ang direksyon ng sulyap ni Ysabel at nagtagpo ang tingin nilang dalawa.

Ewan bakit parang siya na naman ang sinisisi ni Xavier. Siya ba ang pinagbibintangan nito sa mga kasinungalingan ni Ysabel? Pag si Ysabel talaga ang magdrama ay pinapaniwalaan kaagad ni Xavier.

*****

DONYA CORAZON’S POV:

Biglang uminit ang kanyang ulo nang makitang masama Ang tingin ni Xavier sa asawa nitong si Mayumi.

“Ako ang nagsabi. Bakit? Mali ba ako?” mabilis na sabi niya.

Siya lang ang tunay na nakakakita kung ano talaga ang tunay na ugali ni Ysabel. Pero ang sarili niyang mga apo na sina Xavier at Andra ay napakadaling paikutin ng babaeng ‘yon.

“Grandma, kaibigan ko si Ysabel. Ako mismo ang nagdala sa kanya rito. Bakit mo siya binabastos at pinapaalis… it’s inappropriate, Grandma!”

“Inappropriate?” malamig na tawa niya.

“No matter how inappropriate it is, is it worse than you bringing her here and acting all cozy in front of everyone?”

Natahimik si Xavier. “Grandma, ang sama naman po ng sinabi n’yo.”

Napairap siya. “Kung masama pakinggan, sana hindi mo siya dinala dito sa simula pa lang.”

“That’s enough, Mom!” Putol ng kanyang anak na si Lucio. “Bakit ka nakikipagtalo sa bata tungkol dito? Hayaan mo silang magdesisyon para sa mga buhay nila.” Mahina pero may diin na sabi ni Lucio, tumango naman si Estrella bilang pagsang ayon sa sinabi ng asawa

Galit siya, pero naunawaan niya ang sinabi ni Lucio. Sa mga nakaraang taon, alam niya kung gaano kahirap ang dinanas ni

CHAPTER 35

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME