CHAPTER 31
CHAPTER 37
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita na rin si Grandma upang mabawasan ang tensyon.
“Maaga pa, iha. Ipahahanda ko na ng hapunan sa dining. Kumain ka na rito sa bahay, ‘wag mong alalahanin ang pagsundo sa kaibigan mo.” May banayad na ngiting sabi nito.
+25 Bonus
“Ysabel, manatili ka na rin,” walang emosyon naman na sabi nito kay Ysabel saka naunang pumunta sa dining kasama ang nakabuntot na maid nito. Marahil ay naisip nito na para wala na lang gulo ay hayaang manatili si Ysabel.
Umupo siya sa pagitan ni Grandma at Xavier, sa kabilang gilid naman ni Xavier ay si Ysabel.
Dahil nabanggit ni Andra ang tungkol sa divorce kanina, nanatiling may kaunting bigat ang hangin sa hapunan. Hindi ito masasabi na masayang salu-salo.
Habang kumakain, ilang ulit na nginitian ni Ysabel si Xavier at inaalok ito ng pagkain mula sa plato nito. At hindi tinanggihan iyon ni Xavier.
Naalala niyang maarte si Xavier pagdating sa kalinisan sa pagkain. Noong bago pa lang silang kinasal, hindi niya alam kung paano maging malambing sa asawa dahil si Xavier naman ang una niyang naging
nobyo.
Nag-search pa siya sa internet kung paano pakikitunguhan ang asawa. Sinubukan niyang subuan si Xavier habang isang araw na kumakain sila… ‘yun ang payo sa internet na nabasa niya.
Pero agad na sumimangot si Xavier at sinabihang ‘wag na ‘wag iyong gawin dahil may issue daw ito sa cleanliness pagdating sa pagkain at ayaw nitong sinusubuan ng kahit na sino.
Serving spoon ang gamit niya noon… pero ngayon, personal na kutsara ang gamit ni Ysabel sa paglalagay ng ulam sa plato ni Xavier.
Ibig sabihin, hindi naman talaga tungkol sa kalinisan ang issue, hindi lang talaga siya mahal ni Xavier at anumang gawin niya ay “mali.”
Buti na lang at na-realize niya iyon nang maaga, simula noon ay hindi na siya nag-effort pa.
Habang napapa-isip, ay biglang may naglagay ng scallop sa kanyang plato. Galing iyon sa kanan niya… nasa kanan niya si Xavier.
Lumingon siya habang litong-lito, at nakita niya si Xavier na kalmado at walang emosyon sa mukha. Hindi mabasa ang madilim nitong mga mata.
“Stop staring at me. Kumain ka ng madami. Baka sabihin ng iba pinapabayaan ka dito sa bahay.” malamig nitong sabi.
Natigilan siya. Paglingon niya kay Grandma ay ngumiti ito na parang kinikilig sa ginawa ni Xavier. Doon niya napagtanto na baka pakitang-tao lang iyon ni Xavier para hindi na magalit si Grandma. Hindi na siya nagsalita pa at kinain ang bigay ni Xavier.
Pagkatapos kumain, naglabas ang mga katulong ng prutas sa mesa gaya ng nakasanayan.
Nagbalat siya ng orange. Dahil nakagawian, iniabot niya kay Andra ang pinagbalatan niyang orange. Gustong-gusto ni Andra ang maasim at matamis na prutas na iyon pero ayaw itong magbalat. Siya palagi
?
S
1
2
35
end
+25 Bonus.
ang nagbabalat para kay Andra.
Akmang aabutin na nito ang bigay niya nang napatingin ito kay Ysabel. Marahil ay naalala nito na kapag tinanggap nito ang prutas galing sa kanya ay baka akalain ni Ysabel ay bati na sila.
Sumimangot si Andra at kumuha ng bagong orange, binigay iyon kay Ysabel. “Pwede mo ba akong ipagbalat ng orange, Ate Ysabel?” malambing na sabi ni Andra. Ngumiti naman si Ysabel at inabot ang bigay ni Andra. “Sure, Andra.”
“Thank you so much, Ate. Sigurado akong mas masarap ‘yan kung ikaw ang nagbalat.” sabi ni Andra, sabay parinig sa kanya.
Dahil hindi tinanggap ni Andra ang bigay niya, nanatiling nasa ere ang kamay niya, hawak pa din ang orange. Naintindihan naman niya ang ginawa ni Andra na pamamahiya sa kanya. Marahil ay galit pa din ito dahil nga wala siyang dalang regalo kanina.
Napagdesisyunan niyang siya na lang ang kakain sa orange na pinagbalatan niya na dapat ay para kay Andra. Akmang isusubo na lang niya iyon, ng may mabilis na kamay ang umagaw noon… kinuha ni Xavier at biglang sinubo sa bibig nito.
Comments
Support
Share
alt
Lucia Morh is a passionate storyteller who brings emotions to life through her words. When she’s not writing, she finds peace nurturing her garden.

Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME