Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 36

<

CHAPTER 36

CHAPTER 36

alt

XAVIER’S POV:

+25 Bonus

Napalingon siya nang marahas kay Mayumi. Maging ang buong pamilya ay nakatingin din pala sa asawa niya. Ano ang ibig sabihin nitong magpapaalam?

May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang umakyat sa kanyang dibdib. Lumalim ang pagkunot ng kanyang noo at dumilim ang ekspresyon ng mukha.

Agad na lumapit si Ysabel kay Mayumi at nagsalita nang mababa ang boses at mahinahon. “Mayumi, normal lang na nagkakaroon ng hindi pagkakasundo ang mag-asawa. Kung may problema, pag-usapan n’yo nang maayos. Hindi kailangan ng padalos-dalos na desisyon, lalo na rito sa tahanan ng Valerio. Hindi magandang tingnan.”

Bagama’t parang pabulong ang pagsabi nito, malinaw na narinig pa din ng lahat.

Bago pa makasagot si Mayumi, lumingon si Ysabel sa kanya. “Xav, ikaw ang lalaki. Kahit ano pa ang nangyari, dapat ikaw ang unang mag-sorry kay Mayumi.”

Bahagyang kumunot ang kanyang noo pero wala siyang sinabi.

*****

Samantala…

Lihim na napangiti si Ysabel nang makitang nagkakagulo na ang magpamilya at siya kuno ang tagapag- ayos… umaakto siyang isang huwarang babae.

Iisipin ng lahat na palaging nag-aaway ang mag-asawang Xavier at Mayumi dahil sa ugali ni Mayumi. Si Xavier ang totoong anak ng Valerio kaya mas ito ang papanigan, walang ibang sisisihin doon kundi si Mayumi. Si Mayumi ang magiging masama sa tingin ng lahat. At ‘yon ang gusto niyang iparating… maging masama ang image nito. Lihim na naman siyang napangiti.

Ngumiti siya nang malumanay kay Mayumi. “Mayumi, mainitin lang talaga ang ulo ni Xavier. Ako na ang magso-sorry sa’yo para sa kanya. ‘Wag na nating patagalin ang usaping ito… sasama lang ang loob ni Grandma.” muling paawa niya, kumukuha ng simpatya ng lahat. \

Alam niyang si Donya Corazon ang pinaka-ginagalang sa pamilyang ‘yon at importante tao para kay Mayumi. Kaya inaasahan niyang susuko na ito para hindi mabahala si Grandma. Ngunit ngumiti lamang ito sa kanya at mahinahong nagsabi,

“Sa tingin ko, nagkamali ka ng iniisip, Ysabel. Hindi kami nagtatalo, at kahit pa nag-aaway kami, ako pa rin ang legal na asawa ni Xavier. Kaya maaari ko bang malaman, ano ba ang posisyon mo para mag-sorry sa akin para sa kanya?” may pang-iinsultong tanong nito.

Napatigil siya… “Ah, ehhh-

Akmang magsasalita pa lang siya nang muling putulin ni Mayumi ang sasabihin niya. “Mas mabuti siguro kung tumigil ka na, Ysabel. Baka may makarinig na iba at isipin pang sinasadya mong pag-awayin kaming mag asawa.”

Hindi siya makapagsalita, napatingin siya kay Xavier para humingi ng tulong. Ngunit hindi man lang siya

5

61

pinansin nito. Nakatitig lang ito kay Mayumi na bahagyang nakataas ang isang kilay.

+25 Bonus

Lihim na napangiti si Xavier nang marinig ang sinabi ni Mayumi… So she kept saying she wanted to annul our marriage, pero sa harap ni Ysabel ay pinagkakandalakan nito kung ano ang posisyon nito sa buhay niya? … na siya ang asawa?

Gaya ng kanyang inaasahan, hindi naman pala talaga nito gustong tapusin ang kasal nila. Doon siya nakahinga nang maluwag. Pero agad din iyong binawi nang maalala na baka may pakulo na naman Mayumi para makuha ang atensyon niya. Tinapunan niya ito ng masamang tingin.

*****

Ramdam ni Mayumi ang matalim na tingin ni Xavier, ngunit hindi siya tumingin pabalik. Posibleng nainis ito sa pagsagot niya kay Ysabel.

Pero ang idiin siya ni Ysabel sa isang bagay na hindi niya ginawa ay ibang usapan na. Gagamitin pa nito si Grandma para i-pressure siya. Ang akala ba ni Ysabel hindi niya alam ang galawan nito? Nagkakamali ito. Kung palagi siyang magpapasawalang-kibo, baka pati sa tingin ni Grandma ay masisira siya.

Habang tahimik ang lahat at hindi pa nakakahuma ay hinawakan niya ang kamay ni Grandma at ngumiti sa lahat… “Pasensya na kung hindi ko naipaliwanag agad. May susunduin lang akong kaibigan, kaya hindi talaga ako makaka-stay para sa dinner.” mahinahong paliwanag niya.

“That’s it?” Agad na sabi ni Andra. “I thought it was something serious. You made it sound like a dramatic farewell. I even thought you and my brother were about to divorce.” supladang sabi niti at naghalukipkip pa. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni Xavier. “Shut up, Andra!” sigaw nito.

Sandali siyang naguluhan sa reaksyon ni Xavier. Bakit parang galit ito sa tuwing babanggitin ang divorce? Pero sa huli ay agad niya ring naintindihan. Maaaring naasar si Xavier dahil diretsahang binanggit ni Andra ang tungkol sa divorce at baka masaktan si Grandma.

At gaya ng inaasahan, nang tumingin si Andra kay Grandma, tahimik lang ito na parang napapa-isip. Walang nagsalita pagkatapos noon.

Pero alam niya, malamang pareho lang naman ang iniisip ng lahat doon. Sa pamilyang Valerio, tanging si Grandma lang ang tunay na humahadlang na tapusin ang kasal nila ni Xavier.

I guess Xavier was right. ‘Wag nang pag-usapan ang tungkol doon. Kung lahat ay naniniwalang mauuwi rin sa divorce ang kasal nila, ang dapat na gawin… ay tahimik na lang itong tapusin.

D

Comments

Support

Share

alt

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME